29

435 42 37
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV


"Gayle, kainin mo 'to."



"Alianna! Busog na ako ano ba!"



"Kailangan mo kumain ng lumakas ka."



"Hindi na ako lalakas, Ali. Hanggang ganito na lang ako."



Tila ay hindi ko ito pinapansin at tinutuloy ko lang ang paghiwa ng mansanas.



"Ali, pakinggan mo naman ako."



"Hindi! Hindi kita pakikinggan, kung gusto mong sumuko, ako ayoko! Kaming mga nakapaligid sayo ayaw naming sumuko!" sigaw ko dito nagsimula na rin mag-unahan ang mga luha ko. "Ikaw na lang ang meron ako eh... ikaw na lang kaya please utang na loob lumaban ka."



Padabog akong pumasok ng kwarto ko, at dito lahat ibinuhos ang luha at sigaw na kanina ko pa pinipigilan. Gayle is too young to die, hindi ako handa lalo pa ngayon na hindi namin alam kung kailan.



Pinagmasdan ko ang gitara ko at kinuha ito, nangapa lang ako dahil wala akong lakas na tumugtog.



Nakakapagod pa lang umiyak. Hindi ako iyakin pero ewan ko kung anong nangyari, natatanggal ang angas ko.



From: Emma
Hello Ali, I am sorry for what happened last session trabaho ko lang talaga yun hindi kita pinepersonal. If you have time let's meet at Joe 10's? I have something to tell you.



Umirap ako sa kawalan.



Wala sana akong balak pumunta pero nacurious ako sa sa sasabihin niya kaya't dali dali akong nanalamin at inayos ko ang sarili ko.



Pulang pula ang mga mata ko!



Kung ano ano na ang ginawa ko para maalis ang pamumula pati ng paligid nito, naglagay na ko ng powder, concealer para takpan ito.



But, eyes really don't lie. I can see the pain in my own reflection.



Dapat ko bang ibalik ang dating ako????



Yung Alianna na englishera, babaeng babae, maarte, maselan sa lahat ng bagay, walang iniintindi, masayahin, palatawa.



"She's dead. The kid Alianna is dead." sambit ko sa sarili kong repleksyon sa salamin.



Nagmamadali akong lumabas ng kwarto at dumiretso na sa labas, napahinto lang ako ng marealize ko si Gayle na nakaupo pa rin sa sala at natutulog ito.



Hindi ako masamang tao para pabayaan siya kahit masama ang loob ko.



Pumindot ako sa phone ko and I dialed Vincent's number.



"Hello? Ali? Are you okay? Do you need me?"



"Gayle needs you right now please look after her. May kailangan lang akong puntahan. Hihintayin kita dito."



"Saan ka pupunta? Napapadalas ka ng umaalis na mag-isa."



"Vincent please, nagmamadali ako dalian mo na."



"Yes po, grabe ka mag mando napapapunta mo agad ako, kahit may trabaho."



"Hala teka! Sandali! Sige wag na mag work ka na muna- hello, hello? Vincent?!"



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now