Chapter 10

42 11 1
                                    

I dedicate this to the person that is the reason why I write this. Hindi niya ito makikita kasi hindi naman siya nagbabasa.

Note:

I am deeply sorry for the very very late update, I just got busy with my schoolworks especially RESEARCH.

This would be Allys's POV so have fun reading what's on her mind and what she thinks about Min.

This is like a "summary" to what happened sa chapters 2-7 but in Allys Point of View.

Long chapter ahead! Pambawi ko sa ilang araw na walang update ;)















Allys POV

Late na akong ginising ng ate ko kaya nagmamadali akong magbihis.

Pagkarating ko sa University ay tahimik lang ito at wala ng kahit isang estudyante sa labas ng classroom. Tiningnan ko ang oras at nagmamadaling naglakad papunta sa aming classroom.

Tiningnan ko ang classroom na nasa harapan ko at binuksan ang pinto. Napatigil ang lalaki sa pagsalita at ramdam kong nakatingin silang lahat sa akin.

Sinigawan pa ako ng aming guro ngunit binalewala ko lang ito at tiningnan ang aking mga kaklase.

May isang babae na nakakuha ng aking atensyon. Maputi siya, maganda at mukhang matalino dahil sa suot niyang eyeglasses.

Hindi ko alam pero gusto ko siyang makilala ng lubusan. Bago sa'kin ang pakiramdam na ito, hindi naman ako ganito kung kasama ko mga kaibigan ko o kung may makita akong maganda. Sa kaniya lang talaga.

'Tangina, ito na ba ang sinasabi ni Aika na love at first sight?'

Kahit dito ay kitang kita ko lahat ng features sa mukha niya. Mula sa kaniyang kilay na tama lang ang kakapalan, mahaba niyang pilik-mata, mga matang tila walang pakialam sa paligid, matangos na ilong at mapula ang kaniyang labi.

Nakalugay ang kaniyang mahaba at straight na buhok. Para siyang isang litrato na hindi ako magsasawang tingnan ito ng paulit-ulit. Sa tingin niya palang mahihiya ka na dahil sa ganda ng mata niya.

Pero dahil ako si Allys, hinding-hindi ako mahihiya at hinding-hindi ako magsasawang tumingin sa kaniyang mga mata.

Nagpakilala ako sa lahat at hindi ko mapigilang ngumisi sa transferee. Kumunot ang kaniyang noo at ibinaling ang tingin sa kung saan.

May sinasabi pa ang aming guro ngunit wala na akong pake at naglakad na patungo sa babae.

Kinuha niya ang kaniyang kulay itim na bag at inilagay ito sa kaniyang harap. Umupo ako sa tabi niya at walang imik na kinuha ang aking sketchpad at lapis.

Hindi niya napansin ngunit nakatitig ako sa kaniya at tahimik na ginuguhit ang kaniyang maganda at inosenteng mukha.

Tapos na ang lunchtime, galing ako sa room ni Aika at habang naglalakad ako papasok sa aming classroom ay may biglang nakabangga sa aking balikat.

Aambaan ko na sana siya ng suntok nang makita kong si Min pala, hinawakan ko nalang ang aking balikat at mahinang minasahe ito.

'Ang sakit, tigas ng katawan babae ba talaga 'to?'

Humingi siya ng paumanhin nang hindi tumitingin sa akin kaya napaismid nalang ako.

'I want you to look at my eyes, I want the way your eyes show me lots of emotions.'

Gusto ko yang sabihin sa kaniya ngunit ayokong ma wirduhan siya sa akin.

Umupo ako sa tabi niya at hindi ko na naman mapigilang mapatingin sa kaniyang mukha. Para siyang anghel na hinulog ng langit para sa'kin.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now