Chapter 20

29 3 0
                                    

Min's POV

We are now at Jollibee, her favorite fastfood chain. She's peacefully eating her Chicken Joy and Spaghetti as I watch her while eating my fries dip in my sundae. My favorite pair.

"Gusto ko rin ng Ice cream." nakangusong sabi ni Allys sa akin.

"Hindi ka pwede kasi kakanta ka pa para sa battle of the bands." sagot ko sa kaniya habang kumakain ng ice cream at inaasar siya.

"Next week pa naman yun kaya pwede pa."  Napabuntong-hininga nalang ako at binigay sa kaniya ang aking sundae.

"Tigas ng ulo mo 'no?" sarkastiko kong sabi at nginitian niya lang ako.

"Bili tayo milktea." biglang sabi ko ng makita ko sa labas ang isang babae na umiinom ng milktea.

"Libre mo?" tanong niya at tumango naman ako.

"Libre ko na tutal libre mo naman to." sabi ko pagtukoy sa aming kinakain na paubos na.

"Tara na." sabi niya ng makita kong ubos na ang kaniyang kinakain.

"Picture muna tayo bago umalis." sabi ko at inilabas ang aking cellphone.

Tumayo siya at tumabi sa akin at inopen ko naman ang aking camera.

"1,2,3 smile..." nakangiting sabi ko at pinindot ang shutter button.

Tiningnan ko ang pic at nakita kong hindi siya nakatingin sa camera kaya naman inulit pa namin.

"1,2,3 smile..."

"I love you..." sabi niya na ikinabigla ko at gulat na tumingin sa kaniya sabay rinig ko ng pagclick.

Hindi ko namalayan na pinindot niya pala ang shutter button ng aking cellphone. Nakangiting tumingin siya sa akin at kinuha ang aking cellphone saka tiningnan ang picture.

"Ganda mo." puno ng admirasyon na sabi ni Allys sa cellphone habang tinitingnan ang picture naming dalawa.

"Patingin nga." sabi ko at kinuha ang aking cellphone sa kaniya at tiningnan ang litrato.

'Ang epic ng mukha ko!'

_____________________________

I don't know why I published this chapter eh it only has 290+ words, ito ata yung oras na walang pumapasok na kung anong ideas sa utak ko, pero di ko pa rin gets bat ko to pinublish ;/

© HidingInHerCloset (Ellie)
All Rights Reserved. January 2022

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum