31

607 34 27
                                    

Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV


"Shit tangina hindi! Ano yon? Bakit may ganon? Normal lang naman diba? Lagi niya kong hinahalikan sa noo? Shit! Bakit ganon!" paulit ulit kong sigaw ng makauwi ako sa bahay. "Tangina mo Vincent, tigilan mo ako sa mga ganyan mo! Hindi ako madadala ng mga charm mo na yan haliparot ka! Hindi tayo talo!"



"Gayle eto pala yung— ay tarantadong palaka!"



Wait.



"Brian? Anong ginagawa mo dito?"



"Ah kasi tinawagan kami ni Vinny kanina kung ubra kami magbantay kay Gayle eh saktong duty si Julius sa capitol ngayon so ako na lang muna nagpresinta." naiilang nitong sagot.



Nanliliit ang mga mata kong tinititigan ito.



"Gusto mo ng canton?" Brian.



"Bri anong tagal— Ali? Nandito ka na, si Vincent nasaan?" Gayle.



Wow, sumigla ka girl? Anyare?



"Pinauwi ko na, at bakit ka kumakain ng ganyan? Hindi healthy yan akin na nga 'to." inagaw ko ang plato at kinain ito. "Ikaw Brian, magbabantay ka na lang wala ka pang alam sa mga dapat at hindi."



"Ali patikim lang!" Gayle.



"Hindi." tipid kong sambit. "At ikaw, umuwi ka na." turo ko kay Brian. 



Nagkakamot ng ulo itong nilagpasan ako, aambaan pa sana ako nito ng nakalingon ako agad.



"Sige subukan mo, uupakan ko kaluluwa mo." 



"Ali…" mahinang sambit sa akin ni Gayle. Alam ko na 'to.



"Anong kailangan mo?"



"Hindi, kasi kanina may… ano... yung organizer ng gaganaping beauty pageant dito sa Ilocos Norte eh nagpunta dito." 



"Ay Gayle, wag matigas ang ulo hindi mo kaya. Kailangan mong magpahinga." pagsermon ko dito.



"Hindi ano lang naman kasi yon—"



"Gayle, wag ng paulit ulit hindi ka sasali sa ganon."



"Hindi nga Ali kasi ganito—"



"Ang kulit ah." 



"Punyeta! Ikaw ang sasali hindi ako!" sigaw nito na nagpahinto sa akin. "Ikaw daw ang napili nila para maging Miss Laoag para sa gaganaping Miss Ilocos Norte 2030."



"Ako?" turo ko sa sarili ko sabay tawa ng malakas. "Ako? Joke time ba tayo dito ngayon? Kasi nakakatawa, oo." 



Tuloy pa rin ako sa pagtawa ngunit ng mapansin kong diretso lang ang tingin sa akin ni Gayle ay tumigil ako.



"Hindi, ayoko. Maghanap sila ng iba, ang daming magaganda dito sa Laoag tsaka diba may application yon so bakit namimili sila?"



"Ali…"



"Ah basta ayoko, anong alam ko sa rampa rampa na yan."



Tangina, 3 inches na heels nga natatapilok na ako. Tsaka never ko pa natry mag-gown, naiisip ko pa lang nauumay na ako. 



"Exposure din yon Ali, tsaka gusto man lang kita makita sa ganon bago—"



"Gayle ano ba!" inis kong sagot dito. 



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now