Chapter 1: Scars of the Past

4 0 0
                                    

Zette' P.O.V.

"Ma oh si ate!" Sumbong ko kay mama habang kumakain kami sa mesa kasama si papa. Kumpleto kami ngayon kaya makikita ang makulay at maingay na pagsasalu-salo namin.

Linggo kasi ngayon at balak namin lumabas upang manood ng sine. Ito ang palagi naming bonding ng family ko tuwing sasapit ang linggo.

"Teka anong nangyayari? Nasaan ako?" Sa di ko malamang dahilan nakita ko nalang na maraming dugo sa mga kamay ko. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.

"Aray." Sabi ko sa sarili ko at tinignan muli ang mga kamay kong napuno na ng dugo matapos kong hawakan ang ulo ko.

"Nasaan sila?" Kahit nahihilo ay hinanap ng mga mata ko sila mama, papa at ate hanggang sa makita ko na katabi ko sila at wala ring mga malay. Puno ng dugo ang kanilang mga damit at may agos ng dugo sa kanilang mga mukha.

Nasilip ko bigla si ate na katabi ko ngayon at may-

"Ate!" Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko at nahulog sa sahig.

"Napanaginipan ko na naman." Bulong ko sa sarili ko at tumayo ako sa pagkakasalpak ko sa sahig at naupo sa kama.

Tiniklop ko ang mga binti ko, ginamit ko ito bilang panakip sa mukha kong nakayuko na.

"Bakit mo ko iniwan ate?" At tuluyan ng umagos ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan at tila ayaw nitong tumigil.

Ilang minuto na akong umiiyak ng makarinig ako ng pagkatok sa labas ng kwarto ko.

"Anak, ayos ka lamang ba?" Wika ni mama na nasa labas ng silid ko. Marahil ay narinig niya ang pag kalabog ng sahig.

"Opo Ma, ayos lang ako!" Sambit ko kay mama at pinunasan kong muli ang aking mga luha. Pero ilang saglit lang ay bumukas ang pintuan ng silid ko at pumasok si mama. Gamit-gamit ang kanyang wheelchair kung saan siya nakaupo ay lumapit ito sa akin.

"Sinasabi ko na nga ba." Mahinahong wika ni mama at gamit ang kanyang kamay ay pinunasan niya ang mga pisngi ko na may bahid ng luha.

"Ma... Napana..ginipan ko na naman si ate." Utal kong tugon sa kanya at tumulo muli ang aking mga luha.

"Sshh... alam kong mahirap anak pero kailangan mong maging matatag." Sambit ni mama sa akin at muli niyang pinunasan ang luha na dumaloy sa mga pisngi ko.

"Maligo ka na at magbihis dahil pupunta tayo sa sementeryo. Ikalawang taon na ng pagkamatay ng ate mo." tipid na ngiti ni mama at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.

Pagtapos ay tumayo na ako upang maghanda.

Cemetery

"Anak, pasensya ka na kung ngayon lang kami nakadalaw sayo ng kumpleto." Sabi ni mama sa harap ng puntod ni ate habang nangingilid ang mga luha nito. Si papa naman ay gaya ng dati, tahimik pa rin.

"Ate... ikaw na ang bahala kayla mama at papa ah. Lagi mo silang babantayan. Huwag kang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko." Wika ko sa aking sarili at ngumiti na akala mo ay makikita ni ate ang pag ngiti ko.

Dalawang taon na ang nakakalipas magmula ng maaksidente ang sasakyan namin. Lulan nito sila mama, papa, ate at ako.
Sa aming dalawa, si Ate Ria ang pinaka paborito ni papa. Bukod sa matalino ito ay lahat ng inuutos ni papa ay sumusunod ito.
Pero magmula ng mawala si ate ay mistulang hangin nalang ako sa paligid dahil hindi ako kayang tignan ni papa sa mga mata. Di gaya noong bata pa ako na hilig niya akong kargahin at sorpresahin.

"Pa, Ma, una na po ako sa sasakyan." Wika ko kayla papa at mama na hanggang ngayon ay nakatitig sa puntod ni ate Ria.

"O sige anak, intayin mo nalang kami ng papa mo sa loob ng kotse." Tugon ni mama at pinisil ang kamay ko bago ibinalik ang tingin sa puntod ni ate. Habang si papa ay tumango lang sa akin at binaling na ang tingin sa puntod ni ate habang hinihimas-himas ang likod ni mama.

The RemnantWhere stories live. Discover now