Chapter 1

391 23 0
                                    

She's back

"Bakit hindi ka pa naliligo?  Wala ka bang trabaho ngayon?" kunot noong tanong ni ate Aki sa akin habang tiim-bagang na sinusuklay ang basa niyang buhok.

Suot niya ang floral dress na regalo ko sa kaniya noong birthday niya. May manggas ito at three inches above the knee, buti naman at bumagay sa kaniya ang regalo ko. Kinuha niya ang kaniyang lab gown saka ito isinukbit sa kaniyang braso.

"Regalo ko yan ah? Ganda mo." hindi sumagot si ate at napairap lang siya sa sinabi ko at inilagay sa glass table ang baon nilang tatlo.

"May date ka ba ngayon ate at ganiyan ang suot mo?" taas kilay na tanong ni Ruth habang pababa ng hagdan at nilalagyan ng pulbo ang pisngi. Lumapit siya sa salamin at tiningnan ang kaniyang repleksyon at nag-whoa pa. Napailing iling nalang ako sa kaniya, masyadong adik sa tiktok di naman pinopost mga video tsk.

"Stop asking Ruth. Bawal bang ganito ang suotin ko sa ospital?" kunot noong sagot ni ate habang kinuha ang kaniyang susi at walang paalam na lumabas ng pinto. Padabog niya itong sinara at napaismid nalang ako. Kung makasara siya ng pinto para bang pag-aari niya ito tsk.

"Tch, nagtatanong lang eh. Umagang-umaga ang sungit." napairap na sabi ni Ruth sa kaniyang sarili habang nakaharap pa rin sa salamin.

"Lagot ka pag narinig ka nun paniguradong kakainin ka nun ng buhay." pananakot ni Lucas, nakababatang kapatid namin.

"Sa wakas at tapos ka na rin Lucario! Ke lalaking tao ang tagal-tagal matapos maligo." saad ko habang kinuha ang tuwalya at inilagay ko yun sa aking balikat.

Hindi siya sumagot at pumasok nalang sa kaniyang kwarto, umagang umaga ang susungit ng mga tao dito. Kung pauwiin ko kaya 'tong mga 'to kila mama tutal sila nalang dalawa ni papa dun sa bahay at nakikitulog lang naman sila dito sa bahay ko tss.

"Kulang ang tulog ni ate Aki kaya ganon siya kasungit at nagtanong ka pa tsk." saad ko kay Ruth habang pinipisil ang kaniyang magkabilang balikat. Napanguso lang siya sa akin at ningitian ko lang siya.

"Mabilis lang akong maliligo, kumain muna kayo ni Lucas dun. Niluto ko paborito mong ulam." sabi ko habang mahina pang tinapik ang balikat ni Ruth saka naglakad papasok sa banyo.

HABANG NAGMAMANEHO AY palihim kong sinusulyapan ang dalawa kong kapatid sa salamin upang tingnan ang kanilang ginagawa. Si Ruth ay nakatingin lang sa labas habang si Lucas naman ay nakaearphones at nagheadbang pa sabay ng paghampas niya ng mahina sa hangin.

Hilig na ni Lucas ang music simula nung bata pa siya. Halos lahat ng instrumento ay alam niyang tugtugin. Sumali siya sa banda ng school at tutol ang magulang namin dito ngunit wala silang magawa dahil nakasali na si Lucas at siya ang kanilang drummer. Mataas ang mga markang nakukuha ni Lucas kaya wala na iyong problema sa kanila mama't papa.

Samantalang si Ruth naman ay palatanong na simula bata palang. Pag hindi niya alam ang isang bagay ay magtatanong at magtatanong siya hanggang sa makuha niya ang sagot. Nakakairita minsan ang ugali niyang yan, akala nga namin ay mawawala lang yan pagtungtong niya ng highschool ngunit nagkamali kami.

"Nandito na tayo." sabi ko sa dalawa habang inihinto ang sasakyan sa harap ng gate ng paaralan.

"Baon namin ate?" mahinang tanong ni Ruth sa akin habang binuksan ang pinto ng sasakyan.

Napabuntong-hininga akong kinuha ang aking wallet saka kumuha ng pera.

"Hindi ba kayo binigyan ni ate Adi bago siya umalis?" kunot noo kong tanong kay Ruth habang inaabot ang pera sa kaniya. Agad niya itong kinuha at walang paalam na lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng paaralan.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now