Chapter 11: The Man from before

0 0 0
                                    

Zette' P.O.V.

Matapos akong dalawin ni Rusca sa bahay ay pumasok na rin ako kinabukasan sa school.

"Cel, bakit parang ang daming nagbago sa school? Two days lang naman akong nawala." Wika ko sa kanya habang kumakain kami ng luch sa rooftop. Nakita ko ang pagkatulala niya kaya tinawag ko siya muli.

"Hacel?" Sambit ko at nakita kong napapitlag siya at napakamot ng ulo. Ano kayang nangyari sa kanya?

"Sorry, Zette. May sinasabi ka?" Tugon niya. Lutang nga ang babaitang ito. Pff.

"Sabi ko ang dami atang nagbago sa school." Pag-uulit ko ng sabi sa kanya. Nakita ko na nalungkot siya muli at saka tumugon.

"Ah, yun ba. Oo marami, Zette. Napalitan tayo ng bagong adviser at papasok na siya after lunch natin. At..." Paliwanag niya pero naputol ito at niyuko ang ulo. Something is not right.

"At ano Cel? May problema ba?" Pag-aalalang tanong ko. Alam ko na may problema siya dahil bakas na bakas ito sa kanyang mukha.

"At— Mawawalan na ako ng scholarship, Zette. Meron kasing isang teacher from other department na nagtuturo sa kabilang classroom na katabi natin. He was trying to harass me at hindi ako pumayag but he threatened me na he will do anything para makaganti. So, di ko siya pinansin sa sinabi niya. Then yesterday, the principal called me para sabihing my scholarship is gone." Tuloy-tuloy niyang pagpapapaliwanag habang umiiyak. Di ko alam ang gagawin pero di ko mapigilan ang maawa sa kanya at mainis sa bwisit na nang harass sa kanya.

"Sshh.. Tahan na, Cel." Pang-aalo ko sa kanya pero patuloy pa rin siyang umiiyak.

"Zette, di ko na alam ang gagawin ko. Baka mapatalsik ako dito sa school dahil wala akong pang bayad ng tuition. Hindi ko kakayanin na mawalan ng scholarship, kaunti nalang Zette, kaunti nalang at makakapagtapos na rin tayo ng high school pero nangyari pa rin ang bagay na ito sa akin." Pag hihikbi niya. Hinimas-himas ko nalang muna ang likod niya ng mapagaan ang nararamdaman niya saka ako nagsalita.

"Hayaan mo Cel, kakausapin ko si Mama para humingi ng tulong. Alam ko, our family are running a foundation who helps people in need especially students who can't afford tuition fees." Wika ko sa kanya at nginitian siya.

'Talaga? Salamat Zette." Tugon niya at sabay yakap ng mahigpit sa akin. Tumayo siya at muling nagsalita.

"Halika na at baka mahuli pa tayo sa next class!" Masigla niyang tugon na para bang wala siyang problema. That's Hacel, sandali lang mag e-emote yan pero kapag may kahit kaunting hope, nabibigyan siya ng motivation na magpatuloy sa laban ng buhay.

Pagpasok namin sa loob ng classroom ay nakita ko si Rusca na kumaway kaya nginitian ko siya ng bahagya. Napalingon naman ako sa pwesto ni Cyle at nakita ko na umiwas siya bigla ng tingin.

Alam kong he doesn't deserve the treatment I gave on him last time pero di muna ako pwedeng makampante hangga't di ko nalalaman ang sagot sa mga tanong ko. Sa ngayon ang tangi ko lang munang magagawa ay mag "Sorry".

Saktong pag-upo ko ay siyang pagpasok ng bago naming adviser.

Napatayo ako sa kinauupan ko ng makilala ko kung sino siya. Ayos ka lang ba? Sigurado ako na siya ang nagsabi nun sa akin nung magkabungguan kami.

"Naka uniform siya last time so I thought new transferred students siya pero paanong nangyari na siya ang adviser namin?" Wika ko sa aking isipan. Di ko namalayan na nakatingin na pala ang lahat ng classmate ko sa akin bago ko na-realize ang ginawa ko.

"Ms. Omber? Is there something wrong?" Tanong ng bago naming adviser. Pero para di niya mapansin ang pagkabigla ko ay sumagot na lamang ako.

"None, Sir. Sorry for the commotion." Sambit ko at saka umupo muli sa upuan ko. Nakita ko pa sa pheriperal vision ko na nakatingin sa akin si Cyle pati na rin si Rusca. Sa sobrang hiya ko ay sinubsob ko nalang ang sarili ko sa notebook ko na nasa desk.

