Chapter 4: Too Much to Handle

0 0 0
                                    

Zette' P.O.V.

Dumating ang friday at nag simula na kaming mag quiz. Nag focus ako sa pagsagot ng test paper dahil nakapag review naman na ako nung nakaraan pa bago pa may mangyari nitong nakaraang araw lang.
Napalingon ako sa kanan ko dahil sa pabulong na pagtawag ni Rusca sa akin.

"Ano yun, Rus?" Pabulong kong tanong sa kanya." Tinuro niya yung ballpen ko at saka ibinalik ang kamay niya sa test paper niya. At alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Heto oh, sayo na at baka wala ka na naman magamit sa susunod na subject." Sabi ko sa kanya ng mahina at iniabot ang ballpen.

"Thank you, babe." pabulong na pasasalamat ni Rusca at sabay kindat sa akin. Sira ulo talaga. Kung anu-ano nalang ang tinatawag sa akin. Pff.

Matapos non ay nag focus na ako sa test paper ko pero ilang minuto palang ang nakakalipas ay may tumawag na naman sa akin pero this time, apelyido ko ang binaggit niya "Omber". Kaya sa inis ko tumingin ako sa kanya ng masama.

"Ano bang problema mo?" Bulong kong saad sa kanya sabay irap. Babalik na sana ako sa pagsagot sa test paper ng tawagin na naman niya ako sa apelyido ko "Omber" at sabay na ngumisi. Nakakapikon na ah.

"Kanina ka pa ha, ano bang problema mong kapre ka, ha!" Painis kong sabi sa kanya muntikan na kaming pagalitan ni Ms. Lisa dahil medyo napalakas ang sabi ko sa kanya. Napatingin pa nga sa akin si Rusca at tinatanong kung ayos lang ba ako, tumango na lang ako kahit na iritang-irita ako sa lalaking katabi ko sa kaliwa.

"Ayaw mo kasi akong pansinin. Manghihiram lang naman ako ng ballpen kasi naiwan ko sa bahay." Palusot niyang dahilan sa akin sabay kamot ng batok niya. Sus kunwari pa ang kapreng 'to, gusto lang naman magpapansin.

"Wala na akong ballpen." Mahina kong tugon at saka bumalik na sa pagsagot ng test paper pero nangulit na naman ang kapre "Omber".

"Nang uurat ka ba talagang kapre ka??" Mahina pero gigil na sagot ko sa kanya. Isa nalang jo-jombagin ko na 'to.

"Kung wala kang ballpen, eh ano yan?" Tinuro niya yung pencil case ko na nakabukas at naka labas ung iba ko pang ballpen. Kainis nakita pa. Aist!

"Manghihi-" Di ko na tinapos ang pagsasalita niya at inabot ko nalang yung ballpen ko sa harap niya.

"Nang manahimik ka na." Sabi ko at tinuloy ko na ang pagsagot ng test paper. Dumaan ang kalahating oras ay natapos din ang lahat sa pagsagot ng test paper at naghahanda na ang lahat para umuwi.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko upang pumunta sa locker pero may humarang sa akin sa sliding door ng classroom. Eh di sino pa ba ang maglalakas loob na inisin ako kundi yung kapre.

"Pwede bang padaanin mo ako?" Inis kong sabi sa kanya habang nakayukom ang mga kamay ko dahil sa pang bubuska niya.

"Eh kung ayaw ko?" Sabi niya habang aakma na hawakan ako sa kamay pero sa takot kong makita ang oras na meron siya ay umilag ako pero nagkamali ako ng hakbang kaya nawalan ako ng balanse at akmang mahuhulog ng masalo niya ako.

Hawak ng kaliwang kamay niya ang bewang ko habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa mga kamay ko.

"Shocks! Hindi pwedeng dumampi ang mga daliri namin." Sa takot na magtama ang daliri namin ay mabilis akong tumayo pero nawalan na naman ako ng balanse kung kaya't nahawakan akong muli nung kapre hanggang sa nanlaki ang mga mata ko dahil nagtama ang mga daliri namin.

Hindi ko alam kung bakit pero para akong naistatwa ng mga sandaling ito. Ni ayokong makita ang mukha niya dahil malamang sa malamang ay may lalabas na oras sa ibabaw ng ulo niya at hindi na iyon mawawala unless maubos na ito at...

The RemnantWhere stories live. Discover now