Chapter 4

84 15 1
                                    

You

Habang naglalakad papunta sa university ay hindi ko mapigilang mapahikab. Maagang nagising si ate Aki kasi maaga ang kaniyang pasok kaya sinama niya nalang ako at hinatid dito.

Sinabihan ko na siyang kaya ko na ang sarili ko ngunit hindi siya naniniwala. Napangiwi nalang ako ng maalala ang sinabi niya habang ginising ako.

"Hindi pwede, responsibilidad ka namin paano nalang kung may masamang mangyari sa'yo papunta dun ano nalang sasabihin namin nina mama at papa?" inis na sabi ni ate Aki sa'kin. Tumingin naman ako kay ate Adi na nasa kaniyang tabi, humihingi ng saklolo ngunit nagkibit balikat lang siya kaya wala akong choice. Inis akong bumangon sa aking kama at tiningnan pa sila ng masama bago padabog na naglakad papuntang C.R.

"Oh hija, ang aga mo ata ngayon?" bungad na tanong ng sekyu na nagbabantay sa may gate.

"Sinubukan ko lang po kung kaya ko bang maagang pumasok." pabirong sabi ko habang pinapakita kay manong ang aking ID. Tumango lang siya at nagpaalam na akong pupunta sa aking classroom.

Tahimik ang paligid at ang tangi ko lang naririnig ay ang tunog na ginagawa ng aking sapatos habang naglalakad.

Pagkarating sa classroom ay parang may naaanigan akong tao sa loob. Binuksan ko ang pinto saka pumasok. Napaatras pa ako sa gulat ng tumambad sa akin ang mukha ni Allys na nakatitig na pala sa'kin. Nakaupo siya sa may bintana habang iniistrum ang gitara.

Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi na siya pinansin pa. Randam na randam ko ang pagtitig niya ngunit binalewala ko nalang ito at umupo na sa aking upuan.

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang aking selpon hudyat na may tumatawag. Nakalimutan ko pala i-mute. Napangiwi nalang ako at tiningnan kung sino ang tumatawag.

ADIk calling...

Tsk si ate Adi...Inis ko itong sinagot at inilapit ang aking selpon sa aking tenga.

"Hello?"

"You forgot your lunch dito sa bahay. Should I dala it there or you will bili nalang ng food?" bungad sa akin natanong ni ate Adi. Inis akong napapikit at inilayo ang selpon saka tiningnan yun ng masama.

'Umagang umaga napakaconyo, sa'n ba 'to nagmana ng kaconyohan? 'Di naman ganito si mama at papa ah'

"'Wag nalang ate, bibili nalang ako." walang-gana na sagot ko sa kaniya. Inaantok talaga ako at gusto ko nalang magpahinga. Pahamak kasi si ate Aki eh tsk.

"Do you have money pa ba?" nag-aalalang tanong niya.

"Konti nalang eh..." pagsisinungaling ko kahit na ang totoo ay marami pa naman. Ni hindi ko nga nagamit pera ko kahapon kasi nilibre ako ng bestfriend kong si Ella.

"Aki didn't give you some?" gulat na tanong niya pa.

"Hindi eh, hindi nga ako hinatid pababa sa harap ng gate eh." nakangusong sumbong ko kay ate Adi. Naiimagine ko na agad ang pagkunot ng noo ni ate at paniguradong pagsasabihan niya si ate Aki.

Kambal sila pero mas nauna ng ilang minuto si ate Adi kaya siya ang pinakamatanda sa amin at paniguradong siya ang inatasan nina mama't papa na bantayan at alagaan kami.

"Okay. I'll tell Aki to give you some money kasi she told me na she will punta there before lunchtime to enroll Threia and Lucas. Just don't forget na puntahan siya before lunch, if possible you excuse yourself nalang at ikaw na bahala magpalusot. ''Wag magpapagutom', yan ang bilin ni mama at papa." napangiti ako sa sinabi ni ate at mabilis na um-oo, napatango-tango pa ako kahit na alam kong hindi niya ako makikita.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now