"Hello, everyone. I am Arsel Dane. And I am going to be your new adviser." Pagpapakilala niya sa harap naming lahat pero nagtaka ako kung bakit parang ang mga mata niya ay sa akin nakatitig.

"Ayos ka lang ba?" Biglang tanong sa akin ni Rusca. Tumango ako at saka muling nagsalita.

"Ayos lang ako Rus, 'wag kang mag-alala." Sagot ko kay Rusca at ngitian siya. Lumingon muli ako sa harap ng blackboard at nakita kong ngumisi yung bago naming adviser. Ako lang ba ang nakapansin? Nilingon ko ang mga kaklase ko pero wala akong nakita na nagtaka maliban sa kinikilig ang mga babae dahil gwapo daw yung new adviser namin. Ano kaya ang nangyari kay Ms. Liza?

Sa isang iglap bigla nalang ako nakaramdam ng kakaiba. Di ko maipaliwanag pero kinilabutan ang buo kong katawan.

"Hello, everyone. I am Arsel Dane. And I am going to be your new adviser." Pagpapakilala niya sa harap naming lahat. Pero teka Dé Jà Vú? Parang nagpakilala na siya kanina ah. O namamalikmata lang ako? Pero bakit parang nangyari na kanina.

"Ayos ka lang ba?" Biglang tanong sa akin ni Rusca. Lumingon ako sa gawi niya at saka tumango. Heto pa, parang nagtanong na rin siya sa akin kanina. Anong nangyayari?

"Ayos lang ako Rus, 'wag kang mag-alala." Sagot ko nalang sa kanya kahit na parang inulit ko lang din yung sinabi ko. Weird.

Natapos ang klase na nakatitig lang ako sa harap habang sinusundan ng tingin yung bago naming adviser na si Sir Arsel. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa kanya. Parang may awra siya na hindi pangkaraniwan. Nakakakilabot.

Tumunog ang bell at nakita ko nalang na nakaalis na si Sir Arsel habang naghahanda naman ang mga kaklase ko pauwi.

"Zette —" Tawag sa akin ni Hacel. Nilingon ko siya at ngumiti pero nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Meron talagang nangyari sa babaitang ito.

"Tara." Aya ko sa kanya na siya namang sinunod niya. Iyon kasi ang sign namin kapag masinsinan ang pag-uusapan namin.

Pagkarating namin ng waiting shed ay hinarap ko kaagad siya.

"Spill it, Cel. Ano bang -" Hindi pa ako natatapos ng pagtatanong ay sinampal ako ng malakas ni Hacel. Nanginginig pa siya sa ginawa niya pero di niya magawang tumingin ng deretso sa mga mata ko.

"Bakit?" Yun lang ang lumabas na salita sa bibig ko. Gustuhin ko man magalit sa kanya pero hindi ko magawa. Para bang alam na alam ko kung bakit niya yun ginawa pero yung totoo naguguluhan ako sa nangyayari.

"H-u-wag ka ng lalapit sa akin kahit kailan. A-y-aw na kitang maging kaibigan." pautal-utal niyang sabi sa akin pero halatang against ung sinasabi niya sa gusto niyang gawin. Para bang may threat? Pero bakit naman magkakaroon ng ganon?

Pinagmasdan ko nalang si Hacel na naglalakad sa akin papalayo. Ang sakit dahil kaisa-isang kaibigan ko ang lumayo sa akin sa di malamang dahilan.

"Masakit ba?" Isang boses ng lalaki ang nagsalita sa likuran ko, lumingon ako at nakita na nakangisi siya. Anong nakakatuwa?

"Excuse me po Sir. Pero wala na ho kayong pake." Pabalang kong sagot sa kanya at inirapan siya. Siguro naman hindi masama na ganun ang pagsagot ko sa kanya dahil technically nasa labas naman na kami ng school at isa pa masyado siyang usisero. Kilala niya ba ako? Sino ba siya? Masiyado siyang feeling close.

"I see. Di ka pala mabilis matakot, Ms. Omber." Matapos niyang banggitin ang pangalan ko ay muntikan niya na akong hawakan sa kamay. Buti nalang at nakita ko siya sa peripheral vision ko kaya mabilis ko siya naiwasan. G*go ba siya? Bakit niya ako gustong hawakan. Creepy.

Mabilis akong naglakad papalayo sa kanya dahil ayoko siyang makasalamuha pa ng mas matagal. Iba ang nararamdaman ko sa kanya. Parang anytime handa kang sunggaban.

"Aaah!" Sa sobrang bilis ng paglalakad ko, di ko na namalayang nakabangga na pala ako.

The RemnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon