Chapter 8: Answers to the Questions

0 0 0
                                    

Nilapitan ko si mama upang yakapin. Hindi ko kaya na makita siyang lumuluha.

"Ma, bakit ka po umiiyak?" Tanong ko kay mama habang yakap siya at hinihimas ang likuran niya. Nararamdaman ko ang lungkot na nadarama niya.

"Na miss ko lang ang lolo mo, anak." Tugon ni mama sa akin at saka pinunasan ang kanyang mga luha.

"Itong si tita Scarlet mo, kakakita niyo lang sa isa't isa." Sambit ni mama sa akin pero di ko siya na gets.

"Po? Kailan? Saan?" Takang tanong ko kay mama at tumingin sa kanyang mga mata.

"Anak, kanina lang. Sa baba. Yung kasama kong babae kanina, yun si tita Scarlet mo." Paliwanag ni mama at nginitian ako.

"Po!!!" Gulat na gulat na reaksyon ko at biglang napaupo sa sahig.

"Ma, ang bastos ko po, di ko siya binati kanina. Sorry ma." Alalang tugon ko kay mama pero ngumiti lang ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.

"Anak, na gets naman ni tita mo na hindi maganda ang pakiramdam mo kanina. Huwag kang mag-alala." Tugon niya sa akin at pinisil ang aking mga kamay.

"Okay po."
"Ma... Yung tungkol sa sulat ni lolo, nabasa ko po kasi iyan kanina. Sorry kung pinakialaman ko. At di ko po alam kung paano pero naintindihan ko po ang baybaying sulat ni lolo sa'yo." Pagpapaliwanag ko at paghingi ng tawad. Pero imbis na magalit siya sa ginawa ko at magulat ay iba ang naging reaction niya.

"Naiintindihan ko anak. Panahon na para ipaalam sa'yo ang tungkol sa sinabi ng lolo mo sa sulat." Panimula ni mama at saka bumuntong-hininga at nagsimula ng magkwento.

Noon pa man ay may kakayahang taglay na ang ating henerasyon. Isang kapangyarihan na nasasalin-lahi sa bawat pagdating ng mga susunod na henerasyon.

At isa na ang pamilya natin na biniyayaang alagaan at protektahan ang kakayahang ito laban sa kasamaan.

Ayon sa lolo mo, kapag malapit ng mamatay ang nangangalaga sa kapangyarihang taglay nila ay ipinapasa nila ang kakayahang ito sa mga unang anak nila.

At dahil ako ay nag-iisang anak ng lolo mo, sa akin napunta ang kakayahang makita ang oras ng mga tao kung hanggang kailan nalang ang natitira nilang oras dito sa mundo.

Pero nabalitaan ko kanina sa tita Scarlet mo na hindi lang ang pagkamatay ng magulang ang pwedeng paraan ng pagsasalin ng kapangyarihan sa anak. maaaring maipasa ang kapangyarihang ito sa anak nila kapag tumuntong na sa kwarenta anyos ang kanilang magulang.

"Teka po Ma, ibigsabihin may powers din po si tita Scarlet?" Takang tugon ko at siya namang tango ni mama sa akin bilang sagot sa katanungan ko kaya nagpatuloy ang pagkukwento niya sa akin.

At nalaman ko rin na maaaring may kapangyarihan pa ako na dapat kong alamin kung paano mapapalabas.

"Ano pong ibig niyong sabihin Ma?" Magulo at takang tanong ko muli. Hindi ko pa kasi medyo na ge-gets.

"Naalala mo ang binanggit ko kanina na tanging sa unang anak ipinapasa ang kapangyarihan?" Tugon ni mama sa akin at tumango naman ako.

"Simula ng maaksidente tayo ay nawala na sa akin ang kapangyarihan ko at dahil namatay ang ate mo na siyang dapat na mag mamana ng kapangyarihan ko at bukod pa don ay nag kwarenta anyos na rin ako nung death anniversary ng ate mo ay hindi ko na alam kung saan o paano malalaman kung ang pinangalagaan ng lolo mo na kapangyarihan ay kung saan napunta. Ang tanging paraan nalang ay malaman pa kung talagang may iba pa akong kapangyarihan. Kaya pinapatignan sa akin ni tita mo ang files ng lolo mo." Dere-deretsong paliwanag ni mama.

"Ma, may posibilidad ba na malipat sa isa pang anak ang dapat na kapangyarihan ng isang panganay na anak?" Napahinto saglit si mama at napaisip. Tumingin siya sa akin at saka nagsalita.

"Malabo iyang sinasabi mo anak. Ang pagsasalin-lahi ng kapangyarihan na iyon ay tanging sa mga unang anak nangyayari." Ngiting tugon ni mama sa akin.

"Eh kung halimbawa na higit sa isa naman po ang anak, may posibilidad ba na magkaroon ng katulad na kapangyarihan ito gaya ng unang anak?" Tanong ko kay mama na siya naman niyang tinugunan.

"Ang kwento ng mga ama namin sa aming dalawa ni tita Scarlet mo ay may isang generation na ang nangyaring ay yung iba pa nilang mga anak ay nagkaroon ng powers pero after ng generation na yon, bigla na lamang itong hindi nagpatuloy sa mga sumunod pang generations. Pero ayon sa tita mo, ang dalawa niyang anak ay nagtataglay ng kapangyarihan. Ang panganay niya ay naisalin na niya ang kapangyarihan niya, ang bunso naman niyang anak ay may kapangyarihan din at maski si tita mo ay mayroon paring kapangyarihan dahil sa nadiskubre niya nga ito sa files ni tito David." Pagpapaliwanag muli ni mama sa akin pero hindi pa rin ako nakuntento kaya nagtanong muli ako.

"So ibigsabihin ma maaaring may kapangyarihan din ako?" Tanong ko at nakita ang pagkalungkot sa kanyang mukha.

"Sa kasamaang palad ay hindi posible iyon sa iyo anak. Mangyayari lamang na lahat ng anak ay may kapangyarihan kung ang lahat ng anak ay buhay at walang ni isang namatay." Ng marinig ko iyon ay bigla akong nalungkot at naalala si ate Ria.

"Sorry Ma, kung marami akong tanong. Hindi ko lang po akalain na may ganon po pala tayong kasaysayan." Sambit ko at humingi ng tawad kay mama dahil ang dami kong inaalam. Marahil dahil sa nararanasan ko ngayon.

"Sige anak, magpahinga ka na muna at alam kong pagod ka." Pagpapaalam ni mama at hinalikan ako sa noo. Tumango ako at saka lumisan ng silid ko si mama.

Pagkalabas niya ay humiga ako sa kama at napa isip.

"Kung talagang sa unang anak naipamamana ang kapangyarihan ng lahi namin, bakit nasa akin ito ngayon? Bakit parang di alam nila mama at tita Scarlet na posible itong mangyari? At saka paano nila nasabing kapangyarihan ito kung mukha naman itong isang sumpa?" Gulong-gulo ang isipan ko sa dami ng nalaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o hindi. Tinalukbong ko ang kumot ko at tuluyan ng nakatulog.

Kinabukasan...

Nag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa ibabaw ng desk ko.

Hello? Bungad ko sa phone pagkasagot ko kahit na inaantok parin ako at mabigat ang pakiramdam.

[Zette, anong oras ka papasok?] Bungad ni Hacel sa kabilang linya. Tinignan ko ang time sa phone ko bago siya sinagot.

Cel, pakisabi nalang sa mga teacher natin na hindi ako makakapasok dahil masama ang pakiramdam ko. Paliwanag ko sa kanya habang nakatapat parin ang phone sa tenga ko.

[O sige, ako na ang bahala. Dalawin kita diyan pagkatapos ng klase.]

Huwag na Cel, magiging okay din ako. Asikasuhin mo nalang ang dapat mong gawin sa mga assignments or projects if meron man para di ka mahuli. Paliwanag ko sa kanya dahil kapag di ako nagsalita alam kong pupuntahan niya talaga ako.

[O sige na nga. Basta pagaling ka ah.]

Oo naman, ako pa ba? Gagaling din ako huwag kang mag-alala.

Pagkatapos ng tawag ay binalik ko na muli ang phone ko sa desk. Nagkulob ulit ako ng kumot dahil totoong masama ang pakiramdam ko.

Hello, Zette Omber. Ang tagal ko nang hinintay ang pagkakataon na ito. Sa wakas ay nagkita din tayo.

Sino ka?!

Hindi na importante kung sino ako.

Hindi! Bumalikwas ako sa kama. Panaginip lang pala. Pero parang totoo. Sino kaya ang taong iyon? Hindi ko siya maaninag dahil natatakpan ng dilim ang mukha niya. Maski ang boses niya parang may filter.

Lumingon ako sa bintana ng kwarto at nakitang papalubog na ang araw. Tumingin ako sa orasan ko at mag aala-sais na pala ng gabi. Bumaba ako upang kumuha ng maiinom na tubig ng marinig ko na may nag-uusap at nagtatawanan sa may sala.

"May bisita kami ng ganitong oras?" Tanong ko sa aking sarili at saka dumiretso sa may sala. Pagdating ko ay nakita kong may bisita nga kami at hindi ko inaakala ang nakita ko.

"Ikaw??"

The RemnantWhere stories live. Discover now