Chapter 14

27 6 0
                                    

This will be Min's POV for those who are asking hehe.

~~~


Ignored?¿

It's been weeks since our confession happened, and Allys is back to ignoring me. I don't know if I would believe her words when she said she love me because look at her now. Ignoring me, making me look like a fool here.

Paano niya nagagawang balewalain ako ng ganito?

Bahagya akong nagulat ng maramdaman ang isang palad sa aking mukha. Napangiwi ako sa sakit at galit na tiningnan ang nasa harap ko ngayon na si Jennifer.

"Sorry, I need to do that because you're spacing out." sabi niya habang naka peace sign pa.

"Sorry for that, ano yun?" tanong ko sa kanila. Kumunot ang aking noo nang makikita ang pag-aalala sa kanilang mga mata.

"Ano?" naguguluhang tanong ko. Rinig kong napabuntong-hininga si Xandra at umiling-iling.

"As I was asking, is it okay for you if we will make our project sa bahay niyo?" tanong ni Xandra sa'kin. I bit the side of my cheeks at tiningnan sila.

"Sure, kailan ba?" pagpayag ko sa kanila.

"This Saturday sana para by Sunday relax na tayo." sabi ni Xandra ni ikinatango ko.

"I'll just read my book, bigyan niyo nalang ako ng lista ng mga materials na kailangan." sabi ko sa kanila at tumango naman silang apat.

Nagplano sila sa mga gagawin para at nagdiscuss sa mga materials na bibilhin habang ako ay binabasa ko lang ang libro na hiniram ko sa library.

Habang nagbabasa ay ramdam kong may dalawang pares ng mata na nakatitig sa akin. Tiningnan ko yun at nahuli ko si Xandra na nakatitig sa akin.

Taka ko siyang tiningnan at umiwas naman siya ng tingin ngunit tumingin ulit. Binaba ko ang aking libro ng hindi inaalis ang kamay sa pahina na aking binabasa at nagtatanong na tiningnan si Xandra.

Nagdalawang-isip pa siya kung lalapit ba pero sa huli ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabing upuan.

"May tanong lang ako..." kagat labing tanong niya pagkaupo sa tabi ko.

Huminga ako ng malalim at inilagay ang aking bookmark sa page kung saan ako last nagbasa saka sinara ang aking libro.

"Spill it."

"Alam mo ba kung anong nangyari kay Allys?" tanong niya habang nakatingin sa malayo. Sinundan ko ang kaniyang tinitingnan at nakita ko si Allys na nasa isang sulok at tahimik lang.

She's not alone because she's with her group mates but she seem lonely...and distant.

"Nagkaganiyan na rin siya noon, when she was heartbroken with her two years relationship with a girl she met online..." pagkuwento ni Xandra sa akin.

"...She was also distant with our classmates but not me na close friend niya." nag-aalalang dagdag na sabi niya pa.

"Sa tingin mo ba nakamove on na siya sa ex niya?" tanong ko sa kaniya. Tumingin pa siya sa kisame at bahagyang nag-isip.

"Sa tingin ko naman, Oo. Kasi it's been two years simula nung maghiwalay sila kaya sa tingin ko nakamove on na siya." nakangiting sabi ni Xandra. Ngiting may alam.

Tumango lang ako sa kaniya at tumingin kay Allys.

Mukha siyang tanga. Nakatitig siya sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip. Kinakausap siya ni Luke pero wala parang wala lang ito sa kaniya.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now