34

493 31 59
                                    

I would highly suggest playing the song above while reading. Payphone No Rap Version by Maroon 5.


Mas masarap magbasa, mas dama.
---


Ali's POV

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mga kaibigan kong nakatingin sa akin.


"Ali, are you okay?" Gayle. 


"Hinimatay ka kanina mabuti na lamang at nadala ka agad dito sa ospital." Julius.




Anong nangyari?????




Panaginip lang ba lahat ng yon?





Mabilis akong napaupo ngunit kasabay nito ang pagkirot ng kanang kamay ko, nakadextrose na naman ako? Jusko.


"Where's Vincent? Nasaan siya?" tanong ko sa mga ito.


"Ali, magpahinga ka muna." Gayle.



At yung…. sumalo sa akin kanina? Panaginip lang din ba yon?



"Sino yung nagdala sa akin dito? Si Vincent ba?"



"Ali…" Gayle.



"Bakit ba ayaw niyo akong sagutin?!" inis ko ng sagot kanina pa sila ganyan.



"Hindi namin alam kung nasaan ngayon si Vincent sinubukan namin siyang tawagan pero walang sumasagot, wala naman kaming contact sa ibang Marcos para magtanong…..  at yung nagdala sayo dito—"



"Brian…"




"Ano Gayle? Bakit mo pinipigilan magsalita si Bri?" sambit ko.


Wala itong nagawa kung hindi ang mapayuko na lang.


"Tangina sino nga?! Sumagot kayo." 


"Ako." isang malalim na boses ang umugong sa buong kwarto. 



Diretso lang akong nakatingin sa harap, nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga.



Naramdaman ko ang paghawak ni Gayle sa kamay ko, pero wala itong talab. 



"Alianna—"



"Patay ka na. Hindi ka totoo. I'm just hallucinating." paulit ulit kong sambit. Ngunit sa hindi inaasahan ay hinawakan nito ang dalawang balikat ko at pinilit na iharap sa kanya. Napasigaw ako dito at tinabig ang braso niya.



"Sandali lang ho, pero wag niyong pilitin si Ali kung ayaw ka niyang makausap." Gayle.



"Anak…"




"Umalis ka dito, wala na akong ama. Matagal ko na siyang patay at matagal ko na siyang pinatay sa isip ko. Umalis ka dito! Hindi kita kilala!" sigaw ko dito. Nagsimula na rin pumagitna ang mga kaibigan ko.



"Sandali, pakinggan mo muna ako Alianna. Mag-usap tayo anak!" 


"Tito pasensya na po pero lumabas po muna kayo." Julius. Inalalayan siya ng mga ito hanggang sa tuluyan ng makalabas ng kwarto.


Nangangatog ang buong katawan ko, habol habol ko pa rin ang hininga ko. Mas mahirap pala yung wala kang mailabas na luha pero gustong gusto mo ng umiyak.



All these years, Dad. Paano ka nabuhay? Bakit hindi mo ako hinanap? Anong klase kang ama? Simula't sapul pa lang talaga wala ka ng kwenta. 



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now