Chapter 15: Underlings

0 0 0
                                    

"Kaya namin kayo pinatawag dahil alam namin kung saan niyo makikita si Zette." Wika ni mom na bigla kong ikinasaya dahil may chance na hindi nasaktan si Ate Zette.

"Your tita Tanya saw what will going to happen kaya kailangan niyong bilisan. Heto ang address, pagbalik niyo nalang namin sasabihin kung paano nangyaring nakita iyon ng tita niyo." Tugon ni mom at sabay kaming tumayo kaagad ni kuya at mabilis na umalis ng bahay nila tita Tanya.

After 1 hour ay narating din namin ang location kung saan namin makikita si ate Zette. Isang abandonadong warehouse ito sa kalagitnaan ng malaking damuhan na malayo sa highway.

"Mga g*go silang lahat! Subukan lang nilang saktan si Omber at makikita nila ang hinahanap nila." Galit na wika ni kuya Cyle at kinuyom ang kamay. Hindi ko siya masisisi kung sakali man may masamang nangyari kay ate Zette dahil kahit ako ay handa siyang iligtas sa mga masasamang tao kagaya ng Truime Real.

Sila lang naman ang mga halang ang bituka na pwedeng gumawa nito.

"Kuya, saan tayo dadaan? Kailangan natin makapasok ng hindi nila namamalayan." Tugon ko at nagsimula na kaming magplano kung paano papasukin ang loob ng warehouse.

Zette' P.O.V.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa aking isipan dahil pagkatapos akong hatawin ng matigas na bagay sa ulo ay wala na akong maalala na kahit ano.

"Kamusta na? Gising na ba ang bihag?" Tanong ng isang lalaki pero di ko maaninag kung sino dahil naka piring ang mga mata ko, nakatali ang kamay at paa ko at natatakpan naman ng tape ang bibig ko.

"Mukhang hindi pa gising, Lord Waren." Tugon naman ng lalaki na tingin ko ay tauhan niya dahil tinawag niya yung lalaking nagsalita kanina na Waren.

"Mabuti kung ganoon, siguraduhin niyo na hindi yan makakatakas. Kailangan natin siyang madala sa Truime Real." Wika muli nung lalaki na ang ngalan ay Waren. Pero teka, saan nila ako dadalhin? At anong meron sa Truime Real na iyon?

"Lord Waren, hindi naman sa pinagdududahan ko ang kakayanan mo pero – sigurado ba tayo sa dadalhin natin? Baka hindi siya ang hinahanap ng Truime Real?" Tanong nung tauhan niya sa kanya. Hindi ko sila maintindihan.

"Ano ba ang mga pinagsasasabi nila? Malamang hindi talaga ako. Hindi ko nga sila kilala at mas lalong hindi ko naman alam ang tinutukoy nila." Wika ko sa aking isipan habang pinakikiramdaman ko ang mga kilos nila. Hindi pa nila namamalayan na nagising na ako.

"Dadalhin natin siya sa Truime Real. End of conversation." Maiksi ngunit ma awtoridad na tugon ng tinatawag niyang lord. Mga ilang sandali lang ay narinig ko na ang yabag nila na papalayo sa kinalalagyan ko.

"Ngayon, kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ako makakaalis dito. Pero – paano nga ba?" Wika ko sa aking isipan at saka nag buntong-hininga. Kahit kailan ay hindi ko naman natutunan ang self-defense so papaano ako makakatakas dito?

Maya-maya ay may narinig akong yabag, hindi isa kundi dalawang yabag ng mga tao.

"Bakit ang bilis ata nilang bumalik?" Wika ko sa aking isipan habang pinakikiramdaman ko ang dumating pero kahit isang ingay ay wala akong narinig mula sa kanila.

"Teka, saan nila ako dadalin? Bakit nila ako inaalisan ng tali sa kamay? Huwag mong sabihing dadalin na nila ako doon? Hindi maaa–" Hindi ko na natapos ang balak kong sabihin at ang balak kong pagtakas sa kanila ng marinig ko ang isa sa kanila na nagsalita.

"Ate Z, kami ito ni kuya Cyle. Don't worry, you're safe now." Pagkasabi niya noon ay nagkaroon ako ng luwag sa dibdib at parang nagbabadya ng bumagsak ang mga luha ko pero hindi ko muna ginawa. Kailangan muna namin makaalis dito ng buhay.

The RemnantWhere stories live. Discover now