16

655 39 25
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV


"Anong sinasabi mo dyan?" tanong ko dito.



"A-ano, kasi let me explain." lumapit ito at inalalayan ako para muling makaupo sa sofa. Pinagmasdan ko lang siya ng may pagtataka.



"Penny is not the girl you'll want to be your lover." Vincent. Ngunit hindi ko pa rin ito pinansin. "She kissed me!" ngunit tinitigan ko lang ito. "What's with that face?" tumayo ako ngunit pinigilan lang niya akong muli.



"Alam ko, nakita ko kayo." tipid kong sagot.



"What? Where?! But Ali please, walang nangyari sa amin siya lang 'tong lapit ng lapit sa akin tho she's really annoying! Kinakausap ko lang siya because of you, because of our deal, I don't want to ruin our friendship just because of that crazy woman-" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil niyakap ko na lang siya.



"I can't stay mad at you, Vinny." bulong ko. "Hindi ako galit, hinihintay ko lang na sabihin mo sa akin ang lahat." ramdam ko rin ang pagyakap nito sa akin. "And I know na ako ang type mo." dito'y tinulak niya ako ng malakas na nagpaupo sa akin sa sahig. "ARAY VINCENTE!"



"Kilabutan ka nga!" sigaw nito sa akin, bilang ganti ay nilapitan ko ito at kiniliti ngunit maling desisyon dahil sa mas malakas siya sa akin ang ending ay ako ngayon napagtripan. "Sige ako pa hinamon mo!"



"William Vincent!" tawag ko dito na nagpatigil sa kanya, umupo ako ng maayos at chineck kung mainit pa siya. "Hmm, medyo nabawasan yung init mo. Bakit ka ba nilagnat? Umulan ba kagabi?"



"Wait, hindi mo alam? Nasiraan ako, so nilakad ko na lang pauwi sa amin tapos umulan." hinampas ko braso nito. "Aw!"



"Ano feeling mo immune ka sa ulan? Hindi ka magkakasakit?" sermon ko dito.



"Tara!" aya nito.



"Wait, hindi ka pa magaling! Anong tara?" pigil ko dito ngunit tuloy pa rin siya sa pagpasok ng kwarto ko. "Hoy, Vinny!"



"Charan!" tinaas nito ang skateboard ko. "Tara, namiss ko 'to since umuwi ako never pa tayo nag-skate." hinawakan nito ang kamay ko at hinila palabas. "Ay! Wait, lemme check if that crazy Penny is here-"



"Tara na, susuntukin ko siya para sayo." ang huli ay ako pa ang humila sa kanya palabas. Kalalaking tao ay takot sa ganoong klase ng babae.



"Akin na nga, ako muna sasakay dito." agaw ko nito sa kanya.



"Okay, I'm gonna take you a video." tumingin ako sa camera at nagpagwapo dito. "Ali, you're not gwapo, you are turning out to be a maganda and cool."



Kinindatan ko ito, "Sabi na type mo ako eh." pagbibiro ko dito, nagsimula akong mag-skate ngunit sa hindi inaasahan ay na-shoot ako sa halamanan. Isang malakas na tawa ang narinig ko.



"Ali, are you okay? I'm sorry but it's so hella funny, but cool tho not bad." Vincent. Tuloy pa rin ito sa paghagikgik.



"Ihahampas ko sayo 'to, lalabas utak mo, tignan natin kung makatawa ka pa." pagbabanta ko.



"Scary whew! Come on, show your tricks." sagot nito, dito'y inayos ko na at hindi naman na ako nagkamali nairaos ko ng maayos.



"Woah! That's my Ali!" sigaw nito, tumakbo ito at siyang inagaw ang board. "It's my turn, Alipunga!"



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now