Chapter 13: New Found Friend

0 0 0
                                    

"At bakit ganoon na lamang ang sinabi sa akin ni Sir Arsel? Di ko alam pero ayoko sa presensya niya. Parang ang dami niyang lihim." Wika ko sa aking isipan. Di ko lang akalain na may ganoon palang tao na mahilig makisawsaw kahit na hindi pa naman niya kami lubos na nakakasama.

"Nasaan na kaya si Ms. Lisa? Sana siya nalang ang guro namin. Mas gusto ko pa siya kaysa sa asungot na 'yon." mahinang sabi ko sa aking sarili at muling humiga sa kama. Ilang sandali lang ang nakalipas ay unti-unti na akong nakatulog.


Kinabukasan...

"Nakakatamad naman ngayon na pumasok. Sino na ang kakausapin ko? Panigurado naman akong hindi ako kakausapin ni Cel." Wika ko sa aking isipan at bumuntong hininga. Nasa labas ako ngayon ng aming classroom dahil bigla akong natakot pumasok sa loob.

"Kaya mo 'to Zette Omber!" Wika ko sa aking sarili at huminga ng malalim. Hinawakan ko ang pinto at saka pumasok sa loob.

Nakita ko kaagad si Hacel na napatingin sa akin pero umiwas agad ng tingin. Hindi ko nalang pinansin iyon at yumuko.

"Mabuti na siguro ito. Baka may dahilan siya kung bakit niya iyon sinabi sa akin." Wika ko sa aking isipan habang naglalakad papunta sa upuan ko. Pagkaupo ko ay nakayuko pa rin ako at hindi magawang tumingin sa iba dahil ayokong bigla nalang dumampi ang daliri nila sa daliri ko at makita ang mga oras sa ibabaw ng ulo nila.

Maya-maya pa ay pumasok na ang guro naming si Mr. Arsel Dane. Napa pilatik ako dahil nakita ko na naman ang asungot na ito.

Maya-maya ay sumenyas ito gamit ang kanyang kamay at lahat kami ay napatingin sa pintuan. Lumabas dito ang dalawang tao na hindi pa namin nakikilala.

"Sino po sila Sir Arsel?" Masayang tinig ng isa naming kaklaseng babae na halatang kinikilig pa habang nakatingin sa mga bagong dating.

"Hahahaha, sila ang inyong bagong kaklase. Magpakilala na kayong dalawa." Tawang tugon nung asungot. Tss.

"Hello sa inyong lahat, ako si Pia Wesley. At ako naman si Gio Wesley, we are twins and nice to meet you all." Sabay na pakilala ng dalawang magkapatid. Synchronous talaga, walang duda na magkambal sila. Masaya namang winelcome ng mga kaklase ko ang mga bagong dating naming classmate.

"Salamat sa introduction, you may go now to your seats." Matapos sabihin ni Sir Arsel sa dalawa ay tinuro ang last desk na nasa likuran ng classroom. Tumango naman sila at dumiretso na sa likuran.

Trenta minuto palang ang nakakalipas ngunit hindi ko na maatim ang pagmumukha ng asungot na 'to.
Alam kong guro namin siya pero, I really don't like his presence. May bumabagabag sa isipan ko na huwag akong papadala sa panlabas niyang anyo.

"Ms. Omber! Are you listening to our discussion?" Biglang tawag sa akin ni Sir Arsel kaya sa gulat ko ay napatayo ako.

"Po?" Taka kong tugon sa sinabi niya. Di ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya, shemas.

"It looks like you didn't listen at all. In that case, I'll assign you to partner with the twins, since you are the only one who doesn't have a partner in the project I gave a while ago. Am I clear?" Wika niya sabay titig sa aking mata at nag kibit-balikat.

"–Yes, Sir." Pautal kong sagot at sabay na napalingon sa likuran ng classroom para tignan ang reaction ng mag kambal.

Si Pia Wesley, tahimik lang na nakaupo habang nagsusulat at si Gio Wesley naman ay malapad ang ngiti ng nagtagpo ang tingin namin sa isa't isa. After ko silang tignan ay bumalik na ako sa pagkakaupo at sabay na tumunog ang bell, sign na oras na ng uwian.

"Zette, usap tayo bukas ha." Wika ni Rusca at sabay na lumabas ng classroom, mukhang nagmamadali at may practice. Hindi ko na siya natanong kung bakit kami dapat mag-usap.

"Well... Well... Well... Tignan niyo kung sino ang walang ka partner." pang-aasar na tono ni Wincy. Ugh, ang bitchesang 'to sarap sabunutan.

