Chapter 3: New Student

0 0 0
                                    

Rusca' P.O.V.

Nakita ko si Hacel na kasama si Zette at nag-uusap sa may bench malapit sa soccer field.

"Ano kayang pinag-uusapan nila? Parang seryoso eh." Bulong kong wika sa aking sarili. Napagdesisyunan namin ng mga barkada ko na dito dumaan sa gilid ng soccer field dahil bukod sa hindi crowded ay makakalanghap pa ako ng sariwang hangin.

"Uy Rus, sino ba yang tinitignan mo diyan?" Sambit ni Zed sabay akbay sa balikat ko. Tss, ginaya na naman ako ng isang 'to sa pagiging chick-boy niya.

"Manahimik ka nga diyan sa mga kalokohan mo,  Zed." Tugon ko sa kanya at inalis ang pagkaka akbay niya sa akin. Pero ang loko ngumisi pa.

"Sino pa ba ang titignan nitong kaibigan natin kundi ayun." Tinuro ng nguso ni Tofer ang kinaroroonan nila Zette sabay ngiti ng nakakaloko. Isa pa tong isang 'to. Kung si Zed chick-boy, heto naman mahilig manood ng p*rn.  Ewan ko ba kung ano nakita ng girlfriend niya dito at pinag tiya-tiyagaan.

"Oh mga tol wag tayong ganyan sa superstar natin. Marami namang naghahabol dito dahil tayo lang naman ang sikat na soccer team dito sa school." pang aalaskang tugon ni Pete. Na ang tanging hilig lang naman ay pagmasdan din ang babae na kahit minsan hindi niya malapitan, torpe kung baga. Pff.

"Alam mo Tofer, wag mo ko igaya sayo na ang hilig pagnasaan ay ang pader or kung ano pa habang nanonood ng p*rn." Balik pang-aasar ko kay Tofer na halatang namula sa kahihiyan.

"At ikaw naman Pete, di mo ako tulad na hindi malapitan si Hacel. Napaka torpe. Baka mamaya niyan maunahan ka pa ng iba." Tugon ko sabay tingin sa kanya at siyang napakamot naman ng batok. Di naglaon ay nagtawanan kami sa mga kalokohan namin.

"Di niyo gayahin tong si Kael. Di namomoblema sa babae kasi bukod sa may maganda ng girlfriend ay matalino pa, kita mo panay pa rin ang pagbabasa kahit na naglalakad tayo." Pang-iinis nanaman ni Zed at nagtawanan silang tatlo. Mga ugok talaga. Pff.

"Tama na yan." saway ko at sabay-sabay naman silang nanahimik na parang mga bata. Ayon sa kanila malaki daw ang respeto nila sa akin kaya takot sila kapag nag se-seryoso daw ako.

Di ko na nakita pa sila Hacel at Zette matapos kong makipag-usap sa mga 'to. Di ko tuloy sila nasundan.

Kinabukasan...

"Class meron kayong bagong kaklase. Kaya makipag kaibigan kayo ng mabuti sa kanya. Ayokong makakaharinig ng gulo." Sambit ng adviser namin na si Ms. Lisa sa buong klase. Maya-maya pa ay pumasok na ang bago naming magiging kaklase.

"Everyone, meet your new Classmate. Hijo, magpakilala ka na." Bungad ni Ms. Lisa at tumikhim ang bago naming kaklase saka nagsalita.

"Hello guys, I'm Cyle Persy. Ang bago niyong classmate. Nawa'y maging magkaibigan tayo lahat." Wika niya at sabay-sabay na namangha ang mga kaklase ko. Yung mga babae nakatitig sa kanya at humaling na humaling. Pff, ano bang meron sa lalaking 'to?

"Mr. Persy, you may sit now beside Ms. Omber." Wika ni Ms. Lisa at tumango si Cyle. Umupo siya sa tabi ni Zette pero tila wala naman itong pakialam sa kanya. Nanatili lang nakatulala si Zette na parang ang lalim ng iniisip.

"Ano kaya ang nangyari sa kanya?" Bulong ko sa sarili ko at bumuntong hininga. Tumingin na ako sa harap upang makinig sa lecture dahil hindi tuloy ang quiz namin today dahil kakadating lang ni Cyle kaya naurong ng friday ang quiz.

Ilang oras din ang lumipas at patuloy ang pag labas-pasok ng mga teacher namin upang ituro ang kani-kanilang subject. Pero si Zette tila wala sa sarili. Hindi umiimik at para bang takot tumingin sa mga tao.

Zette' P.O.V.

Di ko malaman pero hanggang ngayon palaisipan kung paano at bakit ako biglang nakakakita ng oras sa ulo ng mga tao kapag nag dampi ang mga daliri namin. Noon naman walang ganito. Simula ng maaksidente kami, ngayon lang ako nakaranas nito.

The RemnantWhere stories live. Discover now