Chapter 3

110 17 3
                                    

Amor Vincit Omnia

"Susunduin ka ba?" tanong niya habang naglalakad kami pababa ng hagdan.

"Hindi eh. Ikaw ba?"

"Hindi rin, hatid kita sa inyo?" natigilan ako sa kaniyang tanong at napatitig sa kaniyang mga mata. Taka naman siyang tumingin sa akin kaya mabilis akong umiling-iling.

"Hindi na kailangan." pagtanggi ko sa kaniya.

Tahimik lang kaming naglalakad patungo sa gate nang bigla kong maalalang may bibilhin pa pala ako. Tiningnan ko ang oras at napapapikit nalang ng mariin. Gagabihin na ako masyado kung bibilhin ko pa yung mga requirements at paniguradong mapapagalitan ako ng kambal.

"May problema ba?" kunot-noong tanong ni Allys sa akin.

"Huh? Wala, wala naman." pilit akong ngumiti sa kaniya.

"Gusto mo bang"

"Bili tayo ng"

Sabay na sabi naming dalawa. Napatawa nalang kami at sinenyasan ko siyang mauna na sa sasabihin.

"Gusto mo bang bumili muna ng isaw o tempura?" tanong niya sa akin.

"Yan dapat ang sasabihin ko eh..." natatawang sabi ko sa kaniya.

Lumabas na kami ng gate ng school at dumiretso sa terminal kung saan may mga nagbebenta ng isaw, tempura, kwek-kwek, fishball, banana cue, camote cue at mani.

"Magkano po ang tempura niyo manong?" tanong ko sa matandang nagbebenta.

"Sampung piso, dalawang tempura, isang stick." tumango tango ako saka kinuha ang aking wallet na nasa bulsa.

Kumuha ako ng isang bente pesos at ibinigay sa matanda.

"Dalawang stick po manong." sabi ko sabay ngiti kay Allys.

"Let's just say, libre ko na 'to kasi pina-rank up mo 'ko." pabiro akong kumindat sa kaniya at nagulat naman siya. Napabungisngis nalang akong kinuha ang dalawang stick na inaabot ni Manong.

Ibinigay ko kay Allys ang isa at nilagay sa maanghang na sauce ang akin.

"Saan ka sasakay?" tanong ko kay Allys habang ngumunguya.

"Dun pa sa may terminal ng jeep. Ikaw?" turo niya pa sa terminal ng jeep na ilang metro lang ang layo.

"Dito na ako eh." sabay turo ko sa mga nakaparadang tricycle. Tumango tango lang siya at binali ang stick ng tempura sabay lagay sa bulsa ng kaniyang bag.

"Sasamahan kita hanggang sa makasakay ka ng tricycle." saad niya at uminom ng tubig.

Tumango nalang ako sa kaniya at hindi na nagsalita pa.  Ilang minuto lang ay may dumating ng tricycle at huli akong sumakay.

"Sa susunod CODM naman laruin natin buhatin ulit kita." saad niya habang nakaupo na ako sa loob ng tricycle.

"Sige ba, sabi mo yan ah." inayos ko ang aking upo at hinawakan ko ang aking bag gamit ang kanang kamay at kumapit naman ako sa tricycle gamit ang kaliwang kamay.

"Tama yan kumapit ka ng mabuti baka mahulog ka, walang sasalo sa'yo." pabirong saad ni Allys habang nakangisi.

"May sasalo naman sa'kin. Lupa nga lang." natatawang sabi ko sa kaniya. Napailing lang siya sa joke ko at umandar na ang tricycle.

Kumaway kaway ako sa kaniya at ngumiti lang siya sa'kin. Tumalikod na siya at tinignan ko pa siyang maglakad hanggang sa malayo na ako at hindi ko na naaninag ang kaniyang katawan.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now