Chapter 18

38 2 2
                                    

Project Making?¿


Nandito kaming lima sa aking kwarto dahil hindi available ang library kasi nandun si ate Adi gumagawa ng research niya at bawal siyang isturbohin.

"Malapit na tayong matapos dito." sabi ni Xandra habang nilalagyan ng double-sided tape ang ginawa naming pop-up boards with the notes for our graphic organizer

We're assigned to make a graphic organizer about s certain topic which is The Immune System and Human Health using a one whole illustration board.

Jennifer and Kylie painted the white part of the illustration board while I helped Xandra do the pop-up something that will be put in our graphic organizer.

Samantalang si Allys ay tahimik lang na nagreresearch tungkol sa topic ng group nila.

I stopped giving Xandra a cut of the double sided tape at lumapit kay Allys na piniprint na ang ilalagay sa graphic organizer.

"Bakit ikaw lang ang gagawa? Bago na pala ang group work ngayon." sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Wala akong maaasahan dun sa mga ka grupo ko tsk. Baka kung hindi ako gagawa, wala kaming ma present sa Lunes." sabi niya habang mahinang minamasahe ang kaniyang noo.

"Do you want me to massage your head?" taas-kilay na tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa aming mga kaklase kaya naman napatingin na rin ako at busy sina Kylie at Xandra sa finalization ng aming graphic organizer habang si Jennifer naman ay busy sa pagkain ng snacks na inihatid ni mommy kanina.

"'Wag na, mawawala rin 'to." sabi niya at aabutin na sana ang kaniyang na print ngunit mas malapit ako kaya naman ako na yung kumuha at ibinigay yun sa kaniya.

Kinuha niya ang gunting at sinimulan na ang pag cut sa papel.

Tiningnan ko siya at nakita ko kung pano niya minasahe ng mahina ang kaniyang sintido kaya naman inagawa ko sa kaniya ang gunting at printed paper. Taka siyang tumingin sa'kin at tiningnan ang papel.

Matamlay ang kaniyang mga mata at halatang halata kung gano siya kapagod.

"Pahinga ka nalang sa kama ko, ako na tatapos ng graphic organizer mo." sabi ko sa kaniya. Bakas ang hindi pagsang-ayon sa kaniyang mukha at tiningnan pa ang aming mga kaklase na nakatingin na pala sa amin.

"Min is right, ipagpahinga mo ang sarili mo Allys... I'll help her finish your graphic organizer." sabi ni Xandra at itinuloy na ang ginagawa. Tumayo na si Allys at mahinang humiga sa aking kama.

Nakasandal ang kaniyang ulo sa headboard at ipinikit niya ang kaniyang mga mata.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kaniyang noo upang icheck kung mainit ba siya o hindi.

"Masakit lang ulo ko..." sabi niya habang chinecheck ko ang kaniyang temperature. Tumango ako sa kaniya at walang salita na naglakad papunta sa aking banyo.

Pumunta ako sa may first aid kit box at kinuha ang gamot para mawala ang ulo, este ang sakit sa ulo.

Pagkatapos kung kunin ito at lumabas na ako sa banyo at lumapit sa aking cabinet kung saan nakastock ang mga bottle of waters na hindi malamig incase gusto ko uminom ng hindi malamig na tubig. Kumuha ako ng isa at lumapit na kay Allys.

"Inumin mo 'to, mawawala ulo mo dito." sabi ko habang iniabot sa kaniya ang gamot. Taka niya akong tiningnan at nagdalawang isip kung kukunin ba ang gamot pero kinuha niya pa rin.

"Grabeng gamot yan mawawala ulo mo pag ininom mo yan, Allys." natatawang sabi ni Kylie na siyang kinakunot ng noo ko.

Napamaang nalang ako ng mapagtanto kung ano ang sinabi ko kay Allys.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now