15

502 32 17
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Vincent's POV


Napasabunot na lang ako sa buhok ko at sinipa ang batong nakita ko. Sumakay ako ng sasakyan ko at pinaandar ito, ngunit nakakalimang pindot na ako sa start button nito ay ayaw umandar. Hinampas ko ng malakas ang manibela.




"Fuck! Fuck!" sigaw ko sa inis. Sinulyapan ko ang passenger seat at nakaipit dito ang isang kahon ng kwintas na balak ko sanang ibigay sa kanya ngayong gabi.



Lumabas ako ng sasakyan, at naglakad na lang pauwi. Ipapakuha ko nalang ito bukas sa driver namin. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang bahay namin mula dito, pero nilakad ko pa rin.



Ngunit sa kalagitnaan ng daan, madilim at tahimik ay ang biglaang pagbuhos ng ulan. Pumikit ako at dinama ang buhos ng ulan, nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ininda ang malamig na simoy ng hangin at lakas ng ulan.



Labinlimang minuto rin akong naglalakad hanggang sa makarating ako sa bahay. Sinalubong ako ni Aling Pacing.



"Vincent hijo! Bakit ka basang-basa? Sandali dyan ka lang ikukuha kita ng twalya." sinunod ko lang ito at nanatiling nakatayo sa pinto. "Eto hijo, halika't pumasok baka magkasakit ka pa niyan! Magbihis ka agad."



"Salamat po. Pasuyo na lang po kay kuyang driver na pakikuha na lang yung sasakyan ko pag natila na po ang ulan, nasiraan ho kasi ako." sambit ko dito at umakyat na ako sa kwarto ko sabay dumiretso ng cr, naligo ako saglit at nagbihis. Kahit naman wala ako sa sarili ko ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang maglinis ng katawan.



Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama at unti unti ng nakatulog.



Naalimpungatan ako saglit dahil sa bigat ng pakiramdam ko, tinignan ko ang oras 6:00 am na. Pinilit kong bumangon nagsuot ako ng hoodie jacket, bakit ang lamig ngayon?



Bumaba ako at naabutan ko si Aling Pacing na mukhang kagigising lang din.



"Oh hijo, kaaga mo naman nagising? Hindi ka ba inaantok? Madaling araw ka na nakauwi ha? Sandali, igagawa kita ng sandwich." sambit nito.



Naupo ako sa mesa at dumukdok dito, sobrang bigat ng ulo ko.



"Kinuha na ng driver ninyo ang sasakyan mo at pinagasolina na rin daw." Aling Pacing.



"Hmm.."



Ibinaba nito ang sandwich sa mesa at kahit walang gana ay kinain ko ito, sayang din ang effort ni Aling Pacing sa paggawa nito.



Pagkatapos ay umakyat ako sa kwarto ni Kuya Simon at kinuha ang susi ng sasakyan niya. Ito muna ang gagamitin ko habang wala pa ang sasakyan ko.



"Aling Pacing, natutulog pa po ba sila mommy?" tanong ko dito.



"Nako hijo, nasa Baguio ang mommy mo kasama ang mga abogado nito may inaayos daw at ang Kuya Sandro mo naman ay wala rin hindi umuwi kagabi." tumango ako at tuluyan ng umalis. "Hijo, saan ka pupunta?"



"Dyan lang po, mag-iingat po ako." at sumakay na ng sasakyan. Pinaharurot ko ito hanggang sa makarating sa bahay nila Ali.



Dahan dahan ko pang binuksan ang pinto, may susi ako ng bahay nila simula rin ng mabuntis si Gayle at may mga emergency ay kinailangan ko ito para mabilis na makapasok sa kanila.



Dumiretso ako ng kwarto ni Ali, at dahan dahang binuksan ang pinto mahimbing siyang natutulog. Mabuti naman at nakauwi siya ng ayos.



Tulad ng dati kong ginagawa ay pinagluluto ko siya ng umagahan, nakasanayan ko na rin na pinaghahain siya araw-araw.



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin