Chapter 12: Another One?

0 0 0
                                    

"Sorry, hindi ko sinasadya. Ayos ka lamang ba?" Tanong ko sa nakatalikod na babaeng nabangga ko. Napaupo kasi siya sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pagka bangga ko.

"Halika, tutulungan na kita." Pagkasabi ko non ay hinawakan ko siya sa braso at akmang aalalayan ng ma out of balance siya kaya napahawak siya sa kamay ko. Di ko alam na dumampi ang mga daliri namin sa isa't isa. Nalaman ko nalang iyon ng pagharap niya sa akin.

"Ate Z? Ayos ka lang. Sorry di ko sinasadyang humarang sa daan." Nakita ko na si Sunshine pala ang nakabangga ko. Pero hindi ako nakasagot dahil bigla na naman akong napatulala sa nakita ko.

"Bakit ganon? At bakit kakaiba rin ang nasa ulo niya?" Tanong ko sa aking isipan habang nakatulala pa rin sa ibabaw ng ulo niya.

"Ate Z? Ayos ka lang po?" Tugon ni Sunshine sa akin at sabay yugyog kaya bumalik ako sa ulirat. Unti-unti kong nakita na naglaho na parang bula ang nakalagay sa ibabaw ng ulo niya. Pero bakit ganoon ang lumabas?

"Ibig bang sabihin na ganoon siya katagal mabubuhay?" Bulong ko sa aking isipan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ibig bang sabihin na ganoon siya katagal mabubuhay?" Bulong ko sa aking isipan. Niyugyog muli ako ni Sunshine kaya doon ko lang napansin na natulala na naman pala ako.

"Ate Z, masama po ba ang pakiramdam mo? Kanina ka pa po hindi umiimik at nakatulala diyan. Para bang may nakita ka pong multo." Tanong niya sa akin at sabay hawak ng mahigpit sa braso ko, natawa naman ako bigla sa ginawa niya.

"Ayos, lang ako Shine. Pasensya na may —iniisip lang kasi ako at sorry dahil nabangga kita." Pagpapaliwanag ko sa kanya pero mahigpit pa rin ang kapit niya sa mga braso ko. pff.

"Pero teka, bakit ba nakakapit ka diyan na parang unggoy, Shine?" Tanong ko sabay tawa sa kanya. Napansin niya yung sinabi ko kaya napa bitiw siya sa akin ng kapit pero imbis na mainis sa sinabi ko ay napakamot nalang siya ng ulo.

"Kasi Ate Z kala ko po may nakikita na kayo na hindi ko nakikita." Paliwanag niya na may senyas pa ng kamay para i-demonstrate ung facial reaction niya.

"Hahahaha, wala akong nakikitang multo, Shine. Nakakatuwa ka pala anoh." Tugon ko sabay ngiti sa kanya. Sa mga sandaling iyon nalimutan ko ang mga problema ko.

"Uuwi ka na po ba Ate Z? Sabay na po tayo." Tanong niya at niyaya akong sabayang umuwi. Tumango naman ako bilang tugon. Dalawang minuto lang ang nakalipas ay nakadating din kami agad sa sasakyan niya at sabay na pumasok sa loob ng sasakyan.


Arsel' P.O.V.

"Ganyan ka pala matakot, Zette Omber. Mukhang magiging masaya ang pananatili ko dito. Tama pala na ako ang pinadala nila dahil mag e-enjoy talaga ako." Wika ko sa aking sarili habang naka kibit-balikat at pinagmamasdan ang paglayo niya sa akin.

"Excuse me Mr. Arsel Dane, but I suggest that you stop what are you going to do. Hindi ka magtatagumpay." Mahinahon pero puno ng galit ang boses niya. Kaytagal na rin mula ng huli kaming nagkita. Ayoko man ngunit kailangan kong gawin ang ginawa ko sa kanya.

"It's none of your f*cking business, Ms. Lisa." Saad ko at humarap sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot at galit. Kung ganoon ay hindi pa rin niya ako napapatawad.

"Really?? Ganyan ka ba kasakim, ha? Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago, Mr. Arsel or let me say, Waren Rave. Ang tuta at sunod-sunurang tauhan ng mga Truime Real." Galit na tugon niya. Nakita ko pa ang pag kuyom ng kamao niya tanda na kaya niyang makipag laban ng kahit anong oras.

"Kung wala ka namang magandang sasabihin ay — mauuna na ako sa'yo Ms. Lisa." Pagkasabi ko non ay yumuko ako sa kanya at saka umalis. Masakit man para sa akin pero wala na siyang magagawa, hindi niya mababago ang plano ko.


