Chapter 8

44 12 1
                                    

Mutual feelings?

Magda-dalawang linggo ng hindi nagpapansinan si ate Aki at ate Adi simula nung narinig at nalaman ko na si ate Adi ang bago ni Marcus, ex ni ate Aki.

Hindi ako makapaniwalang nagawa yun ni ate Adi, alam niyang ex ito ni ate Aki ngunit pinatulan niya pa rin. And the fact that Ate Adi cheated on kuya Mark, our parents didn't raise a cheater tsk.

I think it's just so pathetic, them fighting over a boy not even a man. Kuya Marcus is known as a playboy, but they're blind and can't see the fact because of his "handsomeness".

Narinig kong maraming babae mapacollege or highschool ang naulol sa kaniya. Hindi ba nila nakikita na mukha siyang tambay sa kanto at kung ikukumpara, mas pogi pa si Allys kaysa sa kaniya kahit na babae ito.

"Kanina ka pa nakatingin sa'kin ah. Pogi ko ba?" napatigil ako sa pag-iisip ng marinig kong nagsalita si Allys.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniyang mukha.

"Hindi ako nakatingin ah."

"Hindi ka nakatingin kasi nakatitig ka lang." pang-aasar niya sa akin.

Inirapan ko lang siya at kinuha nalang ang aking libro at nagbasa.

Sa dalawang linggo ay mas lalo kaming naging close ni Allys ay marami akong nalaman sa kaniya. Masaya siyang kasama at kausap, hindi siya kagaya ng ibang babae na puro make up at mga damit lang ang inaatupag.

Naalala ko nung lumabas kami noong nakaraang linggo, nakasuot siya ng plain white polo na nakatuck-in sa harap at loose sa likod at black fitted jeans at black and white sneakers.

Hindi ko mapigilang tumawa ng maalalang ang astig niya sa pormahan na yun pero natagusan siya dahil hindi niya alam na meron na pala siya.

Buti nalang at itim yung sinuot niyang jeans kasi kung nagkataon na puti yun makikita at makikita talaga ng lahat ng tao.

"Nababaliw ka na ba?" napa-huh lang ako sa tanong ni Allys. Taka ko siyang tinignan at napailing nalang siya.

"Para kang tanga." sabi ko kay Allys, ngumisi lang siya at inilapit niya ang kaniyang mukha sa'kin.

Ramdam ko ang mainit niyang hininga at infairness ang bango ng hininga niya.

"Gaano ba ka tanga?" bulong niya sa mukha ko. I gulped hard at inilayo ang mukha kay Allys.

"Distansya kung ayaw mong masapak kita." sabi ko habang inilayo ang kaniyang mukha gamit ang aking palad.

"Kaya mo ba? I mean hindi naman sa minamaliit kita Min ah pero imposible kasing masapak mo 'ko..." Inalis niya ang aking palad at hinawakan ang aking kamay at hinahaplos ito gamit ang kaniyang hinlalaki.

Unti unti siyang lumapit at hindi ko na iniwas ang aking sarili at hinayaan nalang siya.

"...kasi nararamdaman kong gusto mo na rin ako." bulong niya sa aking tenga.

Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Sa dalawang linggo na lagi kaming magkasama ni Allys ay ngayon niya lang ulit in-open up yung tungkol sa pagkagusto niya sa akin.

"Hoy ano yang ginagawa niyo ah!" Sigaw ng aming kaklase sa amin.

Agad na nagtinginan ang iba pa naming kaklase dahilan upang lumayo si Allys sa akin at umayos ng upo.

"Parang may nakikita akong rainbow, nakikita mo rin ba be?" komento ni Jennifer sa isa pa naming kaklase.

"Anong rainbow? Wala naman ah." rinig kong sagot ni Belle habang nakatingin sa labas ng bintana. Dinagukan lang siya ni Jennifer at hindi na sila umimik pa nang tiningnan ko sila ng masama.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now