26

487 33 14
                                    

Excuse my grammatical errors. Enjoy reading!
---

Ali's POV 



"Ali, I'm sorry kung ngayon lang kita naasikaso sobrang daming pinagdaanan ng pamilyang Marcos." Emma.



"Ayos lang ano ka ba." sagot ko dito.



Ngayon na lang ulit natuloy ang session ko, ang daming ganap nung nakaraang buwan.



"So, kumusta ka ngayon?" Emma.



Ang tanong na ang sarap pakinggan, pero mahirap bigyan ng kasagutan. 



Kumusta nga ba ako ngayon? 



"Nakikita ko pa rin siya." matipid kong sambit. 



"Tuwing kailan?"



"Tuwing—"



Napaisip ako sa tanong niya, kung babalikan ko ang ilang sitwasyon ay madalas itong magpakita sa akin kapag may papalapit na insidente. 



"Let me guess, he's there when you're in danger right?" Emma.



"I don't know." 



"Nung nakidnap ako. Nakita mo siya?" 



Napatingin ako dito ng diretso. 



"O-Oo."



"Yung insidente sa simbahan?" 



"N-Nandon din siya— teka anong pinaparating mo?" naiinis ko ng tanong.



"It seems like he's giving you heads up." Emma



"Heads up? Anong heads up?"



"Like he's giving you a sign that something bad is going to happen." 



"No, hell no. Siya nga 'tong nakagawa dati ng masama tapos ngayon babalaan niya ako?" 



Ginigisa ako nitong si Emma. Hindi naman ganito si Mara sa akin, bakit iba ang aura niya.



"That's why it is called hallucination, sa isip mo lang. It means na you are thinking na sana ay ganon siya nung bata ka pa, ang protekta ng isang ama." Emma. "Kaya lumalabas siya everytime na nasa gipit na sitwasyon ka, hinihiling mo na sana iligtas ka ng daddy mo na hindi niya nagawa sayo noon."



Malalim ang hininga ko, malamang ay sa sama ng loob dahil hindi ko matanggap lahat ng sinabi niya.



Tumayo ako at umalis ng padabog, nanlalabo ang paningin ko dahilan ng nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko, hindi ako palaiyak pero tuwing naaalala ko lahat ng nangyari sa akin noon ay hindi ko maiwasan.



Dad killed my mom. 



Ang putok ng baril habang tumatakbo ako palayo.



"Mahal na mahal ka ni mommy Alianna." 



"Alianna anak, everything's gonna be okay."



"Anak, promise me na wag na wag mong isasara ang puso mo para sa ibang tao. Kung may gustong magmahal sayo tanggapin mo. Hindi lang ako sinuwerte sa daddy mo, but there's someone pa rin na mamahalin ka at tatanggapin ka sa kung ano at sino ka pa."



"Mommy's okay anak, go upstairs and hug your stuffed toy susunod ako babasahan kita ng paborito mong libro." 



"Alianna, if something happen always remember this, may isang taong aalagaan at mamahalin ka kapag wala ako sa tabi mo."



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now