Ms. Lisa' P.O.V.

Pagkatapos niyang yumuko sa akin ay tuloy-tuloy na siyang naglakad pabalik ng school. Akala ko noong nakita ko siya ay kaya ko ng hindi magalit.

"Kahit kailan ay hindi ka nagbago, Waren. Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo. Bakit ka ganyan? Hindi naman ganyan ang pagkakakilala ko sa iyo. May ginawa ba sila sa'yo?" Paulit-ulit na tugon ko sa aking isipan. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha.

Zette' P.O.V.

"Ate, ikaw ba yan?" Tawag ko kay Ate Ria na ngayon ay katabi ko sa loob ng sasakyan. Masaya kaming nag-uusap na para bang maayos ang lahat.

"Ha? Ano bang klaseng tanong iyan, bunso kong kapatid?" Tanong niya at saka lumingon sa gawi ko. Nakita ko pa ang pag ngiti niya at pag haplos ng mga kamay niya sa mukha ko – na para bang totoo.

Napalingon ako sa labas ng bintana ng kotse ng makita ko ang isang signage na kaparehong-kapareho ng nakita ko noon.

"No... Don't tell me.. No.. No.." Napapautal kong bulong sa aking sarili. Nilingon ko sila Ate Ria, Mama at Papa na masaya pa rin nagkukwentuhan. Kailangan ko silang maligtas.

"Pa! Huwag kang liliko diyan, delikado!" Tawag ko kay papa pero ni hindi man lang ako narinig. Patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.

"Ma! Sabihan mo naman po si papa na huwag doon dumaan o, please." Wika ko kay Mama pero kahit siya ay hindi ako naririnig. Patuloy lang sila na masaya ni Papa na nag-uusap.

"Ate Ria, makinig ka. Please. Lumingon ka sa akin. Ate!" ilang beses ko siyang tinawag pero di niya ako pinansin. Hahawakan ko na sana siya ng tumagos lang ang mga kamay ko sa katawan niya.

"Hindi! Hindi! Hindi! Please, Ate Ria." Sa isang iglap ay lumingon siya sa akin ng nakangiti pero naglaho din ito ng biglang naglakihan ang mga mata ni Ate Ria at niyakap ako ng mahigpit.

Sa isang iglap ay tumilapon ang sasakyan habang lulan-lulan kami nito. Nakita ko nalang na nakataob na ang sasakyan namin at walang malay sila Mama at Papa. Sa gawi ko naman ay nakita kong dumilat pa si Ate Ria at nagsalita.

"Alagaan mo sila Mama at Papa. Huwag mong papabayaan ang sarili mo. Mahal na mahal kita bunso. Heto man ang huli, ngunit lagi mong tatandaan na nasa tabi mo lang ako palagi at hinding-hindi kita iiwan. Nasa puso mo lang ako. I love you, bunso."

"Hindi ate, kaya mo. Please huwag mo akong iiwan. Mabubuhay ka pa mg matagal." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay ngumiti si ate at unti-unting ipinikit ang kanyang mata. Walang tinig na lumabas sa akin. Tila na istatwa ako at panay ang tulo ng aking mga luha. Nilingon ko siyang muli at doon ko lang napagtanto na magkahawak pala kami ng kamay.

"Ate!" Sigaw ko at napabalikwas ako sa sahig. Panaginip na naman pala ng nakaraan. Pero ngayon ko lang naalala ang eksenang iyon.

"Magkahawak pala tayo ng kamay ate, sana hindi ko hinayaang bitawan ka." pagkasabi ko non sa aking sarili ay umupo ako sa gilid ng kama at bumaluktot. Hindi ko na namalayang lumuluha na naman ako. Hindi ko parin matanggap ang nangyari kay ate.

Nang nahimasmasan ako ay umupo ako ng deretso at napa isip.

"Kaya nga pala ako nakatulog ay dahil sa mga gumugulo sa isipan ko." Bulong ko sa aking sarili at umupo sa upuan na katabi ng desk ko.

"Sino sila? At bakit may ganoon silang kakaibang oras sa ulo nila." Tanong ko sa aking isipan. Hindi kasi mawala sa isip ko hanggang ngayon kung bakit ang magkapatid na sina Cyle at Sunshine ay kakaiba ang oras sa ibabaw ng mga ulo nila. Parang may hindi tama sa mga nangyayari.

The RemnantWhere stories live. Discover now