Chapter 9

37 11 6
                                    

Kiss?¿

Tumatakbong lumapit si Ruth sa akin at nakita kong lumapit din ang babae kay Allys.

"Ate, I told her that you and her ate should fight each other so that we will see who's stronger and who's cooler." sumbong ni Ruth sa akin habang nakaturo pa sa kaniyang kaklase at kay Allys.

"Allys, ate niya ata yan. Nakipagdeal ako at sinabi kong magsuntukan kayo ng ate niya. Dapat manalo ka upang hindi ko na siya kailangan sundin, nakakabanas na eh. Sabi ko kayo nalang ang magsuntukan tutal astig ka naman di'ba?" rinig kong sabi ng kapatid ni Allys sa kaniya.

Hindi ko mapigilang matawa sa kaniyang kapatid, kung makapagsalita ito ay para bang magkaedad lang silang dalawa.

"I'm sorry, Ruth but I think I can't do what you want me to do." nakangiting sabi ko. Agad na kumunot ang kaniyang noo. At halatang hindi siya sang-ayon sa aking sinabi.

"But ate..." pagprotesta ni Ruth.

"No more buts Ruthreia Ireish, baka gusto mong ikaw nalang ang kalabanin ko? You go finish cleaning, I'll wait for you here." seryosong sabi ko. Yumuko lang si Ruth at padabog na naglakad papasok sa kanilang classroom.

"'Di ko yun magagawa Aika." rinig kong sagot ni Allys sa kaniyang kapatid. Aika, what a cute name pero siga ang mukha at ngayon ko lang nalaman na medyo hawig niya si Allys. Halatang magkapatid talaga sila.

"Pero Allys, kailangan mong gawin..." rinig kong pagmamakaawa ni Aika sa kaniyang ate.

"Wala ng pero-pero. Sundin mo na ang kaklase mo para matapos na. Hihintayin kita dito." walang magawa ay pumasok na ulit sa classroom si Aika at galit na tumingin sa akin.

Nginitian ko lang siya na dahilan kung bakit niya ako inirapan. Natatawang umiiling iling nalang ako sa inaasta ng kapatid ni Allys.

"Kapatid mo nga yun." sabi ni Allys habang nakaturo kay Ruth na nakangiwing nagwawalis.

"Bakit naman?" tanong ko sa kaniya. Ngumisi siya sa akin at yumuko upang mapantayan ang aking tenga.

"Nakangiwing nagwawalis oh, parang ikaw lang pag cleaners kayo." napasinghap ako at hindi makapaniwalang bumaling sa kaniya...

"Paano mo--" hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang biglang dumampi ang aking labi sa kaniya. Nanlaki ang aking mata at mabilis na umatras palayo sa'kin na siyang dahilan ng pagkatalisod ko ngunit mabilis akong nasalo ni Allys.

Nakahawak ang kaniyang isang kamay sa bewang ko habang ang isa naman ay nasa balikat ko. Ilang segundo kaming nasa gan'ong posisyon nang marinig namin ang pag 'ayiee' nga mga kaklase ni Ruth.

Umayos ako ng tayo at inayos ang aking uniform na nagusot.

"So-sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na ga-gan'on pala tayo kalapit." nakayukong sabi ko.

'Tanga Min bakit kasi lumingon ka pa sa kaniya.'

"Allys ano yun?!" dinig kong sigaw ni Aika sa kaniyang ate.

"What the duck ate Min, did you just kissed her?" tanong ni Ruth habang naglalakad papalapit sa akin.
Pilit kong pinakalma ang aking sarili at hinarap si Ruth.

"Tapos ka na ba? Uwi na tayo?" kagat-labing tanong ko. Nagtataka man ay tumango lang siya sa akin.

"Let's go?" tanong ko pilit na hindi tumitingin kay Allys. Tumango lang ulit si Ruth sa akin at walang paalam na pumasok sa kanilang classroom.

Iniligpit niya ang kaniyang gamit at inilagay sa kaniyang bag. Nagpaalam pa siya sa kaniyang mga kaklase at inirapan lang si Aika na kakapasok lang ng classroom.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now