4

613 33 13
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV

"Aga pare ah? Naninibago na talaga ako sayo." Brian. Papaano ay nandito na ako sa skatepark, ngayon kasi ang final caravan ng mga Marcos. Panigurado na andito ang asungot kong bestfriend. 


"Nasaan na ba si Julius?" tanong ko.


"Nako, tulog pa sigurado yon." Brian. "Yung napagkasunduan natin pre." tinignan ako nito at tinaasan ng kilay.


"Anong napagkasunduan?"


"Yung kay Gayle at Penny!" inis na sambit nito, kaya't inambaan ko. "Eto naman masyadong seryoso, gusto ko lang malaman kung umuusad." tinignan ko lang ito ng masama kaya't natahimik siya.


Tinignan ko ang oras at 7:00 na ng umaga, ang sabi ay ganitong oras magsisimula ang caravan. Sa palagay ko ay lumalakad na ito. 


"Hey!" Julius. "Sorry na-late ako, sobrang daming tao sa dinaanan ko naghahanda para sa caravan." 


"Talaga? Nasaan na sila?" tanong ko.


"Dyan sa tulay— teka kailan ka pa nagkainteres sa ganon?" Julius.


"Nagtatanong lang kasi late ka!" pagpapalusot ko. 


Ilang saglit lang ay narinig na namin ang ingay ng mga tao at motor, dadaan sila dito at malapit na. Nauna ang mga pulis at sasakyan. Tumayo kaming tatlo upang makita ito ng maayos, maingay at masaya ang mga taong nakilahok at mga nanonood dito. 


Natatanaw ko na ang sasakyan ni Sandro Marcos kasama dito ang kanyang ina, kumakaway ito at nag-aabot ng tshirt sa mga tao, sumunod na sasakyan ay sakay nito si Simon Marcos, katabi nito ang isang babae hindi ako sigurado kung sino ito dahil kung titignan ay mas agresibo pa itong kumaway kaysa kay Simon, at syempre sa huli ay si Vincent, mabilis akong kinawayan ng makita ako nito at kinindatan, humalukipkip na lamang ako. Pagtingin ko sa mga katabi ko ay nakatitig sila sa akin. 


"Ano yon?" Brian. "Bakit may pag kaway at kindat?"


"Tanga! Natural nanonood tayo." sagot ko dito.


"Oa sa kaway kung ganon, nako Ali may hindi ka sinasabi sa amin— ARAY NAKNAMPUCHA NAMAN!" hinampas ko kasi ito ayaw magtigil.


Hindi na namin tinapos ang caravan naupo na kami dahil sobrang haba pala nito, ang daming nakilahok. Hinanap ko si Julius pero andon at kinukuhanan ng video ang mga riders, solid fan ata 'to ng mga Marcos. Tagal ko ng napapansin. 


"Kailan ang pasok mo pre?" Brian.


"Next week."


"Ano? Hindi ka na makakatambay? Trabaho?" tanong nito. Inakbayan ko ito.


"Alam mo wag kang ma-stress, makakatambay pa ko at makakapag trabaho baka multitasker 'to." pagyayabang ko.


"Labo pre." binanatan ko muli ito. "Nakakailan ka na Ali! Tara na nga! Gutom na ko, dating gawi!"


From: Vincent Panget
Hey, after the caravan. Let's hangout!


To: Vincent Panget
Sige.


From: Vincent Panget
Can you come over here at the municipal hall? Sa capitol? Hindi ko dala yung car ko eh, ipapadala ko pa kay kuya driver. Hehe


To: Vincent Panget
Sige.


"Kayo na lang muna." mabilis akong tumayo at nagpaalam sa kanila.


Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now