Chapter 13

28 8 0
                                    

Confession

"Allys..." rinig kong pagtawag ni Min sa akin. Nakangiti ko siyang nilingon at nagtatanong na tumingin sa kaniyang mata.

"Can we talk?" seryosong sabi niya habang nakatingin sa aking ma mata. Tumingin ako sa paligid at nakita kong busy ang lahat sa kanilang ginagawa.

"Do you want us to talk here or somewhere private?" tanong ko sa kaniya. Kagat-labi niyang nilibot ang kaniyang tingin at tiningnan ang aming mga kaklase.

"After this nalang siguro..." sabi niya at pinagpatuloy ang kaniyang pagbabasa. Tumango lang ako habang hindi inaalis ang aking paningin sa kaniya.

"Times up! Finish or not, pass your papers forward." pinasa na namin ang mga papel at sakto namang nag ring na ang bell.

Inayos pa ng kaklase namin ang mga papel saka ito ibinigay sa aming prof. Kinuha niya ito at walang paalam na lumabas.

Tiningnan ko si Min at nakita kong nag-aayos siya ng kaniyang gamit. May isa pang subject bago ang aming break time kaso bigla akong nagutom.

Sino ba namang hindi magugutom eh ang haba ng pinasagot sa amin tapos solving pa.

"Min, gutom ka na ba?" tanong ko sa kaniya. Bigla siyang napatigil sa pagliligpit at ilang segundo pang tumitig sa aking mata.

"Bakit? Gutom ka na ba?" tumango lang ako sa kaniya at nakangusong hinawakan ang aking tiyan.

Natatawang napailing naman siya at kinuha ang kaniyang wallet na nasa kaniyang bag.

"Tara" sabi niya at tumayo. Inilahad niya ang kaniyang kamay at kinuha ko naman ito saka tumayo na rin.

"Oi sa'n kayo pupunta?" tanong ni Luke sa amin pagkalapit namin ni Min sa pinto.

"Canteen, gutom na ako eh." sagot ko nalang sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Min saka lumabas ng classroom hila-hila ang kaniyang kamay.

Pagkarating namin sa 'Cafeteria' gaya ng sabi ni Min ay pumila na kami para umorder ng makakain.

"Anong gusto mo?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kung anong available na pagkain.

"Yung carbonara nalang siguro" sabi niya habang nakasilip din sa mga pagkain.

"Ikaw ba? Anong gusto mo?" tanong niya sa akin.

"Yung chicken with rice nalang siguro, gutom ako eh. Hindi kasi ako nakakain ng breakfast."

Umorder na kaming dalawa ni Min at saka naghanap ng mauupuan. Habang naghahanap ng mauupuan ay ramdam ko ang mga tinginan ng mga tao sa aming dalawa.

"Nakatingin silang lahat sa atin. Sa garden nalang kaya tayo?" bulong ni Min sa'kin. Tumango lang ako sa kaniya at binalewala ang mga tinginan ng mga estudyante.

'Sarap dukutin ng mga mata nila at ipakain sa kanila pero syempre biro lang yun kasi mabait ako.'

Pagkarating sa may garden ay walang hirap na umupo si Min sa bermuda grass at sumandal sa puno. Kinuha niya ang aking plato upang makaupo ako ng maayos sa kaniyang tabi.

Habang kumakain ay hindi ko mapigilang hindi tumingin sa kaniya na tahimik lang na kumakain at paminsan-minsan ay tinitingnan ang buong paligid.

'She's effortlessly cute.'

"Hala..." biglang sabi niya na ikinaalala ko.

"Ano yun?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan natin bumili ng mainom." nakangusong sabi niya habang tinitingnan ang ubos na niyang carbonara.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now