Chapter 20.2

72 2 0
                                    

Hi I'm back. It's been a long time, I've been trying to write the past weeks but there's no words coming out of my mind--I can't think of any scenes, idk why. Also I've been busy with my studies sorry for the late update.

Still Allysha Nate's POV!

"Allys, buti naman at nakita kita. Kanina ko pa hinahanap si Beatrice, nakita mo ba?" Tanong ni Olivia sa'kin na ikinailing ko lang.

"Hindi eh, kanina pa nga kami andito kasi hinihintay ko na tawagin ang sa Battle of the Bands kaso wala yung President at Vice Pres namin." reklamo ko at tumingin kay Min na nasa tabi ko na naglalaro ng Uno kasama ang iba pang kaklase namin.

Napalingon siya sa'kin at nagtatanong na tiningnan ako, napa-iling lang ako at nagpatuloy naman siya sa paglaro.

"Yung sa Battle of the Bands ni-resched nila bukas. Wala bang nakapagsabi sa'yo?" Umiling lang ako sa tanong ni Olivia at nagpaalam na siyang umalis kasi hahanapin niya pa raw sina Beatrice at Fleury.

I heaved a deep sigh, Min looks at me with her questioning look. I rest my head on her shoulders and didn't utter a word.

"May problema ba, Allys?" malambing at mahinang tanong ni Min sa'kin.

"Wala, akala ko kasi ngayon ang battle of the bands. Bukas pa pala." mahinang sabi ko sa kaniya.

"Sayang naman...pero ayos lang yun." Hindi ko narinig ng maayos ang kaniyang sinabi dahil may tatlong mga lalaki ang naglakad palapit sa amin...palapit kay Min.

"Hi Ms. dancer, kanina ka pa namin hinahanap. Nag lunch ka na ba? Libre ka namin." Napaismid lang ako sa sinabi ng lalaki.

"Oh by the way, I'm Keith, but you can call me love." Kindat niya kay Min. Tiningnan ko ang kaniyang bawat galaw at napangisi ng makitang hindi siya interesado sa lalaki at nagpatuloy lang sa paglaro.

"Um, Miss, pwede bang lumayo ka muna kasi kinakausap ko pa itong kaibigan mo?" pagbaling niya sa akin na ikina-kunot ng noo ko.

Hindi ko siya sinunod at mas idinikit ang aking katawan kay Min.

'Back off, tangina mo, akin to eh maghanap ka ng iba diyan.'

"Bingi ka ba? Hindi mo ba ako narinig?" tanong niya sa akin na may bahid ng inis.

Tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ng mahigpit ni Min ang aking kamay habang ang isa niya pang kamay ay hawak ang kaniyang UNO cards.

"Dito ka lang." mahinang sabi niya sa akin na ikinangiti ko.

"Pwede ba? Hindi ako interesado sa'yo kaya umalis ka na, hindi mo ba nakikitang busy kami?" Naiinis na tanong ni Min. Ikinagat ko nalang ang aking ibabang labi para hindi matawa dahil pahiyang pahiya ang Keith.

Namumula na ang kaniyang mukha at nanlilisik ang kaniyang mga mata. Puno ito ng galit ngunit binalewala lang ito ni Min at wala man lang kahit konting takot ang nararamdaman niya sa lalaki...o baka marunong lang talaga siyang magtago.

"Arte neto hindi naman maganda, 'wag na yan pre iba nalang." kumunot ang aking noo ng marinig ko ang sinabi ng kasama nung 'Keith'.

"Oo nga pre, magaling lang yan sumayaw pero hindi maganda. Tara na," sabi pa nung isa.

"Uno." chill na sabi ni Min saka binalingan ng tingin ang tatlong lalaki na hindi pa umaalis. Tumayo siya para magpantay ang tingin nila nung lalaki.

"Tss, hindi naman gwapo." mahinang sabi niya sapat lang na marinig naming lahat na nandito.

"Anong sabi mo?" galit na tanong ng lalaki. Mabilis akong tumayo ng makitang inambaan niya ng suntok si Min.

Kita kong napangisi lang si Min at hindi man lang umilag.

Amor Vincit Omnia: Loving Allys DiazWhere stories live. Discover now