Chapter 15

39 6 1
                                    

Reason

Humiwalay ng yakap si Allys sa akin at nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Kinuha niya ang aking kamay at mahinang hinaplos ito.

"I'm sorry for ignoring you Min. Hindi ko na kasi alam anong gagawin ko eh, ang daming problema sa bahay." Malungkot niyang sabi. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay na para bang ayaw na niya itong bitawan pa.

"I'm here, I'll listen to everything that is bothering you these past few days Allys..." sabi ko at inaya siyang umupo sa ilalim ng puno. Pinagpagan ko pa ang bermuda grass at inayos ang aking palda saka umupo.

Sumandal ako sa puno at tinapik ko ang aking binti, bahagyang lumaki ang mata ni Allys at kita dito ang pag-alinlangan.

Ngumiti lang ako sa kaniya kaya nahihiya man ay dahan-dahan siyang umupo ng patagilid sa aking kandungan.

I slowly guided her head to lean on my chest. Akala ko ay tutol siya ngunit mas inilapit niya ang kaniyang sarili sa akin.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Hinihintay ko lang na mag open siya sa akin. I hold her hand and intertwine it, mahina ko itong hinahaplos gamit ang aking hinlalaki.

"Hindi ko alam kung saan magsisimula, Min." rinig kong sabi niya habang mahina kong sinusuklay ang kaniyang buhok.

"It's fine, you take your time. I won't force you to share it. I just want to let you know and feel that I'm here, Allys." mahinang bulong ko sa kaniya. Rinig kong bumuntong hininga siya at humarap sa akin.

Napabitaw ako sa kaniyang ulo at bahagyang umatras para may konting espasyo sa aming dalawa. Tumingin siya sa aking mga mata at inilagay ang kaniyang magkabilang kamay sa aking mukha.

Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa akin habang hindi inaalis ang kaniyang tingin, unti-unting bumaba ang kaniyang tingin sa aking labi at rinig ko ang malakas niyang paglunok na dahilan ng pagtigil ng aking hininga. Dalawang metro na lang ang layo namin sa isa't isa at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking labi.

Pikit mata niyang inilapat ang kaniyang labi sa akin na siyang ikinalaki ng aking mga mata. Hindi ako makagalaw! Ito rin kaya ang nararamdaman niya noong hinalikan ko siya? Ang lakas-lakas ng loob ko nung hinalikan ko siya pero ngayong siya na ang humalik sa akin tila ba nanghihina ako.

Iginalaw niya ang aking labi na siyang dahilan ng pagpikit ko ng mariin. Inilagay ko ang aking kamay sa kaniyang batok at mas idiniin siya sa akin at ang isang kamay ko naman ay napunta sa kaniyang bewang.

Mahina ko itong pinisil-pisil upang mahina siyang mapaungol. Bumitaw na ako sa halik baka kung saan-saan pa 'to umabot. Hinihingal kaming napatingin sa isa't isa at kagat-labi ko siyang tiningnan.

'She looks flustered...and hot.'

Mariin niyang hinawakan ang magkabilang gilid ng aking uniform at ibinaon ang kaniyang mukha sa aking dibdib na siyang ikinagulat ko. Bahagya kong sinilip ang kaniyang mukha at kita ko ang pamumula dito, pati ang kaniyang tenga ay namumula!

Mahina akong natawa sa kaniya at hinawakan ang kaniyang magkabilang balikat saka pinaharap siya sa akin. Pulang-pula ang kaniyang pisngi at hindi siya makatingin sa akin.

"Tangina nawala astig ko dun." mahina niyang sabi sa kaniyang gilid, muntik ng mautal. Hindi ko mapigilang tumawa ng lakas sa kaniyang reaksyon.

"Anong nakakatawa? Totoo namang nakakawala ng astig yun. Hindi na ako cool neto." kagat-labi at nakangising sabi niya.

"Gusto mo pa ba?" tanong ko na dahilan ng pagtawa niya ng malakas.

Napailing-iling siya at hinawakan muli ang aking pisngi.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now