28

456 34 14
                                    

Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV



Tahimik akong natutulog ng maramdaman ko na may naglalakad palapit sa akin, nung una ay natakot ako pero nung maamoy ko ang halos amoy baby niyang perfume ay alam ko na kung sino ito.



Nagpanggap akong tulog.



Hinaplos niya ang buhok ko, ang pinakagusto kong ginagawa niya sa akin. Nakakakalma.



Yung galit ko sa kanya parang pang isang oras lang, yung mukhang yan? Paano ka magagalit dyan?



"I didn't tell you about Gayle because she told me not to. I don't break promises Ali, alam mo yan, sinunod ko lang siya. Never kong naisipan na pag sinungalingan ka. Hinding hindi." Vincent.



Maya maya lang ay lumabas na ito ng kwarto.



Napaupo ako at hinabol ko ang hininga ko, halos hindi kasi ako humihinga sa bawat salitang binitawan niya. 



Vincent is one of a kind. 



Kahit ano pa ata ang gawin niya ay hindi ko ito magagawang ipagtabuyan. Natatakot din akong umalis siya at mawala sa tabi ko, siya lang ang nakakapitan ko sa lahat. 



"Doc, ano pong balita?" 



"Ali, kumalma ka." Gayle.



Hindi ako kakalma hangga't hindi ko nalalaman ang resulta.



"Doc, ano?"



"Ali.." Vincent.



"I am sorry, but you have stage 4 terminal cancer." Doc.



H-huh?



"Doc, nagbibiro ka ba?" nagsimula akong tumawa. "Doc yung totoo kasi." 



"This is not a joke. Gayle has stomach cancer." 



"How's my life expectancy doc?" Gayle.



Pinagmasdan ko ito, and she's smiling. What the hell? 



"There are no 5 year survival statistics for stage 4 cancer but some people might live….. longer than 1 year and some people….. not." Doc. 



"Okay doc. Thank you." Gayle.



Napahilamos ako sa mukha ko dahil napipikon na ako. Lalo pa't kumikirot itong swero ko.



"Anong nginingiti ngiti mo dyan? You are dying Gayle! Nagawa mo pang ngumiti? How about Gellie? Ano?" sunod sunod kong sambit dito, hinawakan ni Vincent ang braso ko animo'y inaawat ako pero heto akong nagpupumiglas. "Itigil mo 'yang ngiti mo na yan!" 



Nagsimula akong humagulgol.



"Hindi mo ako pwedeng iwanan! Ikaw na lang yung pamilyang meron ako!" napaupo na ako dala ng panghihina.



Hinawakan ni Gayle ang kamay ko, this time ang ngiti niya ay may kasama ng luha.



"Everything's gonna be okay, right?" 



"No, everything is not going to be okay anymore." mahina kong sambit. "Bakit ngayon ka lang nagpacheck up? Kailan pa yan? Bakit hindi mo sakin sinasabi? Para saan pa at—"



"You're sick Ali." Gayle.



"Sick?! Are you serious? Sick? I am just not mentally stable Gayle, lahat ng tao may pinagdadaanang sakit emotionally and mentally so stop saying that I am sick, so are you!" 



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now