Chapter 7: Secrets behind the Untold Truth

0 0 0
                                    

"Anong ibig mong sabihin?" Tugon ko kay Scarlet ng bigla niyang sabihin na posibleng may kapangyarihan pa ako.

"Nahalughog ko ang files ni dad nung aalis kami upang lumipat ng tirahan. Nakita ko ang tungkol sa kapangyarihan ng family natin at ang mga nalaman din nila ukol dito. May nabanggit si dad sa files na may tinatago din si uncle Kurt na files tungkol sa powers ng family niyo." Pagpapaliwanag ni Scarlet. Pero hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

"Kaya nadiskubre ko na matapos kong maisalin ang kapangyarihang Time Extension sa panganay kong anak na si Cyle kahit na nabubuhay pa ako ay nalaman ko rin na may isa pa akong kapangyarihan." Pagpapatuloy ng kwento ni Scarlet habang ako naman ay hindi makapaniwala sa nalalaman ko.

"Papaanong naisalin ang kapangyarihan mo ng -" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko na siyang pinagpatuloy ni Scarlet.

"Ng hindi ako namamatay?" Dugtong niya sa sasabihin ko sana. Imbis makita ang inis ay ngumiti siya sa akin at saka ako hinawakan sa kamay.

"Dahil nalaman ko rin sa files na nakita ko na kapag tumuntong ako sa edad na 40 ay kusang masasalin ang kapangyarihan ko sa panganay kong anak." Paliwanag niya na siya ko namang naintindihan. Ganun pala ang nangyari. Nagkataon lang na maagang binawian ng buhay sila papa at uncle David.

"Ano ang nadiskubre mong kapangyarihan, Bes.?" Tanong ko sa kanya. Tumitig naman siya sa akin at saka nagsalita muli.

"Kaya kong pahintuin ang oras ng trenta minuto. Pero pinag-aaralan ko kung mas mapapatagal ko ang paghinto sa oras." Paliwanag niya sa akin at saka ako hinampas ng mahina sa balikat.

"Para saan yun, Bes? " Inis na tanong ko sa kanya. Bigla ka ba naman kasing hinahampas. Pff.

"Kanina ka pa kasi diyan nakatulala. Ayos ka lang ba?" Tugon niya at saka nag kibit-balikat.

"Ayos lang ako Bes. Nagulat lang ako sa mga nalaman ko." Wika ko at nginitian siya. Tama nga kaya ang sinabi niya na may tinago si papa na hindi ko pa nakikita?

"Kaya Bes, hanapin mo ang tungkol sa bagay na nalaman ni uncle Kurt sa kapangyarihan ng pamilya ninyo. Doon lang natin malalaman ang hakbang na dapat gawin. Alam mo namang maraming sikreto ang mga dad natin, di ba." Wika niya sa akin at siyang pagtango ko.

"Tama ka Bes, kailangan kong gawin ito para sa kaligtasan ng Anak ko. Di natin alam kung anong kapahamakan ang nag babadya sa atin pero kailangan nating maging handa." Tugon ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay tanda na handa na akong hamunin ang kapalaran.

Zette' P.O.V.

Bigla akong nagising dahil sa kalabog na narinig ko.

"Sa atik ba yon?" Bulong ko sa aking sarili ng umupo ako sa aking kama. Di ko namalayan na nakaharap na pala ako sa hagdan papunta ng atik.

Umakyat ako gamit ang nakalalay na hagdanan at binuksan ang ilaw nito. Tumambad sa akin ang mga lumang gamit na nakakalat sa sahig. Halatang pinaglumaan na ng panahon. Pati ang mga gamit ni ate Ria ay dito rin itinago.

"Sino kayang hayop ang nakapasok at nagulo ito ng husto?" Mahina kong tugon sa aking sarili. Nakita kong naka bukas ang maliit na bintana nito kaya isinara ko ito.

"Baka dahil sa hangin?" Bigla kong tugon sa aking sarili dahil nga nakabukas ang bintana. Isa-isa kong pinagpupulot ang mga gamit na nahulog at ibinalik sa tama nitong kahon. Nang may biglang nahulog na isang larawan.

"Sino kaya ang dalawang katabi nila?" Tanong ko sa aking isipan. May apat na tao sa larawan isa na dito sila mama at lolo, isang dalaga na mukhang kasing edad ni mama at isang lalaki na kasing edad siguro ni lolo sa panahon na iyon.

The RemnantWhere stories live. Discover now