22

544 41 18
                                    

Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV



Nasaan na ba yon? Pumasok na ako ng venue, at hindi naman ako nabigo dahil nakita ko sa harapan si Vincent, he's busy talking with his cousins. Wala naman akong lakas ng loob para lapitan siya sa harapan kaya't naupo na lang ako dito sa dulo. Napansin ko rin sa kabilang dulo si Liv kung hindi ako nagkakamali.



Dahil sa hindi ako mapakali ay sinubukan kong maupo malapit sa pwesto niya, mukhang wala rin kasi siyang kausap. Ngunit saglit lang ay may narinig na akong bulungan malapit dito.



"Who the hell is she kaya? Why Simon brought her here?" Girl 1.



"Yung dress niya is so ew." Girl 2.



"Let's go to the comfort room na nga lang, naiirita ako sa itsura niya." Girl 1.



Tinignan ko si Liv, hindi naman niya siguro ito narinig grabe talaga manghusga yung mga taong matataas. 



Maya maya lang din ay nagsimula ng kumanta si Emma. Nagpalakpakan kaming lahat.



"Hey, Ali. Why are you here? Tara dun—"



"Ayoko, mahusgahan pa ako ng ibang tao." 



"What do you mean?" Vincent.



"I'll tell you later. Nag-aalala lang ako sa kanya." tingin ko kay Liv. Tumayo ito at tumungo sa cr kung saan nandoon ang mga babae. 



"Kay Liv? Why?" 



"Ang dami kasing mapanghusga dito. Nakakainis." singhal ko.



"Alam ko na yung sinasabi mo, but Kuya Simon is playing right now—"



Tumayo ako at hindi na siya pinatapos dumiretso ako ng comfort room, tahimik dito kaya pumasok ako. Nasaan kaya yung babae?



Pumasok ako ng cubicle, at maya maya lang ay rinig ko na ang chismisan mula sa labas. 



"Yung kasama ni Simon, ugh! She looks so cheap with her black dress na mukhang binili lang sa ukay. You know what I mean?" 



"Obvious naman na hindi siya gusto ni tita Liza, bigla ba naman nilayasan after ng beso. Shocks! Bakit ba andito yon."



"I don't know, I think it's because of Simon anong gayuma pinakain niya kay Si."



Eto ang halos narinig ko hanggang sa muling tumahimik ang paligid, rinig ko rin ang malakas na balabag ng pinto ng cubicle. It was Liv. Narinig niya ang lahat, hahabulin ko pa sana siya ng mabunggo niya si Sandro. 



Bumalik ako sa upuan ko kanina, at halos mabadtrip na ako. Tinignan ko rin ng masama yung mga babae kanina. Halos mapunit ang talukap ng mata ko kakairap sa kawalan. 



Hindi ko kayang manahimik dito, kaya umakto akong sosyal at umupo sa table nila. 



"Oh wait— oh Hermès. Hello girl!" bati sa akin ng isang babae nakatingin ang mga ito sa akin. They look amazed on what am I wearing right now.



"You really guys enjoy bullying someone based on their status huh?" sagot ko sabay inom sa wine glass.



"What are you saying?" 



"Look at yourself in the mirror first, mas mukha kayong mahirap kaysa sa taong pinag-uusapan niyo kanina." tumayo ako at nginitian sila, rinig ko pa ang pagsinghap nila.



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