10

515 31 18
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading!
---

Ali's POV


"Ali, what happened? Gayle told me na nag nosebleed ka kanina? Are you okay?" Vincent.


"Ayos lang ako, ano ba kayo."


Kasalukuyan kong inaayos ang sarili ko, dahil papasok na ako ng trabaho.


"Ihahatid na kita."


"Wag na, maiiwan si Gayle dito. Dito ka na lang tsaka ang lapit lang nung resto bar ni Boss Timmy." sagot ko. "Dadalhin ko na lang din 'to." taas ko sa skateboard ko. Pero hindi pa rin siya kumbinsido sa gusto kong mangyari. Inakbayan ko ito. "Alam mo wag ka ng mag-alala sa akin, iniisip ko tuloy type mo ako eh."


Mabilis niyang inalis ang pagkakaakbay ko. "Yuck, over my dead precious masculine body."


"Masculine your face, nasaan ang masculine dyan eh ang fluffy mo nga!" niyakap ko ito ng mahigpit. Hindi naman ganoon kataba si Vincent pero kasi sobrang sarap niya yakapin dahil siksik siya.


"Lumayo ka nga sa akin, sige na umalis ka na. Just call me if you need something." tumango ako dito at lumabas na.


Nag-skate lang ako habang sabit ng isang balikat ko ang aking gitara.


"Ali! Mabuti naman at nakapasok ka na, grabe ha dalawang linggo kang nawala." Boss Timmy.


"Nagpunta po kasi ako ng Manila." sagot ko.


"I know, pinagpaalam ka sa akin ni Vincent."


"Huh? Talaga?"


"Oo, pinuntahan pa ako dito para lang sabihin na hindi ka muna raw makakapasok ng dalawang linggo. Ikaw ah.." pang-aasar nito sa akin.


"Boss naman, kilabutan ka nga."


Umakyat na ako ng mini stage at inayos ang mga instrumento. Pinabawasan ko na lang din ang oras ng pasok ko dahil hindi ko na kakayanin ang hintayin pa ang pagsasara ng resto bar na ito, baka bumagsak ng tuluyan ang katawan ko.


Kasalukuyan akong tumutugtog at kumakanta ng may kakaibang bulong na naman akong naririnig. Tinakpan ko ang tainga ko na siyang nakapagtaka sa mga manonood.


"Ali, are you okay?" Boss Timmy. "Hey, halika bumaba ka muna dito." ngunit hindi ko ito pinansin dahil sobrang lakas ng mga bulong sa tainga ko. "Okay everyone, enjoy your night. Our next song is gonna be sing by our next performer." sambit nito sa microphone.


Tinulungan niya akong bumaba at dinala sa backstage.


"Anong nangyayari sayo, Ali?" tinignan ko ito, ngunit nagmadali lamang akong lumabas at binitbit ang skateboard ko at gitara.


Naglakad ako na umiiyak, sa hirap at sakit na rin ay sumabog na ako. Naupo ako sa gilid ng kalsada at kinapa ang phone ko, nagsimula akong mag search dito ng possible na psychologist or psychiatrist na pwede kong makausap.


Napapikit na lamang ako, dahil halos bumabalik na naman ang mga alaala ko noong bata pa ako.


Avery's Mental Health Clinic
Dr. Rudolf Avery
Psychiatrist


Pinadalhan ko ng email ang doctor, eto lang ang nakita kong mental health facility na maganda ang response ng mga tao. Hindi ko alam kung tama ba ito o handa ko ng pasukin o ilabas lahat ng nararamdaman ko. Mahirap pero ramdam ko ng lumalala ang sakit na meron ako.


Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now