"Sino naman nagsabi sayo na wala akong partner?" Tugon ko kay Wincy habang nakataas ang isa kong kilay. Akala niya siya lang ang marunong mang inis. Tss.

"Oo nga naman, Win. Di ba sabi ni Sir –" hindi na natuloy ni Desa Mae ang sasabihin niya dahil kinurot siya ni Wincy sa braso. Napaka maldita talaga.

"Aray... " Mahinang tugon ni Desa Mae at saka napayuko. Wala naman siyang magawa dahil kaibigan ang turing niya sa bichesang babaita na ito.

"Ako ang nagsabi dahil umalis sila ng hindi ka man lang kina–" Hindi niya natapos ang gusto niyang ipamukha sa akin dahil nanlaki ang mga mata niya na para bang nakakita ng multo.

"Sino naman ang nagsabi sa'yo na walang partner si Ms. Zette?" Tugon ng boses ng lalaki kaya napalingon ako upang tignan kung sino ang nagsalita. Si Gio Wesley.

"But you are really –" Nahinto na naman sa pagsasalita si Wincy ng bigla naman sumingit si Pia Wesley.

"Oh shut the f*ck up, b*tch! Nakakairita ang tono ng boses mo. Mabuti pang mag-aral ka nalang ng mabuti ng hindi puro ganda ang meron ka." Masungit at galit na tugon ni Pia kay Wincy. Nakita ko sa mukha niya ang pagkahiya kaya mabilis itong lumabas ng classroom ng hindi man lang hinintay ang friend niya.

"Uy sandali lang Win!" Wika ni Desa at sabay takbo palabas ng classroom para habulin ang kaibigan niya.

"Ayos ka lang ba Ms. Zette?" Wika ni Gio pagkatapos namin maiwan sa loob ng classroom. Nakita ko si Pia na nakakunot ang noo kaya sinagot ko agad si Gio.

"Ah, oo ayos lang ako. Salamat pala kanina. Saka pwede niyo na akong iwan dahil alam kong may gagawin pa kayo." Tugon ko at nginitian si Gio. Alam ko kasing di naman nila ako kilala para ipagtanggol kung kani-kanino.

"Ano ka ba naman Ms. Zette, sino ba nagsabing may gagawin kami after dito? Wala naman eh, di ba Sis." Wika ni Gio sabay akbay sa kakambal niya. Tahimik pa rin si Pia kaya bumitaw na agad si Gio sa pagkaka akbay niya.

"Can we go now? Need na natin simulan ang pag-uusap para sa project kaya need mo pa rin sumama sa amin, Omber." Walang ganang sagot ni Pia at saka tumalikod sa amin ni Gio.

"Tama si Sis! Tara na Ms. Zette!" Pag-aya ni Gio sabay hila sa kamay ko. Sa gulat ko ay nagpahatak naman ako sa kanya.

Limampung minuto na kaming tahimik na naglalakad ng mapansin kong hawak-hawak pa rin pala ako sa kamay ni Gio kaya sa gulat ay mabilis kong hinila ang kamay ko dahil ayokong makakita ng oras sa ibabaw ng ulo ng tao.

"Ayos ka lang ba, Ms. Zette?" Tanong ni Gio na mukhang nag-alala dahil bigla akong bumitiw sa pagkakahawak niya sa akin.

"Oo ayos lang ako." Tipid kong sagot at sabay na nginitian siya. Makabawi man lang sa weird na ginawa ko.

"Tara –" bago pa tapusin ni Gio ang sasabihin niya at balak na hawakan muli ako sa kamay ay nagsalita ako.

"Sige sasabayan ko naman kayong maglakad, di mo na ako kailangan hawakan." Ilang kong sagot sa kanya at mukha naman niyang na gets kaya hindi na niya ako hinawakan. Nakita ko naman sa peripheral vision ko si Pia na nakatitig sa akin.

"Ang weird, di ko sila kilala pareho kaya naiilang akong kausapin sila. Isa pa never na may lumapit sa akin na una para makipag-usap. Kadalasan kasi na palagi akong mag-isa not until Cel came and ask to be my friend, but now she doesn't want me as her friend." Wika ko sa aking isipan. Napa buntong-hininga ako dahil sa dami ng nadidiskubre ko at sa biglang pag takwil ni Cel sa akin bilang kaibigan niya.

"Uhm... Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Gio dahil napansin ko na halos isa't kalahating oras na pala kaming naglalakad. Malayo na kami sa school at ung dinaanan namin ay hindi pamilyar sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Huwag kang mag-alala Ms. Zette. You are safe with us."

The RemnantWhere stories live. Discover now