Chapter 21: Truime Real Leaders

0 0 0
                                    

Yuri' P.O.V.

Pagdating ko sa safe house ay nakita kong walang malay si Rian kaya dali-dali ko siyang nilapitan.

"Rian!"

"Rian, gumising ka!" Pagkatapos ko siyang yakapin sa mga bisig ko at tawagin ang kanyang pangalan ay dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.

"Y-uri, ikaw na pala iyan. Pwede mo ba akong dalin sa sofa?" Nanghihinang wika niya sa akin. Mabuti naman at may malay na siya.

"Oo naman." Pagdala ko sa kanya sa sofa ay inihiga ko si Rian at tumabi sa kanya. Umupo ako sa maliit na upuan malapit sa may sofa.

"Tinakot mo ako doon, Rian. Ano ba ang nangyari at nandoon ka sa sulok?" Pagkatanong ko sa kanya nun ay hinawakan niya ang kamay ko for assurance na ayos lang siya.

"Nandito kanina ang anak ni Dr. Paulo. Si Zette Omber." Pagkasabi niya non ay nanlaki ang mga mata ko. Papaano nakarating dito ang anak niya?

"Dinala ko siya dito dahil may gusto akong itanong kaso bago ko pa siya matanong ay bigla akong tumilapon." Napatayo ako dahil sa kwento niya.

"Ano?! Papaano nangyari iyon? At bakit mo siya dinala dito, Rian?" Gulat at may pag-aalalang tugon ko para sa kanya. Hindi ako matatahimik kung may nangyaring masama sa kanya.

"May kung anong malakas na pwersa si Zette Omber kung kaya tumilapon ako. Hindi ko pa maipaliwanag pero hindi birong kalaban ang dalagang iyon, Yuri. Nung ginawa niya iyon sa akin ay naramdaman ko ang umaapaw na enerhiya mula sa kanya na kahit tayong pinaka kinatatakutan at ginagalang sa Truime Real ay walang binatbat." Habang ikinukwento niya iyon ay nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao. Ngayon ko lang nakita sa kanya ang takot kaya alam kong totoo ang mga sinasabi niya.

"Kung ganoon ay kailangan natin mag-ingat at pagplanuhing mabuti ang pagkuha sa kanya." Matapos ko iyon sabihin ay niyakap ko si Rian.

"Pero hindi mo parin sinasagot ang tanong ko, Rian. Bakit mo siya dinala dito ng walang back up from the organization? Kahit na malak-" Hindi ko na naituloy ang itatanong ko ng makitang umiwas na siya ng tingin sa akin. Sa loob ng 2 taong magkasama kami ay kilala ko na si Rian. Alam kong valid ang reason niya.

"Sorry. Kung ayaw mong pag-usapan ay igagalang ko iyon. Magpahinga ka na muna diyan bago tayo bumalik." Wika ko at sabay halik sa noo niya. Ngumiti naman siya sa akin at pabulong na sinabi ang thank you.

"Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi mapahamak si Rian." Wika ko sa aking isipan habang nasa balkonahe ako at pinagmamasdan ang kapaligiran.


Trina' P.O.V.

"Ala singko na ng hapon ngunit wala parin ang dalawang iyon. Nakakapagtaka." Wika ko sa aking isipan.

"Chill, Rina." Wika ni Sian na siyang ikinatingin ko sa kanya at sabay irap.

"Napaka sungit mo talaga, kaya ka walang—" hindi ko na pinatapos yung sinasabi niya dahil nanlilisik yung mga mata kong tumitig sa kanya.

"Hehe, biro lang naman, Rina. Di ka na mabiro. Bakit ba kasi naka busangot ka dyan?" Tugon niya sabay seryosong tanong sakin.

"Paanong hindi ako mabubwisit? Wala pa yung dalawa." Inis kong sagot sabay nag kibit-balikat.

"Pff.. Ingg– I mean, ano ka ba naman, alam mo naman na kapag nandito na yung dalawa eh mabilis na lang naman yung meeting." Tugon ni Sian sa akin sabay ngiti ng nakakainis.

"Alam mo ewan ko sayo! Bakit ko ba nakikita yang pagmumukha mo dito." Wika ko na may paglaki pa ng mga mata kong tumingin sa kanya.

"Eh sino gusto mo makita? Yung kengkoy na iyon? Tss." Sagot niya sabay nagpamulsa. Alam kong nainis na siya dahil sa mga sinabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The RemnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon