Chapter 19: Doubt

2 0 0
                                    

Pagdating namin sa bahay ni Sunshine ay pumasok agad kami at pumunta ng sala. Nakita ko sila Mama, Tita Scarlet at si Cyle na para bang may pinag-uusapan.

Tanya' P.O.V.

Habang nag-uusap kami nila Scarlet at ng kanyang panganay na anak na si Cyle ay biglang dumating sila Sunshine at ang anak kong si Zette.

"We need to talk." Pagkasabi ni Sunshine ay naintindihan namin agad ang gusto niyang iparating.

"Tita, people of Truime Real are already here. They want ate Z to come with them. Pero don't worry po dahil nagawan ko na ng paraan." Pagkatapos sabihin ni Sunshine ay tinignan ko ang anak kong gulat na gulat sa mga narinig.

"Pero bakit siya kailangan ng Truime Real? Anong balak nilang gawin sa anak ko?" Bulong ko sa aking isipan at kinuyom ang aking mga kamay. Naramdaman ko naman ang pag hawak ni Scarlet sa kamay ko. Tumango ako sa kanya at saka nag buntong hininga.

Zette' P.O.V.

"Anak may kailangan kang malaman." Wika ni Mama pagkatapos niyang bumuntong-hininga.

"Ano po iyon, Ma?" Kabado kong tanong kay mama dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na ganito siya ka-seryoso.

"Alam kong kahit na-ikwento ko na ang tungkol sa powers na meron ang family natin at kayla tita Scarlet mo ay naguguluhan ka parin. Pero gusto namin sayong sabihin na ang Truime Real ay isang delikadong organization." Panimulang pagpapaliwanag ni mama sa akin.

"Sino po ba sila at bakit nila ako gustong makuha?" Tanong ko kay mama. Kahit na hindi ko pa rin alam ang dapat gawin sa powers ko at kung paano ko sasabihin kay mama na mukhang naipasa sa akin ang powers na dapat si Ate Ria ang nangangalaga.

"Iyon ang kailangan natin malaman, anak. Hindi pa ako sigurado pero may kutob ako na balak ka nilang gamitin sa project na matagal na nilang gustong i-push noon pa man, pero ang pamilya natin at ang pamilya ng tita Scarlet mo na siyang taga pangalaga ng kapangyarihan na taglay ng ating mga pamilya ang siyang humahadlang sa kanila." Tugon ni mama at sabay na nalungkot. Alam ko naman na nag-aalala si mama sa akin pero ayoko na maging pabigat.

"Gusto ko pong matuto ng self-defense." Pagkasabi ko non ay nakita ko ang gulat sa mukha ni mama.

"Ngunit anak, hindi basta-basta ang Truime Real. Hindi ako makakapayag na may mangyari sayong masama." Tugon ni mama sabay pisil sa mga kamay ko.

"Don't worry tita, ako na po ang bahala - I mean kami na po ang bahala ni Shine kay Omber." Tugon ni Cyle kay mama. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nakatitig siya sa akin. Tumingin ako sa gawi niya pero umiwas siya ng tingin at nakita kong tinutusok ni Shine sa tagiliran ang kuya niya habang naka ngisi.

"Kuya Cyle is right, tita. Kami na po ang bahala kay ate. Okay lang naman sa'yo, di ba ate Z?" Pagkabanggit ni Sunshine sa pangalan ko ay napansin kong nakatitig pala ako kay Cyle. Ano bang ginagawa ko.

"Ha? - Of course, Shine." Maiksing sagot ko nalang kay Sunshine at tumingin ulit kay mama ng makaiwas ako ng tingin kay Cyle.

"Ang weird lang, kasi ako ang nagsabing layuan niya ako pero bakit para atang may mali?" Wika ko sa aking isipan at napa buntong-hininga nalang ako.

"Sigurado ka ba anak na gusto mong matuto? Hindi lang self-defense ang kailangan mong matutunan. Kailangan mo din ng kapangyarihan at yun ang -" Hindi na naituloy ni Mama ang sinasabi niya dahil bigla nalang siyang natahimik at bakas sa kanyang mukha ang lungkot at pag-aalala.

"Ma, sigurado po ako. Isa pa, ayoko naman na maging pabigat lang kayla Shine. At gusto kong madiskubre kung paano ako nagkaroon ng kapangyarihan bago ko sa'yo sabihin, Ma." Tugon ko kay mama habang pabulong ang huli kong mga sinabi. Ayoko munang sabihin sa kanya hangga't hindi pa ako sigurado kung paano iyon nangyari.

The RemnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon