Chapter 17

44 5 0
                                    

Maaga akong gumising dahil maaga rin na pupunta ang aking mga kaklase dito sa aming bahay.

Bumaba na ako at ang una kong nakita ay si mommy na busy sa paglilinis.

"Goodmorning baby, I prepared breakfast already. Saan ba kayo mag meet ng classmates mo para masundo natin sila?" nakangiting sabi ni mom sa akin.

"Goodmorning too mommy, we will meet each other sa Coffee King." nakangiting sabi ko kay mommy. Lumapit ako sa kaniya at humalik sa kaniyang pisngi.

"Maliligo muna ako before kumain mom, I will fetch them at eight o'clock." Tumango lang si mommy at bumalik naman ako sa aking kwarto sa itaas upang maligo at maghanda.

Tiningnan ko pa saglit ang aking cellphone kung may chat ba sina Xandra saka pumunta sa aking banyo.

I took a quick bath and changed into my blueish baggy jeans paired with my white bandage crop top and black blazers with my new white Adidas sneakers.

Tiningnan ko ang aking repleksyon sa aking whole body mirror saka kinuha ang aking cellphone at lumabas ng kwarto.

Nakita ko an notifications galing sa gc namin kaya naman ay binasa ko yun.

Project Making

Xandra:
@Jennifer, handa ka na ba teh? Bilisan mo malapit na mag eight susunduin pa natin si Kylie!

Jennifer:
I'm almost done. Wait.

Min:
Hey guys, just text kung nasa Coffee King na kayo.

Kylie:
Kanina pa ako tapos dito, una nalang kaya ako?

Xandra:
No, Kylie. Wait for us there. Check my pm!

@Everyone don't forget to bring the materials assigned to you!

I just reacted like to Xandra's last messaged saka inilagay sa aking back pocket ang aking phone at bumaba.

Pumunta ako sa kusina at nakita ko si mommy na nagluluto.

"Mom, I told you not to bother anymore. We have lots of snacks already, I can cook for my classmates if they want something else." kunot-noo kong sabi kay mommy habang naka cross-arms.

"Sino nagsabi na it's for you and your classmates?" taas kilay na tanong ni mommy sa'kin. Bahagya akong napaatras sa gulat at nalilitong tiningnan siya.

"Just kidding, you should see your reaction. I'm cooking breakfast for us." natatawang umiiling-iling na sabi ni mommy sa akin. Napaismid lang ako at lumapit sa kaniya upang tingnan kung ano ang kaniyang niluluto.

Adobo, amoy palang nakakagutom na. I hug mom from the back and place my chin on her shoulders.

"Bakit parang ang dami naman niyan 'mmy?" nakangusong sabi ko.

"Syempre, it's not just for us but for your classmates too." sabi niya saka tinikman ang sariling niluluto. Umalis ako sa pagkakayakap at nanghingi rin ng konti.

"How was it?" tanong ni mommy sa akin pagkatikim ko. Kunot noo ko siyang tiningnan at agad na napalitan ng pag-aalala ang kaniyang mukha kaya naman nag thumbs up ako at binigyan siya ng chef's kiss.

"Walang kupas mom, sobrang sarap pa rin ng adobo mo." natatawang sabi ko.

"You make me nervous..." she shake her head as she turns off the stove.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now