Chapter 14: Occurrence

0 0 0
                                    

Pagkatapos sabihin iyon ni Gio ay tila nawala ang kaba ko. Anong nangyari?

"We're here na." Ngiting wika ni Gio at lumibot naman ang mata ko sa paligid. Nasa isang ancestral house kami, makaluma ang design nito pero alagang-alaga pa rin.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tugon ko dahil hindi ko talaga alam kung ano ang ginagawa namin sa lugar na 'to. Biglang tumayo ang mga balahibo ko ng dumaan ang malakas na hangin.

"Hindi mo pala talaga narinig ang sinabi ni Sir Arsel about sa project natin Ms. Zette?" Kunwaring gulat na tanong ni Gio sa akin at sabay ngiti ng malapad. Bakit ba ko tinatawag nitong miss?

"Pwede bang huwag mo na akong tawaging Miss? Zette nalang." Pataray kong tugon kay Gio dahil hindi na ako komportable sa mga ikinikilos niya. Isa pa kanina lang naman kami nagkakilala.

"Eeeeeh! Bakit naman Ms. Zette? Ang ganda-ganda isama yung Miss sa pangalan mo. Tatawagin pa rin kita na Miss, ha." Malakas niyang tugon sabay ngiti sa akin ng malapad. Tss, wala na akong nagawa dahil talong-talo ako sa energy niya, isa pa wala naman siguro masama na ganun ang itawag niya sa akin kaysa naman sa apelyido niya ako tawagin.

"Bahala ka na nga." Tugon ko sabay nag kibit-balikat. Nakita ko na mas lumapad ang ngiti niya habang si Pia ay tahimik pa rin. Ibang-iba sa kakambal niyang ubod ng daldal.

"Alam mo Gio, bakit daig mo pa ang babaeng dada ng dada? Tignan mo si Pia, tahimik lang." Wika ko sabay nguso sa kakambal niya na nakatitig sa phone. Nakita ko sa peripheral view ko na napa ngisi si Pia, narinig niya kaya ang sinabi ko?

"Sus, mas okay ng ganito Ms. Zette, kesa diyan sa kakambal kong kulang sa social skills." Tugon niya sa sinabi ko sabay halakhak ng malakas. Nagulat nalang ako ng biglang binatukan ni Pia sa ulo si Gio.

"Aray! - I mean, aray, ang sakit naman non Sis." Tugon ni Gio sa kakambal niya sabay napakamot sa batok. Mukhang takot siya kay Pia.

"Gio, matanong ko lang. Ilang -" Di ko na natuloy yung itatanong ko ng makarinig kami ng malalakas na yabag. Nasa loob na kasi kami nung ancestral house habang nag-uusap kaya nagulat kami na may malakas na tunog na nagmumula sa loob nito.

"Diyan ka lang." Utos ni Pia na siya namang tinanguan ko. Di ko alam kung bakit pero mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil iniwan nila ako mag-isa sa 2nd floor ng ancestral house na ito. Medyo madilim na kasi halos pagabi na kami ng makapunta kami dito.

Labing tatlong minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin sila. Kaya nag desisyon akong umalis sa pwesto ko upang hanapin sila.

"Gio! Pia! Nasaan na ba kayo? Huwag niyo kong bibiruin ng ganito ah, hindi nakakatuwa!" Pagtawag ko sa pangalan nila na kunwari ay galit ako pero kahit isa sa kanila ay walang sumasagot.

Nakarinig ako ng mga yabag kaya napahinto ako sa paglalakad ko. Nasa hagdan ako ngayon at bumababa. Sinilip ko ang paligid pero wala akong makita kahit anino.

Nagpatuloy ako ng pagbaba ng makarinig ako muli ng malakas na yabag kaya huminto ako at nagsalita.

"Kung sino ka man hindi ako natatakot sayo!" Wika ko pero walang sumagot sa sinabi ko kaya tinawag ko muli ang mag-kambal.

"Gio! Pia! Hindi na nakakatuwa ah, magpakita na kayo." Tawag ko sa mga pangalan nila pero wala talagang sumasagot.

Mga ilang sandali ay may sinag ng liwanag ng buwan na lumabas sa nakabukas na bintana at tumapat ito sa aking harapan haggang sa kabilang dulo.

Nang may biglang anino akong nakita na hahampas sa akin, ngunit pag lingon ko ay hindi ko namalayang tinamaan na ako ng matigas na bagay sa ulo at nawalan ng malay.

The RemnantWhere stories live. Discover now