39

548 39 71
                                    

I will recommend a song for this chapter: see you later by Jenna Raine



Ali's POV


March 28, 2031




Everything seems normal like nothing happened and it's been months since I finally accepted my biological father and being a CEO of Gonzales Corp., which is now renamed as A&G Corp. 



Nakaupo ako sa swivel chair habang nakatitig sa malawak na salamin sa likod ko kung saan kitang kita ang mga nagtataasang building. 



I continued my therapy with Emma pinakiusapan ko rin ito na hanggang sa therapy lang ang pag-uusapan namin, and finally I'm 3 months healed. Sobrang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito ang makaramdam ng sobrang gaan, wala ng magulo sa isip.



Ngumiti ako sa lahat ng mga naisip ko.



"Good morning ma'am, someone is waiting for you in the lobby." 



Inikot ko ang upuan para harapin ito, tinanguan ko ito. Tumayo ako inayos ang damit ko nakakapanibago naman talaga ang lahat pero sinasanay ko na ang sarili ko dahil ito na ang buhay ko ngayon.



Tuwang tuwa akong naglakad papuntang lobby, namataan ko na dito ang isang lalaking nakaupo sa couch, he's patiently waiting for me.



Lumapit ako ng tahimik at tinakpan ang mga mata niya.



"Ali…" sambit nito.



"Ang sungit mo naman." nagtatampo kong sambit. "Sa akin ba 'to?" 



"Hindi sa secretary mo." inirapan ko ito.



"Saan mo ako dadalhin ngayon?"



"Let's eat with Gellie sunduin natin siya bahay." sambit nito. Tumango ako dito at pinagmasdan lang ang isang bouquet ng bulaklak na ibinigay nito sa akin.



"Bakit mo kinuha yan? Sabi ko sayo sa secretary mo yan." isang malakas na sapok ang ibinigay ko dito. "What the hell, Ali?"



"Deserve mo." sambit ko at natatawang iniwan ito.



Bumiyahe kami pabalik ng bahay at masaya kaming sinalubong ni Gellie.



"Tito Timmy!" sigaw nito sa kasama ko.



"What about me? I'm your mama remember?" 



"Nakakasawa daw kasi pagmumukha mo." Timmy.



"Mamaya ka sa akin." pagbabanta ko.



"Kain tayong lunch? Want mo? Sama ka sa amin ni Mama Ali mo?" 



"Yes po tito I want!" Gellie.



Tumakbo ang dalawa papunta ng sasakyan, kahit kailan ang kulit.



"Manang, babalik din ho kami mamaya." tumango naman ito sa akin.























"Ali, 1 out of 10 gaano ka kasaya ngayon?" Timmy.



"11 of course kasama ko kayong dalawa ngayon." pinisil ko ang pisngi ni Gellie. "At saka wala na kong mahihiling pa, masaya na ako sa kung ano at sino ang kasama ko ngayon."



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now