Chapter 5: Old Friend

0 0 0
                                    

Tanya' P.O.V.

Nasa park ako ngayon, 5km away sa bahay namin. Mag-isa akong pumunta sa park gamit-gamit ang high-tech wheelchair na innovated ng asawa ko.

"Anak.. Ria..." Tumingin ako sa kalangitan na para bang kaharap ko ang anak ko at nakakausap siya.

"Tulungan mo ako na bantayan ang kapatid mo ah, di ko kayang mawala pati siya." Bulong kong sabi sa isipan ko habang nakatingala pa rin at umaagos ang luha.

"Alam kong biglaan pero sana pagdating ng panahon ay maintindihan din ni Zette ang mga bagay-bagay." Wika ko sa aking isipan at ngumiti. Pagyuko ko ng ulo ko ay tumulo na naman ang aking mga luha.

"Ta-nya?" Biglang tawag sa akin ng boses ng babae kaya napa lingon ako sa gawi niya at naanigan ko kung sino siya.

"Scarlet?" Tawag ko sa pangalan ng babae sa harap ko. Matagal narin ng huli naming pagkikita. Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon pa kami muli magtatagpo. Pero kahit na matagal kaming walang communications ay ramdam kong pareho pa rin kami ng turing sa isa't-isa.

"Kamusta ka na?" Bungad niyang tugon sa akin saka umupo sa bench na katabi ng wheelchair na kinauupuan ko. Di pa rin siya nagbabago.

"Heto mabuti naman." Tipid kong sagot sa kanya saka ngumiti. Pero imbis na tumango ay nag kibit-balikat lamang ito at tumingin sa aking mga mata.

"Yung totoo, Bes? Obvious naman na you're not okay pero sinasabi mo pa rin na okay ka. Pff." Tugon niya sabay tumawa ng mahina at tumingin muli sa akin na halatang iniintay ang isasagot ko. Huminga muna ako ng malalim at saka nag umpisang magkwento.

"Ang totoo niyan, 5 days ago is my daughter's 2nd death anniversary, si Ria." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya nung inumpisahan ko ang kwento. Simula don ay ipinagpatuloy ko ang pagkukwento sa mga nangyari sa akin. Nakinig lang siya hanggang sa matapos ako.

"You're brave and tough, Bes. And I'm sorry for your loss." Sambit niya saka ako niyakap ng mahigpit. To be honest ito ang unang pagkakataon na nakapag kwento ako sa bestfriend ko. Sa tagal naming hindi nagkita, gaya pa rin kami ng dati.

"Pero maiba tayo, Bes. Kamusta naman ang bunso mo? Si Zette? Huling kita ko sa bulinggit na 'yon nasa 7 years old palang siya." Masayang tugon sa akin ni Scarlet at sabay tapik sa braso ko. Iba talaga nagagawa ng babaeng ito sa akin, napapagaan niya ang kalooban ko.

"Ayun Bes, dalaga na. Nag-aaral siya ngayon sa Achievers Senior High School. Ikaw ba Bes, kamusta na yung sila Cyle at Shine?" Sagot ko sa tanong niya at ngumiti sa akin. Bakit kaya siya napa ngiti? Pff.

"Naku Bes! Magandang sign yan." Sabi niya sabay tumawa ng mahinhin. Alam kong kapag ganito ang tawa niya may kalokohan siyang naiisip o kaya naman kinikilig.

"Magandang sign saan, Bes?" Takang tanong ko kahit alam ko na kung ano ang posible niyang sabihin.

"Bes naman parang slow. Si Cyle at si Zette di ba magkasing edad sila?" Sambit niya sabay ngiti ng makahulugan habang pangisi-ngisi.

"Here we go again. The typical Scarlet Persy." Bulong ko sa isipan ko at saka ako pumiltik at tinawanan siya.

"Ikaw talaga Bes puro ka kalokohan ano." Tugon ko at saka siya tinapik sa braso. Pero nakita kong seryoso siya sa sinasabi niya.

"Bes, seryoso ako noh. They are old enough already para maging mag boyfriend and mag girlfriend. Besides magkaibigan naman ang mga parents nila which is tayo kaya ano pa bang masama dun?" Makahulugan niyang paliwanag at saka kumindat sa akin. Pff, ewan ko ba sa isang 'to laging nag-aala Match Maker.

"Scarlet, hayaan natin sila kung sino ang gusto nilang mahalin. Hindi natin pwedeng diktahan ang puso nila na mahalin ang isa't isa kung hindi naman talaga, di ba. Saka mas mabuti kung natural ang pag bloom ng feelings nila kesa pilitin sa hindi nila gusto." Tugon ko sa kanya na sinabi ko pa ang pangalan niya para mapakita na seryoso ako sa sinabi ko at saka pinisil ang kamay niya.

"You're right." Sabi niya at nag buntong-hininga bago ulit nagsalita.

