17

548 34 14
                                    

Play music.
Excuse my grammatical errors. Enjoy reading! 
---

Ali's POV


"Anong naisip mo at bakit ka pumunta dito?" Vincent.



"Wala lang, maghahanap na rin kasi ako ng trabaho if ever." sagot ko dito kahit ang totoo ay pupuntahan ko si Dr. Avery.



"You're acting weird ah? Sabi mo before ayaw mo na bumalik ng Manila after what happened to Gayle."



"Di pwedeng magbago desisyon? Kailangan ko ng experience sa industrial setting no."



Kasakuluyan kaming nabyahe papunta ng condo niya. Huling punta naming dalawa dito ay kasama pa si Gayle, namimiss ko na rin ang babaeng yon. Ang aksidenteng pagkabuntis ay nagbunga pa ng magandang buhay sa kanya. Pero hindi ako magsa sana all.



"Can we just eat first?" Vincent.



"Palagi kang gutom sandali ibaba muna natin 'tong mga maleta sa condo mo."



Umakyat kami saglit dito, at ibinaba ang mga gamit, at ayon ang napag-usapan. Wala pa man din ay nag-aapura na akong hinila ni Vincent palabas ng condo.



Dumiretso kami sa isang chinese restaurant kung saan kami ay kakain.



"What do you want?" Vincent. Habang binabasa nito ang menu.



From: Dr. Avery
It's good to know that you are now here, after our session tomorrow I would like to introduce my daughter. I am planning to retire soon and she will be your next therapist.



"Hey, I said what's your order?" ulit nito. Mabilis kong tinago ang phone ko at binasa na lang din ang nasa menu.



"Hindi ko maintindihan, ikaw na nga ang bahala." tinawanan lang ako nito kaya't inirapan ko na lang siya.



"Okay, wish granted."



Ilang oras din kaming dalawa na puros kain lang, ni hindi ko makausap ng matino itong si Vincent sa kadahilanang gutom nito. Ngayon ko lang nalaman na hindi mo siya makakausap kapag sinumpong siya ng gutom.



Pinag-iisipan ko pa rin talaga kung kailan ko ba dapat sabihin sa kanya ang tungkol sa totoong pakay ko dito sa Manila.



"May gusto ka bang puntahan pagkatapos natin dito?" tanong ko.



"I need to finish something Ali eh, you know I'm employed na." Vincent.



"Anong gagawin mo?"



"There's an application that I need to construct and test, medyo matrabaho lang talaga malapit na rin deadline ko." sagot nito habang nagpupunas ng kanyang bibig. "How about you? What's your plan pala? May companies ka na bang papasukan?"



"So far, wala pa. Mag-canvas muna siguro ako." sagot ko dito. "Uh, Vinny?"



"Hmm?" tinignan ako nito, ngunit umayos lang ako ng upo.



"Wala, tara balik na tayo ng condo may pupuntahan din ako pagbalik."



"Hindi ako kasama?" pagmamaktol nito.



"May trabaho ka diba?"



"Fine. Let's go."



Naglakad lang kami pabalik ng condo. Ngunit wala pang limang minuto ay nagpaalam din ako kay Vincent para umalis muna saglit. Alam kong bukas pa ang schedule ko kay Dr. Avery pero gusto ko na rin mapaaga since magreretiro na pala siya at hindi ako sanay ng may bagong therapist lalo pa't alam na niya halos ang nangyari sa buong buhay ko.



Marcoses 3: Twist of Game (Completed)Where stories live. Discover now