Chapter 7

43 12 0
                                    

Ikaw ang gusto ko

"Ikaw lang ata ang estudyanteng sinusumbong ang sarili niya sa guidance." natatawang sabi ni Allys sa akin habang naglalakad kami papunta sa canteen.

Hindi pa namin break time ngunit gutom ako, wala akong pakialam kung absent ako sa isang subject. Ewan ko nalang sa isang 'to.

"Syempre, alam kong anytime isusumbong ako ng mga "Mean girls" kay Mrs. Chu kaya inunahan ko na sila para konti lang maging parusa ko." Mas lumakas ang tawa ni Allys. Rinig na rinig ito sa buong hallway. Umiling iling nalang ako sa kaniya nang biglang may lumabas na guro sa classroom na katapat namin.

"You!" galit na turo sa amin ng matanda at kalbong guro sa amin.

"Wala ba kayong klase kaya nambubulabog kayo ng klase ng iba?!" galit at parang sasabog na sabi niya. Kagat labi akong yumuko at iniwasang hindi matawa sa itsura ng nasa harap ko.

"Sorry po sir, 'di na po mauulit." pagpapaumanhin ni Allys. Hinawakan niya ang aking braso at hinila ako papalayo, nagpaubaya nalang ako hanggang sa nakarating na kami sa canteen.

"Anong gusto mo?" tanong ni Allys habang papalapit kami sa pila. Medyo mahaba ang pila dahil break time ng grade ten students.

"Ikaw, anong gusto mo?" tanong ko pabalik kay Allys, nakatitig siya sa akin at sa aking labi...

Biglang bumilis ang tibok ng aking puso sa paraan ng pagtitig niya. Sinabi niya kanina na gusto niya ako ngunit hindi ako naniniwala. Imposibleng magkagusto siya sa akin, pareho kaming babae!

"Ikaw ang gusto ko." mahinang bulong niya, sapat lang na marinig ko. Ang tangi ko lang naririnig ay ang lakas ng pagtibok ng aking puso.

'Ikaw ang gusto ko'

'Ikaw ang gusto ko'

'Ikaw ang gusto ko'

Paulit ulit na akong nagpagulong gulong dito sa aking kama ngunit hindi pa rin mawala sa aking isip ang sinabi ni Allys sa akin kanina.

Hindi ako naniniwala sa kaniyang sinabi. Oo, mukha siyang seryoso pero hindi pa rin yun sapat. Aaminin ko, gusto ko rin siya pero bilang kaibigan at kapatid lang.

Siguro yung nararamdaman ko tuwing kasama ko siya ay dahil lang yun sa pagiging magaan niyang kasama, wala ng iba. Imposibleng gusto ko siya, babae siya at babae rin ako.

Habang iniisip ang sinabi ni Allys sa akin kanina ay bigla kong naalala yung biglang pagsugod ni Josh sa kaniya.

"Gago ka ah!" biglang sumugod si Josh kay Allys pagkalabas naming tatlo sa guidance office.

Kinuwelyuhan niya si Allys ngunit hindi man lang ito natakot sa kung ano mang pwedeng maggawa ni Josh sa kaniya.

"Akala ko ba sa'kin ka papanig kaya ako pumayag na sumama ka!" sigaw nito sa harap ng mukha ni Allys. Napabuntong hininga nalang ako at itinapon sa isang tabi ang aking bag.

"Nakita ko ang lahat ng nangyari, hindi ko ugaling magsinungaling." ngumisi lang si Josh at idiniin si Allys sa pader. Bakas ang hirap sa mukha ni Allys ngunit nagpapanggap pa rin itong matapang.

"Tama na yan." sabi ko at mariin na hinawakan ang braso ni Josh na nakahawak kay Allys. Sinubukan ko yung alisin ngunit sadyang mahigpit ang kaniyang paghawak.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now