5

598 30 11
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV

Ngayon ang araw ng eleksyon May 9, 2022. Wala naman talaga akong interes sa ganito, minsan nga ay hindi ako bumoboto dahil ang init lang naman ng pipilahan sobrang haba pa. Kaso kasi ngayon ay kasama ko si Vincent. Kaya wala akong ligtas.


"Pre ano di ka sa amin sasabay?" Brian. "Ikaw ah, may hindi ka talaga sinasabi sa amin." tinitignan ko ang paligid dahil baka biglang dumating si Vincent. Nasa waiting shed kasi kami sa kanto ng barangay namin at hinihintay ko siya kaso asungot 'tong dalawa.


"Teka oo nga, napapadalas na yan. Anong meron Ali?" Julius.


"Wala, mga echoserong frog kayo." sagot ko habang tinitignan pa rin ang magkabilang sulok ng daan. Nagtatakang sinundan ng mga ito ang tinitignan ko, kaya napahinto ako at tinignan sila ng masama.


"Ano ba kasing tinitignan mo dyan? Lalakarin lang natin yung elementary school dito." Julius.


"Mauna na nga kayo, susunod ako pramis."


"Hindi sabay sabay tayong aalis." Brian.


Nilamukos ko na lang ang palad ko sa mukha ko at kinuha ang phone ko.


To: Vincent Panget
Hoy sa school na lang tayo magkita-


Hindi ko naituloy ang tinatype ko dahil may bumusina na sa harapan ko. Tinignan ko ito at binaba niya ang bintana, kaya't tulala ang dalawang kasama ko.


"Ali! Tara na!" Vincent.


"ALI?!" sigaw ng dalawa.


"Wait, kilala mo sila?" tanong sa akin nito.


"O-oo, tropa ko." tipid kong sagot.


"Brian sir, brian po-"


"JULIUS PO!" nag-aagawan ito kung sino ang unang makikipag kamay kay Vincent. Jusko!


"Nice to meet you guys, tara! Sabay na rin kayo sa amin." Vincent.


"No-"


"TARA!" sigaw ng dalawa at walang hiyang sumakay ng sasakyan. Napairap na lang ako sa kawalan kaya't sumakay na lang din ako sa shotgun seat.


"Woah! Angas pre! Anong sasakyan 'to?!" Brian. Binigyan ko ito ng tumahimik-ka-dyan-look.


"It's a 2022 Lexus NX." nakangiting sagot ni Vincent.


"Woah! Ano daw?" bulong nito kay Julius pero rinig din naman naming lahat. Sinulyapan ko si Vincent at nakangiti lang ito. "Pero angas pre! Sandali Ali! Kaibigan mo pala yung bunsong kapatid ni Sandro Marcos bakit hindi mo sinasabi sa amin?!"


"Really?" Vincent.


"Brian.." Julius.


"Totoo naman, kaya pala hindi na 'to madalas magpunta ng skatepark kasi-"


"Uupakan kita!" sagot ko dito at natahimik siya.


"Is that true, Ali? Kinakahiya mo ba ko or gusto mo na ikaw lang friend ko?" pang-aasar nito, kaya't hinampas ko siya. "What? Totoo naman!"


"Isa ka pa, manahimik ka dyan." sagot ko.


Tahimik lang ang dalawa sa likod kaya naisipan kong tignan sila, inoobserbahan ng mga ito ang galaw namin ni Vincent, nag-make face na lang ako, at nanahimik na rin sa isang tabi.


Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now