Chapter 20.1

31 3 0
                                    

Allysha's POV

Allys:
S tingen q handa n aq

Xandra:
Handa san?

omg ka teh

Ano yan?!

Allys:
basta bukas diba intrams n cguraduhin m n pupunta c min s battle of the bands

Xandra:
Bakit?

Paano pag di siya makakanood?

Allys:
d pwede dapat makanood sya

Xandra:
Ano gagawin mo?

Seen

Xandra:
Hoy teh ano nga

edi wow pag ayaw ni Min na manood di ko na yun fault.

Seen

"Aika may ipapagawa ako sa'yo." sabi ko kay Aika na busy sa pag-aayos ng kaniyang gamit na dadalhin sa intrams.

"Ano yun?" tanong niya ng hindi man lang ako tinitingnan.

Lumapit ako sa kaniya at ibinulong ang aking ipapagawa.

"Yun lang? May materials ka ba ate?" tanong niya kaya naman ibinigay ko sa kaniya ang kakailanganin niya.

"Sapat na siguro yan?" tanong ko at tumango lang siya sa akin.

Inilagay niya sa isang sulok ang kaniyang bag at inilatag ang mga materyales sa kaniyang kama.

"Paano kung turuan kita ate para naman mas mabilis matapos ang dami ng ipapagawa mo tapos ako lang." reklamo niya kaya naman sumang-ayon nalang ako.

Kumuha ako ng upuan at inilagay yun sa tabi ng kaniyang kama.

"Ganito yun ate, kuha ka ng colored paper tapos..."

Tinuruan ako ni Aika paano gawin ang paper roses step-by-step kaya naman mabilis din kaming natapos. Wala pang alas dose ay tapos na naming gawin ang seventeen pieces of paper roses at seventeen pieces of origami hearts at yung isa na pinaggawa ko kay Aika.

"Para kay ate Min 'to 'no?" tanong ni Aika habang nililigpit namin at nililinis ang kalat sa kaniyang kama dahil sa mga papel.

"Bukas, sumama ka kay Min pag battle of the bands na. Pumuwesto kayo sa gitna, mas mabuti kung sa harap."

"Paano kung hindi kami makapila agad? At hindi kami sa harap makakapuwesto?" tanong niya.

"Edi gumawa ka ng paraan na makita ko kayo, ganon lang yun tanga." umismid lang siya sa aking sinabi at tumango.

"Tapos yayain mo si Min sa garden, dun tayo magkikita pagkatapos tanghalin kung sinong team ang panalo." huling sabi ko sa kaniya bago matulog.

'Sana maging maayos ang aking gagawin bukas.'

Maaga akong nagising kaya naman hinanda ko na lahat ang aking dadalhin para mamaya. Inilagay ko lahat sa bag at ang aking bouquet of paper roses at maingat na inilagay yun sa aking bag.

'Wag lang sana to daganan kasi baka masira ang aking mga gawa.

"Aika tapos ka na ba?" tanong ko kay Aika habang kinakatok ang pinto ng kaniyang kwarto.

"Patapos na ate, konti nalang." sigaw niya galing sa loob kaya naman bumaba na ako bitbit ang aking bag.

Inilapag ko ang aking bag sa lamesa at kinuha ang aking selpon. Ida-dial ko na sana ang number ni Min at sakto naman na tumawag siya kaya naman pinindot ko na ang answer button.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now