"But, di naman ibigsabihin na hindi natin sila ipakikilala sa isa't isa. Lalo na at nagkita tayong muli." Sambit niya at sabay na ngumiti sa akin. Tinanguan ko siya bilang tugon at nginitian siya.

"Naalala mo ba noong bata pa sila?" Wika ni Scarlet matapos sumandal sa inuupuan niyang bench at tumingala sa langit. Tumingala din ako sa langit at pumikit. Bumalik bigla ang isang alaala ng nakaraan.


Young Zette' P.O.V.

"Mama uwi na po tayo." Wika sa akin ng bunso kong anak na halatang kakagaling lang sa iyak.

"Bakit anak, may nangyari ba? Bakit ka umiiyak?" Tugon ko sa anak ko at hinawakan ang magkabilang pisngi at saka pinunasan ang mga luhang patuloy ang pag-agos.

"Eh kasi ma-ma, ka-si... " hindi niya naituloy yung sasabihin niya ng dumating ang cute at palangiting si Cyle. Lumapit siya kay Zette para aluin pero hinawi nito ang kamay niya.

"Hu-wag mo akong hawakan!" Utal at pangiyak-ngiyak niyang tugon kay Cyle.

"Zette, anak. Hindi tama iyan. Mag sorry ka kay Cyle." Saway ko sa anak ko habang hawak siya sa kanyang kamay.

"Ayoko po mama... Hindi ko siya bati!" Sagot niya sabay talikod kay Cyle. Nakita ko nalang na napakamot sa ulo si Cyle at saka nagsalita.

"Sorry na Zette. Di ko naman sinasadya. Bati na tayo." Pang-aalo niya sa anak ko sabay inabot ang kanyang blue handkershief.

"Ayoko, di kita bati! Saka... Saka, para saan yan?" Pagalit pero takang wika ng anak ko kay Cyle sabay tinuro ang panyong hawak nito.

"Ah.. Eh.. Gamitin mo muna, pamunas ng luha mo. Saka mas cute ka Zette kapag naka ngiti." Tugon ni Cyle sa anak ko at sa di ko inaasahan ay kinuha niya ang panyo nito at pinunasan ang mga luha. Nagyakapan sila upang humingi ng tawad sa isa't isa at muling bumalik sa paglalaro.

Bumalik ako sa kasalukuyan ng tawagin ako ni Scarlet.

"Ang sayang balikan, Bes noh. Dati mga bata lang sila na masayang naglalaro pero ngayon iba na." Wika niya sa akin at sabay ngiti. Pero sa ngiting yon ramdam ko na may lungkot siyang itinatago.

"Tama ka, Bes. Masaya nga." Tugon ko at tumango sa kanya. Hinayaan ko nalang muna na di siya magkwento dahil alam ko naman na siya mismo ang magsasabi sa akin kapag ready na siya ipaalam.

"Saan ka ba nakatira? Hatid na kita Bes." Wika niyang muli at tumayo na sa kinauupuan niya.

"Naku Bes, 'wag na. Diyan lang naman ako nakatira. Kaya ko na ito." Tugon ko pero bigla niyang hinawakan ang hawakan ng wheel chair ko at ngumiti.

"I insist, Bes. Saka gusto ko rin makita si Paulo." Wika niya at tumango nalang ako. Wala na rin naman akong magagawa kung gusto niya. Saka ayos lang din naman sa akin para makapag kwentuhan pa kami ng mas mahaba.

Hacel' P.O.V.

After tumakbo ni Zette palayo kay Cyle ay hinabol ko ang bestfriend ko upang damayan. Pero hindi ko na siya naabutan.

"Bakit ba kasi ang bilis non tumakbo? Di naman siya athlete." Hingal kong bulong sa isipan ko habang nasa may corridor ako. Ng biglang may nagsalita sa likuran ko.

"Are you looking for Zette Omber?" Sambit ng isang lalaking ngayon ko lang nakita dito sa school. Saka paano niya kilala si Zette?

"Ah –oo." Tipid kong sagot sa kanya at ngumiti siya sa akin ng bahagya bago nagsalita muli.

"Nakaalis na siya ng school. Nagmamadali nga eh. Alam mo ba kung ano nangyari sa kanya? Mukha din kasi siyang galing sa pag-iyak." Wika niya sabay nalungkot ng bahagya ang mukha.

"Ang creepy niya! Bakit ba ang dami niyang tanong? Sino ba siya sa akala niya? Makapagsalita kala mo kung sinong close." Tanong ko sa aking isipan habang nakatitig ako ng deretso sa kanya.

"Sige salamat." Yun nalang ang sinabi ko at lumayo na kaagad sa kanya. Ayoko na siyang makausap pa dahil hindi maganda ang kutob ko sa lalaking yon.

"Ano ba kasing nangyari, Zette?" Bulong ko sa aking isipan habang naglalakad papalabas ng gate. Kakamustahin ko nalang siya bukas.

The RemnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon