9

515 28 20
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV


"Gayle! Open the door, we're here!" Vincent. Tarantang katok nito sa pinto ng cr.

"Gayle?! Si Ali na 'to." sambit ko.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang mugtong mga mata at maputlang itsura ni Gayle, mabilis ko itong niyakap.

"Anong nangyari?" tanong ko ngunit inabot niya lang sa akin ang isang pregnancy test, positive ito. "Teka, totoo ba 'to? Inulit mo ba?" ngunit sa ikalawang pagkakataon ay inabot pa nito ang dalawa pang pregnancy test na ikinabigla namin ni Vincent.

"Wait, but how?" Vincent.

"H-hindi ko alam kung sino ang ama." tarantang sagot nito. "Ang naalala ko lang last week- hindi ko na alam kung sino siya. A-ali, anong gagawin ko?" napahilamos ko na lang ang palad ko sa aking mukha.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano ang gagawin dahil desisyon niya yon at katawan niya. Wala ako o kaming karapatan na magsabi kung ano ang kailangan niyang gawin. Tinignan ko na lamang si Vincent.

"A-ah, you wanna keep the baby?" tanong nito.

"Anong buhay ang ibibigay ko sa kanya? Tapos kung sinong lalaki lang dyan ang tatay niya hindi ko pa kilala, katangahan kasi eh!" kasabay nito ang paghampas niya sa kanyang ulo na pinigilan naming dalawa.

"Ali and I will help you to raise your kid, I know na you don't want an abortion hindi ka ganon." Vincent.

"Natatakot lang ako. Ali.." Gayle.

"Shh, tama si Vincent tutulungan ka namin lalo na ako diba?" niyakap ko ito at hinaplos ang kanyang buhok, sinenyasan ko pa si Vincent na kumuha ng tubig sumunod naman ito.

"Umuwi na tayo ng Ilocos please.."

"Oo, bukas na bukas uuwi na tayo." pagpapatahan ko dito, saglit ko siyang dinala muna sa kwarto at pinatulog.

Lumabas ako at nakaupo lang si Vincent kaharap ng laptop ko. Siya pala muna ang umattend sa klase ko, napapikit na lang ako sa pagod, ngayon ko lang naramdaman ang lahat at halos naubos ang energy ko.

Naupo ako sa tabi niya at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Nakakapagod.." bulong ko, ramdam ko na inakbayan ako nito at isinandal niya rin ang ulo niya sa akin.

"Shhh, your professor is talking and I'm listening." sagot nito, tinitigan ko siya ng pagkabigla. "Ako muna bahala sa schoolworks mo, I told you na tutulungan ko kayo, pag nakauwi tayo ng Ilocos tutulungan na muna rin kita sa acads mo while you are taking care of Gayle and may work ka pang pinapasukan. Okay?"


"Pero-"

"Shhh." pagpapatahimik nito sa akin kaya't muli ko na lang isinandal ang ulo ko sa balikat niya. "Kaya ko naman 'to remember I'm graduated as an engineering?"

"Software."

"Engineering pa rin." sagot nito, at natawa na lamang ako. Saktong nakikinig kaming dalawa sa discussion ng may tumawag dito. "Sagutin ko lang 'to." tinanggal nito ang pagkakaakbay sa akin at lumayo.

Naiwan ako saglit kaya't pinakinggan ko na lang ang prof ko na nagsasalita.

"Dang, I need to go home." Vincent.

"Saan? Sa Ilocos?!" gulat kong tanong.

"Nope, dito sa bahay namin sa Manila. Kailangan namin ihatid sa airport si Kuya Simon maya maya he's going back to the UK." sagot nito.

Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now