Chapter 6: Fear

0 0 0
                                    

Zette' P.O.V.

After kong makalabas ng school di ko alam kung gaano na ako katagal tumatakbo. Bawat taong nakakabangga ko ay tila magnet dahil nagtatama ang mga daliri nila sa daliri ko. Ang weird di ba.

Sa di ko maiwasang dahilan inangat ko ang ulo ko at nilingunan ang mga nakasangga ko. Kitang-kita ko kung paano patuloy na tumatakbo ang mga oras nila at kung gaano nalang sila katagal mabubuhay.

"No... Ayo-kong makita ang oras niyo sa ibabaw ng inyong ulo." pabulong kong wika sa aking isipan. Akala mo naman nakakausap ko ung mga tao sa paligid. Kailan ba ito mawawala?

Pero sa bawat takbo at dapo ng mga daliri nila sa akin, marami akong taong nakikita nalang bigla ang mga oras na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo.
Masakit man malaman na may mga taong nabibilang nalang ang oras dito sa mundo, hindi ko naman magawa ang mailigtas sila. Sino ba naman ako? Isa lang naman akong hamak na nilalang dito sa mundong ibabaw at may sumpa na makita ang oras ng mga tao at malaman na malapit ng silang mamatay.

"Anak ayos ka lamang ba?" Wika ni mama sa akin. Di ko namalayang dinala na pala ako ng mga paa ko sa aming bahay. Napansin ko na may bisita kami pero di ko na ito nagawang batiin.

"Opo Ma, akyat na po ako." Tanging sagot ko nalang kay mama, yumuko nalang ako bilang paggalang sa bisita at tuluyan ng umakyat ng kwarto ko.

"Bakit?... Bakit kailangan mangyari ang mga ito? Saan ba 'to nanggaling? Bakit bigla nalang itong sumulpot? Paano nangyaring meron akong sumpa?" Paulit-ulit na tanong ko sa aking isipan. Nakahiga ako sa kama at nakataklob ng kumot. Di alintana ang mga luhang pumapatak sa aking mga pisngi.

"Ate, anong gagawin ko? Kung nabubuhay ka lang sana, marahil ay alam mo ang isasagot mo sa akin." Bulong ko sa aking sarili habang patuloy ang pag-iyak. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na ako.

Scarlet' P.O.V.

Nag-uusap kami ni Tanya sa may sala nila ng biglang bumukas ang pinto ng kanilang bahay. Lulan nito ang isang magandang dalaga ngunit mas kapansin-pansin ang pagka balisa nito na tila wala sa sarili.

"Anak ayos ka lamang ba?" Tanong ni Tanya sa dalagang nasa harapan namin. Lumingon ito at nagtama ang aming mga mata. Doon ko nakita ang mga mata niyang nagbabadya ng lumuha.

"Ano itong nararamdaman ko? Bakit bigla akong nag-aalala sa dalagang ito?" Bulong ko sa aking isipan habang nakatingin pa rin ako sa kanya at siya naman ay nakatingin sa mama niya.

"Opo Ma, akyat na po ako." Tugon ng dalaga kay Tanya at yumuko ito sa amin at saka umakyat.

"Bes, siya na ba ang bunso mo? Si Zette?" Tanong ko kay Tanya pagkaharap niya sa akin. Halatang nag-aalala para sa kalagayan ng kanyang anak.

"Oo Bes, siya nga. Pero hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kanya. Hindi ko alam kung anong problema ang dala-dala ng anak ko. Paano kung bigla nalang siyang magpa-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Tanya dahil alam ko kung paano ito mag over thinking sa mga bagay-bagay.

"Bes, hindi yan mangyayari. Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa anak mo." Paniniguradong tugon ko sa kanya at pinisil ang kanyang mga kamay. Nginitian niya ako at pinisil din ang aking mga kamay.

"Kung hawak ko lang sana ang kapangyarihan ko." Sambit niya at kinuyom ang mga kamay. Di ko maiwasan maalala kung paano kami nagkakilala ni Tanya at kung papaanong pareho kaming may kaalaman sa kapangyarihang taglay namin.


30 years ago...

"Anak, meet Tanya Trixton Omber. Daughter of my friend, Kurt Trixton." Pagpapakilala ni dad sa anak ng kaibigan niya na kasama ni uncle Kurt. Yes matagal ko ng kilala si uncle dahil madalas silang magkasama ni dad sa lakad at minsan ay dumadalaw dito sa bahay.

The RemnantWhere stories live. Discover now