Chapter 11

32 9 1
                                    

Note:
This chapter will still be Allys's Point of view but a continuation of Chapter 9 baka kasi may malito. Enjoy reading!

Allys POV

"Allys its been weeks! Hindi mo pa sinasabi sa akin kung anong nangyari sa GO!" gigil na bungad sa akin ni Xandra pagkapasok ko sa classroom.

"Wala bang 'good morning'?" tanong ko at tumingin sa upuan ni Min kung nandito na ba siya.

"At saka, 'di ka pa ba nakakamove on dun? Magda-dalawang linggo na pagkalipas nung gulo, ni hindi ka man lang ba nagtanong sa ibang classmates natin? How about Mae? She was at the guidance office with us during that time." sabi ko at naglakad papunta sa aking puwesto. Ramdam kong sumunod siya sa akin ngunit binalewala ko nalang yun.

"Mae already told me what happened pero hindi yun sapat, I need chika Allys!" frustrated na sabi niya. I just shake my head and sat down on my chair.

"Ano pa bang gusto mong malaman?" tanong ko sa kaniya. Tinapik ko ang upuan ni Min at agad naman siyang umupo dun.

"Mae only told me small things gaya ng pagtanggol mo kay Min kasi umalis na siya sa GO after that." maarteng saad niya habang tinitingnan pa ang kaniyang kuko.

"Nagkaayos si Min at Garrison, yun lang." sabi ko. Bahagya pa siyang nag-isip at saka hindi naniniwalang tumingin sa akin.

"Hmm...bakit parang may naaamoy ako..." saad niya habang nakahawak sa kaniyang baba.

"Hindi ka siguro naligo ngayon." seryosong sabi ko sa kaniya. Masama siyang tumingin sa akin at hinampas ako sa balikat.

"Naligo kaya ako, baka ikaw ang hindi." naiinis na sabi niya sa akin. Inirapan ko lang siya at tinignan ng masama.

"Sure ka bang walang nangyari? Like, sa inyo ni Min?" Taas-baba ang kilay at nang-aasar na sabi niya.

"Kumain lang kami pagkatapos nun, wala na." iniwas ko ang aking tingin sa kaniya. Rinig kong napatawa siya kaya kumunot naman ang aking noo.

'May nakakatawa ba sa pagkain?'

"Hindi yun ang tinutukoy ko Allys. What I mean is yung nangyari sa inyo ni Min kahapon." agad na namula ang aking pisngi ng maalala ang halik ni Min. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang labi niya. Dampi lang yun at alam kong hindi niya sinasadya pero tangina ang lakas ng impact nun sa akin.

"See, nagba-blush ka." nang-aasar na sabi niya habang nakaturo sa aking mukha. Iniwas ko ang aking mukha at tumingin sa gilid.

"Oh my goodness, Allysha? You really are blushing!" maarteng at nang-aasar na sigaw ni Jennifer sa akin habang nakatuptop ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig.

Iniwas ko lang ang aking tingin sa kanila at yumuko nalang sa aking desk.

"Talaga ba tol? Patingin nga ng namumula mong mukha." rinig kong sabi ni Luke habang nakahawak pa sa aking balikat at pilit na tinitingnan ang aking mukha.

Umiwas lang ako ng tingin at kinuyom ang aking kamao sa galit.

'Tangina mo Xandra! Pahamak ka talaga!' sabi ko sa aking isip habang mariin na

"Tigilan niyo na nga baka umiyak yan." natatawang saad ni Xandra.

"Sus, for sure naalala niya lang yung kiss. Those kids eyes are not a virgin anymore because of the kiss tsk tsk." rinig kong maarteng saad ni Jennifer

"Really? Sino naman ang nagkiss Jen?" curious at inosenteng tanong ni Belle.

"Ugh Belle you're so unbelievable, haven't you hear anything about the latest tea?" Hindi ko na narinig ang sagot ni Belle dahil biglang tumahimik ang lahat.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now