Chapter 12

36 9 4
                                    

Pumasok ang aming prof at sakto namang lumabas sa screen ang naging halikan namin ni Min. Rinig kong napasinghap ang aking mga kaklase at nakita kong nanlaki ang mata ng aming prof.

Her face looks calm and stoic. She took a deep breath at lumapit sa laptop saka pinatay ito. Tiningnan niya kami isa-isa at iniyuko ko naman ang aking ulo ng mapatingin siya sa aming direksyon.

Ramdam kong pinagtitinginan kaming dalawa ni Min ng aming mga kaklase at nagbubulong-bulongan pa sila kahit na naririnig ko naman ang iba.

"Silence!" sigaw ni prof Lexy na siyang ikinatahimik ng lahat.

Yumuko si Min at hindi binitawan ang aking kamay at mas lalo pang hinigpitan ang kapit dito.

"Explain what I just saw." Sabi ni prof, she is crossing her arms while leaning her shoulders at the blackboard.

I know the reason why it happened and I can't blame Min because I would admit that I like the kiss even though it's just an accident.

Nanatiling tahimik ang lahat at walang niisang sumagot.

"Why don't you answer me? What is that video all about? Are you watching xrated videos here in your classroom?" galit at nanlaki ang matang tanong ni Prof sa amin na dahilan ng paghagikhik ng iba.

"What's funny? Yes, Sandro..." pagtawag ni prof kay Sandro na nakataas ang kamay. tumayo si Sandro at inexplain ang lahat kay prof.

Tumango lang si Ms. at para bang iniintindi ang sinabi ng aking kaklase.

"Let's proceed in checking the attendance..."

Mabilis lang na natapos ang attendance at nag proceed na si maam sa kaniyang lesson.

Konti lang ang kaniyang naidiscuss dahil pinatawag sila sa faculty kasi may urgent meeting ang mga teachers.

Pagkalabas ni prof ay agad na nag-ingay ang aming kaklase at pinag-uusapan ang nakita kanina.

"Sus, camera angle lang yan eh. That is so boring pare, akala ko pa naman intense na kissing scene. You can't even see if they really did kiss or not." rinig kong komento ni Sandro sa kaniyang katabi na si Mikael. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.

"What if that's not camera angle, Sandro and they really did kiss?" tanong pa ni Jennifer habang maarteng sinusuklayan ang kaniyang buhok.

'Tch, totoo naman talaga yun at hindi camera angle.'

"Why don't we ask Allys and Min? Tutal sila naman ang nasa video." sabi ng aming Class President na sinang-ayunan ng lahat.

"Oo nga tol, totoo ba yun? Kaya ba nagpahuli ka ng uwi dahil dun?" pang-aasar ni Luke sa akin. Inambaan ko lang siya ng suntok at natatawa naman siyang umilag.

Biglang binitawan ni Min ang aking kamay at walang paalam na lumabas ng classroom. Tumayo na ako at susundan na sana siya ng pinigilan ako ng aming mga kaklase.

Blinock nila ang pinto at kinorner ako sa aking upuan.

'Tangina, bakit ba kasi may meeting pang nalalaman ang mga teachers! Nape-pressure ako dito eh.'

"So ano nga yung totoo Allys? Camera angle lang ba yun? Or you two really did kiss?" taas kilay na tanong ni Jennifer sa akin.

"Bakit ba parang curious kayong malaman? Gano'n na ba kayo ka interesado sa buhay ko para paniwalaan ang video na galing sa grade eight?" kunot noong tanong ko sa kanila.

"We just want answers pare, is it a bad thing?" tanong ni Sandro.

"And also Allysha, how did you know it was from a grade eight student? Eh I didn't even mention kung saan yun galing duh." sabi ni Xandra sa akin sabay irap at nag hair flip pa.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now