3

655 37 18
                                    


Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV

"Anong ginagawa natin dito?" tanong nito.

"Kakain." tipid kong sagot.

Nandito kami sa isang 24/7 karenderya na kinakainan ko gabi gabi pagkatapos ng gig ko. Masarap ang maanghang na miki nila dito, ito ang palagi kong binibili.

"Oh Ali hija, medyo ginabi ka ata ngayon- sandali ikaw ba yung bunsong anak ni BBM?" tanong ni Aling Pacita sa katabi ko, pagkalaki laki ng ngiti nito hindi pa rin siya nagbabago gustong gusto niya talaga na napapansin siya.

"Yes po. Ano po specialty niyo dito?"

"Nako etong miki, paborito 'to ni Ali." tinaasan ako ng kilay nito.

"Sige po dalawang order, sarapan niyo po ah?" pagbibiro nito.

Naupo na kaming dalawa sa plastic na upuan at lamesa.

"Dito ka kumakain every night?" tanong nito.

"Oo, wala naman na akong time magluto sa bahay tsaka tulog na rin si Gayle ng ganitong oras."

"You're still staying at Gayle's pa rin pala, how's her mother?"

"Wala na, last year lang. Covid." matipid kong sagot. Nakakalungkot isipin ang nangyari, si Tita Helen na ang tumayong nanay ko simula ng mawalan ako ng pamilya.

"I'm sorry, wish I could see her." Vincent. "How are you? Kwentuhan mo naman ako ng nangyari sayo."

"Sa tingin mo may magandang nangyari sa akin? Kung ikaw kaya ang magkwento tutal ikaw 'tong galing ng ibang bansa. Hoy!" hampas ko sa balikat nito. "Pasalubong ko?!"

"Oh God, sabi na eh! Wala talagang ligtas sayo, nasa bahay dalhin ko sayo bukas." tinignan nito ang oras sa phone niya. "Mamaya pala, it's 12:15 am na."

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"

"Nope, Kuya Sandro and Kuya Simon nga is I'm sure wala sa bahay mga yon." Vincent.

"Anong nangyari? Kung hindi naman ako magmumukhang chismosa."

"Heto na ang order niyo." binaba ni Aling Pacita ang isang tray na may dalawang mangkok ng miki, natakam ako ng maamoy ko ito. "Tawagin niyo lang ako pag may kailangan kayo ha?"

"Thank you po!" Vincent.

"So, pwede ko bang malaman?" humigop ito ng sabaw.

"Hmm! Ang sarap nga Ali!"

"Vincente!"

"Eto na, eto na! Init agad ng ulo eh, nag-away sila because of one girl her name is Emma, narinig lang namin yung malakas na suntok ni Kuya Simon kay Kuya Sandro, and we all look shocked since Kuya Simon have feelings for Emma pala same as Kuya Sandro. I don't know if may sense 'tong kwento ko kakauwi ko lang yun agad naabutan ko." mahabang kwento nito, medyo magulo pero gets ko naman yung punto.

"Oh, so nasaan sila ngayon?"

"Ewan, maybe Kuya Sandro is looking for Emma and Kuya Simon is drinking? Kaya umalis na lang din ako sa bahay since wala akong makakausap." Vincent.

"Teka, nagpunta ka bang park nung umaga?"

"H-huh? Hindi, gabi na ako nakauwi or bandang hapon something like that. Why?"

"Wala.." namalikmata nga lang siguro ako. Baka kahawig lang niya yung nakita ko kanina.

"May boyfriend ka ngayon?" halos masamid ako ng marinig ko ito.

Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now