20

553 41 39
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV


Ngayon ang araw ng alis namin pabalik ng Ilocos. Sa totoo lang ay namimiss ko na rin ang probinsya namin dahil halos doon na rin ako lumaki although masalimuot lahat ng nangyari sa akin doon.



"Kailan tayo babalik ng Manila?" tanong ko dito.



"Ali, hindi pa nga tayo nakakarating ng Ilocos you're asking about getting back to Manila na." Vincent.



"Kasi naman may work ako diba?!"



"Meron ka ngang project sa Ilocos, hintayin mo na lang yon."



"Ugh! So, anong gagawin ko ulit don? Tatambay?" irita kong sagot, ngunit mabilis din nagbago ang mood ko ng maalala ko ang mga classmates ko nung college ako at sila Brian at Julius. Ang tagal ko na rin silang hindi nakikita sana'y walang tampo sa akin ang mga yon. "Wait, wala akong pasalubong kila Brian!"



"I do have. Ikaw bahala ka." Vincent. Hinampas ko ito.



"Bakit hindi mo sinabi sa akin na bibili ka!"



"Wait naman! I bought it for the both of us, I was just kidding lang nakahampas ka na naman!" Vincent.



"Nakakainis ka kasi!"



Wala kaming ginawa kundi ang magtalo dito sa loob ng eroplano. At isa't kalahating oras din ay lumapag na sa Laoag International Airport ang eroplanong sakay namin.



"Namiss ko yung bahay namin ni Gayle dito." sambit ko.



"Well then, let's go-"



"Hep! Anong let's go? Umuwi ka sa bahay niyo!" suway ko dito.



"But-"



"Vincent!"



"Okay fine, ihahatid ka lang namin. Tara na."



Sabay kaming sumakay sa van nila, at hinatid ako ng driver nila sa bahay. Hindi rin naman katagalan at ilang minuto lang.



"Oh siya, thank you! See you when I see you!" paalam ko dito ngunit hinawakan pa nito ang braso ko. "Vinny!"



"Anong view ang mahal?" Vincent.



"Huh?"



"I loview!" pabirong sabi nito with matching turo pa at kindat sa akin, hinampas ko ang braso nito para mabitawan ako.



"Ang corny mo, umuwi ka na nga!"



"What, nabasa ko lang yan." Vincent.



"Kung ganon tigilan mo na 'yang pagbabasa mo. Alis na!" sigaw ko sabay ng pagsara ng pinto ng van nito. Sinenyasan ko rin agad ang driver na paandarin ang sasakyan.



Pumasok ako ng bahay at nilibot ang paningin dito, wala naman nagbago bukod sa tinubuan lang naman ng alikabok at agiw ang mga sulok nito. Eto pa naman ang ayoko ang naglilinis.



Binaba ko ang maleta ko sa kwarto ko, at mabilis na humiga sa malambot na kama ko. Hinawakan ko rin agad ang skate board ko ng maisipan kong pumunta ng skate park nagbabakasakali na andon si Brian at Julius.



Nag-skate ako papunta, namiss ko ang pakiramdam na ganito.



Nang makarating ay nilibot ko ang paningin ko ngunit wala ang dalawa, tumatambay pa kaya sila dito?



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now