Chapter 5

74 14 0
                                    

Fries

"H-ha? Anong ako?" nauutal kong tanong sa kaniya.

"Psh slow." bulong niya sa kaniyang tabi.

"May sinasabi ka?" umiling iling lang siya sa akin at dinig ko ang mahinang tawa ni ate Aki.

Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong busy pala siya sa pagseselpon. Wala naman ata siyang narinig diba? Baka kung anong isipin niya sa amin ni Allys tsk tsk.

"Sabi ko 'ikaw, anong gusto mo?' Tss bingi." napanguso lang ako sa kaniyang sinabi at walang imik na kinuha ang fried chicken saka nagsimulang kainin ito.

Nakita ko siya sa aking peripheral view na napailing iling at kinuha ang porkchop saka kumain na.

Tahimik kaming kumakain nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse na lalaki.

"Iche-check ko lang po ang lagay ng pasyente..." sabi ng nurse habang nakatingin sa akin. Ayoko sa paraan ng pagtingin niya sa akin, parang kakaiba kasi iyon. Bigla akong kinilabutan at umiwas ng tingin.

Hindi ko sinadyang napalingon kay Allys na busy sa pagkain nang bigla siyang tumingin sa akin na bakas ang pagtataka sa kaniyang mukha habang ngumunguya dahilan kung bakit nagkasalubong ang aming mga tingin.Napakurap-kurap akong umiwas at nagpatuloy na sa pagkain.

"Ako na magche-check sa kaniya." saad ni ate Aki habang inilagay ang selpon sa bulsa ng kaniyang lab coat.

"...Aki, nandito ka pala." gulat na tanong ng nurse kay ate Aki. Nang makabawi ay nagpaalam na siyang lumabas at para akong nabunutan ng tinik.

"That is Jansen, classmate ko. Matinik yun sa babae, halos lahat ng mga kaklase naming babae ay pinaiyak na niya tsk. In short babaero, kaya ngayon palang Maria Isabella Naomi binabalaan na kita lumayo ka sa lalaking yun." mahabang litanya ni ate Aki habang seryosong nakatingin sa akin.

Napanguso ako sa kaniya at tumango. "Psh, wala rin naman akong balak na lumapit sa kaniya. Ayoko sa paraan ng pagtitig niya sa akin, nakakakilabot."

"...ikaw din Allys, lumayo ka sa kaniya baka mabiktima ka ng lalaking yun." seryosong saad ni ate Aki habang nakatitig kay Allys. Tumango lang si Allys kay ate habang ang paningin ay nasa pagkain.

"At Min, tandaan mo palagi ang bilin nina mama't papa--"

"Na bawal mag boyfriend hanggang hindi pa naka-graduate sa college." pagputol ko sa sasabihin ni ate. Napairap nalang ako sa kawalan. Tandang-tanda ko pa ang mga bilin ng magulang namin. Simula nung tumuntong akong highschool ay palagi na yun nilang binibilin sa akin at palagi ko nalang yun naririnig kaya saulo ko na lahat ng kanilang sasabihin.

'Sabi lang nila bawal mag boyfriend, hindi naman nila sinabing bawal ako mag girlfriend.' natatawang umiling ako sa aking iniisip.

Napabuntong hininga lang si ate Aki sa aking sinagot at nagpatuloy na sa pagseselpon samantalang si Allys ay ubos na ang kaniyang pagkain.

'Gutom na gutom siguro siya... Tsk bakit ba kasi hindi siya kumain ng lunch kanina? Nalipasan tuloy siya. Tigas ng ulo.'

Hindi ko namalayang nakangiwi na pala ako habang ang paningin ay na kay Allys. Nagtataka man ay binalewala niya lang ang naging reaksyon ko at iniligpit na ang aming pinagkainan.

"Aalis muna ako. I need to attend my one hour class, major yun kaya hindi ako pwedeng um-absent..." paalam ni ate Aki. Tango lang ang isinagot ko at lumapit naman siya sa akin. Chineck niya pa ako ng isang beses at kinuha na niya ang kaniyang mga gamit.

"Darating si ate Adi mamayang alas kuwatro...ikaw muna ang bahala sa kaniya." Habilin pa ni ate Aki kay Allys. Napanguso ako nang lumapit si ate Aki kay Allys at may binulong na kung ano. Nagpaalam na si ate at kung ano pa ang sinasabi bago makalabas.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now