33

417 32 48
                                    

Excuse my grammatical errors. Enjoy reading!
---

Ali's POV



Today is the day. Miss Ilocos Norte 2030. 



Mabuti na lamang ang make up artist at ang nag-aayos sa akin ay ang madalas mag-ayos kay Sandro, madalas ko siyang makita noon marami na rin siya naayusan isa na dito si Michelle Dy na isa 'ring Ilocana. Kaya't alam kong gaganda ako sa mga kamay niya.



Kanina pa rin ako patingin tingin sa pinto. Nasaan na kaya siya? Ang sabi niya ay sasamahan niya ako hanggang sa pag-aayos.



Mabilis akong napalingon ng mapansin kong bumukas ang pinto.



Sandro Marcos.



Yung pangatlong Marcos ang hinihintay ko. Nasaan ka na ba?



"Si Vincent?" tanong ko dito.



"Wala pa ba siya dito? Maaga siyang umalis kanina, I thought he's going to escort you." sagot nito. 



Bumagsak ang balikat ko.



"Don't worry, baka may dinaanan lang. Good luck, Ali." Sandro.



Hindi ako makakaapak ng stage hangga't hindi ko siya nakikita, siya lang ang mag pagpapaalis ng kaba ko. 



"Ayan, ang ganda mo naman pala kulang ka lang sa ayos." MUA. 



Natawa na lamang ako dito. Umaasa pa rin akong mayayakap ko siya bago magsimula ang programa. 






I need him.







Vincent.







"Ms. Ali, kailangan na daw pumwesto." tawag ng isang staff sa akin.



Bagsak ang balikat kong pumila sa mga nagtataasan kong mga kalaban, hindi makakaila na lumabas pa lalo ang ganda ng bawat isa. Basta Ilocana talaga ay walang patapon.



"Naimbag nga rabii ladies and gentlemen, the evening is indeed lovely as we welcome the fresh bash of beyond beautiful women of the north, who will once again exude the pioneering spirit of an Ilocana." Emcee.



Sinisilip ko ang mga audience na nakaupo sa harap hindi ko alam pero may gusto akong makita. Siya lang.



"This year's search begins here at Amici Resort Hotel in Laoag City and I am your host Kelly Ruiz and welcome to the official launch and first public appearance of the candidates of Miss Ilocos Norte 2030." dagdag pa nito.





Tangina eto na!!! 





Nagsimula at kanta hudyat ng paglabas naming lahat, palakasan ng sigaw at pag pukpok ng mga maiingay na bagay, pagwagayway ng mga lobo at naglalakihang tarpaulin. Sa isang tabi ay nakita ko sila Gayle at ang maiingay na sila Julius at Brian isama pa ang mga kaklase ko nung college na sila Josh. 



Masaya ako, pero hindi maiwasan na may kulang pa rin. Eto ang unang beses na hindi siya tumupad sa sinabi niya.



Napapansin ko rin ang kanina pa pagbangga sa akin nitong si Pamela, wag dito masama ang loob ko at baka masampal kita sa harap ng mga tao. 



"Are you sad? Your prince charming is not here." sa boses nito ay mahahalata mong nang-aasar siya, dahil epekto, oo, naiinis na ako. 



Binangga ko ito kapalit ng ginawa niya kanina muntikan pa itong ma-out of balance, sinasabi ko sayo wag ako, wag ngayon.



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now