Chapter 17: The Organization

0 0 0
                                    

Unknown Person' P.O.V.

"Sigurado ba kayo na siya ang hinahanap natin?" Tanong ko sa board of directors na kasama ko. Hindi ko malaman kung tama ba na ganoon karami ang ipadala nila para bantayan at soon maisama ang dalagang iyon dito sa Truime Real. Gaano ba sila kasigurado na siya nga ang matagal na naming hinahanap?

"Huwag kang exagge. Siya ang matagal na nating hinahanap dahil naramdaman ko ang lakas ng kapangyarihan na nagmumula sa kanya nung una kaming magkita." Inis na tugon ni Waren sa akin sabay ngisi. Alam niya kasi na nag o-over think ako sa mga bagay-bagay.

"Fine! Eh di ikaw na ang nakakita. Bakit ba kasi hinayaan niyong makatakas yung babaita na 'yon?" Inis kong tugon kay Waren at sabay na nag kibit-balikat. Sa dami kasi ng pwedeng maging pagkakamali eh yun pang may nakatakas sa kanila.

"Tss. Huwag mo sa akin ibunton ang inis mo. Doon ka magalit sa mga walang kwentang tauhan na ipinasama sa akin. Kung ako nalang kasi ang nagbatay sigurado ako na hindi siya makakaalis. Hindi nga niya alam kung paano gamitin ang kapangyarihan niya." Inis at payabang na sagot niya sa akin. Alam ko naman na Waren's capabilities are one of a kind. Walang kayang tumapat sa galing niya maliban sa mga kagaya niya rin na tulad ko na may mataas na position dito sa Truime Real.

"Sus, umandar na naman ang kayabangan mo. Eh kung hindi ka ba naman din inutil at hindi mo iniwan lang ung babaita na iyon sa mga walang kwentang tauhan mo eh di sana nandito na siya, di ba?" Pang iinis kong tugon sa kanya. Sarap niyang bwisitin lalo na kapag may kapalpakan ang tauhan niya, pff.

"Nang-iinis ka ba talaga?" Wika ni Waren at ginamitan na naman ako ng death stare. Pff, as if naman matatakot ako don, duh! Mas scary kaya ang power niya, if he knows.

"Nang-iinis ka ba talaga?" Pang gagaya ko sa kanya. Nakita ko na napa ngiti siya sa ginawa ko at hindi nainis. There he is, bumalik na kaagad sa pagiging good mood.

"Kamusta naman ang pagkikita ninyo?" Tanong ko sa kanya dahil alam ko na nagkita sila ng dati niyang kasintahan.

"Wala naman." Tipid niyang sagot. Halatang ayaw mag kwento. Bakit ba kasi mahal niya pa rin ang babae na iyon na wala naman ginawa kung hindi ang saktan ang damdamin niya.

"Anong wala ka diyan. Imposible. Ikaw? Wala naman? Pff, heto piso maghanap ka ng mauuto mo diyan sa mga sinasabi mo ngayon, Waren." Tugon ko sa kanya at kunong may inabot na piso sa kamay niya. Imbis na mainis ay tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko.

"Ang kulit mo." Matapos niya yun sabihin at guluhin muli ang buhok ko ay umalis na siya upang asikasuhin ang mga trainee.

Ganito kami palagi sa organization. Meeting sa umaga every friday at training naman tuwing hapon sa mga matagal na namin trainee at mga bagong recruit.

"Mahal mo pero di ka naman mahal, sakit niyan." Pang-aasar na wika ni Mae habang nasa corridor ako at nakasilip sa bintana kung saan tanaw ko si Waren at ang mga Trainee.

"Very funny, Mae. Mabuti pang tumahimik ka nalang kesa kung anu-ano ang sinasabi mo." Inis kong sabi sa kanya. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit ganito magsalita ang isang 'to.

"What? I am stating a fact, girl. Kaya ayoko ng pagmamahal na iyan. Ikaw lang din ang masasaktan sa huli habang masaya siya sa piling ng iba." Wika ni Mae at saka ako iniwan.

"Anong problema non? Maka hugot akala mo naman may minahal talaga siya. Tss." Inis kong bulong sa aking sarili at muli akong sumilip sa labas ng bintana. Bakit nga ba hindi ko siya magawang kalimutan?

"Kasi mahal mo siya. Ganun lang yun, Ate T." Wika ni Vani na bigla naman sumulpot sa gilid ko. Ano ba 'tong magkapatid na ito. Bigla-bigla nalang sumusulpot.

The RemnantWhere stories live. Discover now